Chapter 17

67 4 0
                                    

"I'm breaking up with her" nagugulat akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya yun.

"Seriously? Makikipagbreak ka sa kaniya? Anong rason mo?" I asked him.

"I can't be in a relationship with her knowing something happened between us, pagtataksil yun, and it's confusing me," Napapailing akong napatingin sa kaniya bago nagsalita.

"Ako ang nalilito sayo eh. May Belle ka tapos hinalikan mo ako!"

"You seduced me!"

"What?! Anong seduce? Hoy wala akong ginawa sayo ha. Ikaw ang naunang lumapit at nanghalik," sabi ko sa kaniya nang may pagpipigil dahil baka may makarinig sa amin.

"Walang patutunguhan ang usapan na 'to!" naglakad ako palayo sa kaniya at hinubad ang see through na suot pati na din ang sombrero na binigay niya at binagsak sa buhangin bago lumusong sa dagat. Parang kailangan ko ng tubig dagat dahil hindi sapat ang pagligo ko kanina.

"See! You're really seducing me. Maghubad ba naman sa harap ko," mahina pero dinig kong sabi niya. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya paglingon.

I never knew he has this side. Ilang minuto pa nagsunuran na sila na maligo. We did all the activities na kaya namin and even tried new ones. Kasama din namin sina Shane and the other girls kagabi. It was really fun. Gabi na nang naisipan naming bumalik sa room. We even dine outside. Nakakapagod na magluto.

Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami at nagtatawanan when someone called and ask us a favor.

"Mr. Buenavista…" ang magpipinsan naman ay napalingon kaya napakamot sa ulo ang tumawag. Lahat talaga sila lilingon. Buenavista eh.

"Yes?" tanong naman ni Dale.

"I wanted to ask you if you can come for tommorow nights show," mahinahong sabi niya pero kabado sa maaring isagot ng banda.

"Sure," mabilis naman na sagot ni Dale.

"Talaga po!?" he exclaimed.

"Yeah," naaaliw na sagot pa ni Dale.

"Thank you po. Ah 7 po ang start ng show. But you can go around 8-9 to perform," pagbibigay niya ng detalye.

"Okay, we'll be there," pagtatapos ni Dale sa usapan. Nagpasalamat naman siya bago tuwang-tuwang umalis at sinalubong ng mga kasama niya di kalayuan.

"Dapat talaga sumama si Miss G.," may panghihinayang na wika ni Thunder na sinang-ayunan ng iba.

"Bakit nga ba wala siya?" takang tanong ko sa kanila.

"May importanteng lakad daw siya kaya di makakasama," sagot ni Trev.

Pumasok na ako sa kwarto pagdating ko at humiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng ginawa namin kanina. Pero kahit pagod ay hindi ko magawang makatulog kaya napag-isip-isip kong lumabas muna. Natanaw ko si Dale na nakaupo sa buhangin. Lalapitan ko sana siya pero may kausap pala siya sa cellphone, kaya pinatapos ko muna ang usapan nila bago lumapit.

"Can we talk? I just need to tell you something," sabi niya sa kausap.

"Okay just call me when you got home. Bye," he said bago pinatay ang tawag.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Lumingon siya sa akin bago ibinalik ang paningin sa dagat.

"You seem gloomy, any problem?" tanong ko sa kaniya.

He sighed na para bang mababawasan noon ang nararamdaman niya.

"Am I bad?" naguguluhan naman akong napatingin sa kaniya. He looked at me before opening his mouth to speak again.

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon