"Can you be my Personal Chef?"
That question made my heart skip a beat.
Kala mo naman inalok nya akong maging asawa nya. Hahaha.
But seriously, natulala ako sa kanya nang itanong nya yun. Dahil hindi agad ako nakasagot dinugtungan nya pa ang sasabihin nya.
"I mean I can do it myself but since magaling ka, naisipan kong kunin ka. I'll double your salary," wow that was amazing. Ganun nya kagusto ang luto ko. Sino ba naman ako para tanggihan sya. Ito pala ang paraan para magkalapit kami. 😄
"Ah Sir Dale totoo ba ito, kukunin nyo talaga akong tagaluto nyo?" paniniguro ko naman. Sya naman ay tila napapailing pa habang ako ay magkasalikop ang palad na nakatingin sa kanya at may ngiti sa labi.
"Yeah, and can you please drop the Sir. I'm not that old," nakangiti nyang sabi kaya naman mas lalo pa akong napangiti.
"So when will I start D-dale," nauutal kong tanong ng banggitin ko ang pangalan nya.
"Really? Pumapayag kana?" parang di makapaniwalang aniya. Ako naman ay tumango lamang.
"Ehem," ang pagtikhim ni mommy Liza ang nagpaalala sa akin na may mga kasama pa nga pala kami. Nahihiyang napatingin naman ako sa kanya at ngumiti na sinuklian nya din naman ng isang napakagandang ngiti.
"So things are settled. You'll be Dales' personal cook. You can join us Krizza. Come on take a sit," sabi pa ni daddy Hiro.
"Ay hindi na po sir," may kailangan pa po akong tapusin sa loob.."
"Just call me tito, iha," nahihiyang ngiti naman ang sinukli ko sa kanya at saka tumango ng marahan.
"Sige po tito, tita. I'll go ahead na po. Salamat po," paalam ko bago umalis.
"Ah Louise you can start tommorow," pahabol ni Dale bago ako tumalikod kaya naman tumango nalang ako. Noon ko lang din napansin na marami na pala ang nakatingin sa table na pinanggalingan ko marahil ay nakilala na nila si Dale.
Si Jewel naman ay nakasalubong ko papasok sa kitchen. Hindi ko na namalayan na umalis pala sya matapos akong samahan papunta kina Dale.
"Ano beb, success ba? Mas mapapalapit ka na kay Dale mo. Hahaha," mapang-asar na sabi ni Jewel sa akin. Pumasok muna ako sa kitchen bago ako doon ngumiti ng malawak sa kanya.
"Oh my God beb, kinuha nya akong personal chef nya. Ibig sabihin nun mas makakasama ko sya. I can't believe that beb. Hindi ko inaasahan ito. This is overwhelming," sabi ko habang pinapaypayan ang aking sarili.
"Kalma beb. Don't be too happy, tandaan, may girlfriend yung tao," nabawasan ang tuwang nararamdaman ko nang maalala ko ang bagay na iyon.
"So what beb, magbebreak din sila. I just wanna be happy and I know I will be," may kumpyansang sabi ko sa kanya at binalik na ang masiglang tono kanina.
"Whatever you say beb. Intayin mo munang magbreak sila bago mo landiin yung tao," paninita nya sa akin.
"What! Landiin? Beb ang pangit naman ng term mo. Paibigin it is. Hahaha," mapagbirong sabi ko sa kanya at sya naman ay bahagyang napairap lang.
Iniwan nya na din ako at inayos ko na ang mga gamit ko para umuwi.
I'm on my way to the parking lot nang may tumawag sa akin nang magring ang cellphone ko.
"Beb nakalimutan kong sabihin sayo tumawag si kuya Louie. Kinakamusta ka nya."
"Anung sabi mo?"
"Sabi ko sa kanya okay ka naman at wag syang mag-alala masyado kasi magkasama tayo. Yun lang."
"Ah kala ko naman kung ano na. Sige na beb, bye na. Pauwe na ko. Ikaw ingat ka pag uwe mo. Loveyah," sabi ko bago patayin ang tawag. Sumakay nadin ako sa kotse at agad nagmaneho pauwi. Kailangan ko ng mag beauty rest dahil bukas ay magkikita na ulit kame ni Dale. Parang ang haggard ko kanina nang makita nya ako. Feeling ko ang pangit ko. Nakahairnet pa ako nun. Pero sobrang gwapo nya talaga kanina, yung mga ngiti nya, hayyy nakakainlove.
Iniisip ko hanggang pag-uwi ang mga ngiti nya sa akin. Sa sobrang saya ko pati ang nadaanan kong nagtitinda ng bulaklak ay binilhan ko. Ang epekto ni Dale. Ilalagay ko nalang sa flower vase na nasa sala.
Sa pagod ko ay naglinis na lang ako ng katawan bago kumain at matulog. Maaga pa ako bukas. And I need lots of energy for tommorow.
Maaga pa lang ay gising na ako at nag eexcercise. Naligo nadin nang makapagpahinga at nagluto ng agahan. I wore my ripped jeans and a blouse plus a converse shoes and a cap, get my things and drove to Dales' condo.
Exactly 8am, ay nandito na ako sa harapan ng condo nya kumakatok at nagdodoorbell. Ilang minuto din akong naghintay. I was going to call to him nang bumukas ang pinto at iluwa si Dale na nakatapis lang tuwalya at nagpupunas pa ng buhok. Malamang naliligo sya kaya hindi agad nabuksan ang pinto. Sa pagkabigla ay hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan at nanatiling nakatitig sa kanyang kabuuan. Everything about him is perfect. That is all I know.
"Hey, come on in, pasensya na naliligo ako eh," pukaw nya sa akin, kaya ako naman ay napakurap-kurap at pilit na dinala ang aking mga mata sa kanyang mukha. Mabuti na lang at abala sya sa pagpupunas ng kanyang buhok at hindi nya nakita ang aking pagkamangha sa katawang meron sya. Malapad na katawan, six pack abs, makikita mo din ang muscles na gumagalaw-galaw habang nagpupunas sya, kaya minsan talaga napapaisip ako, sa laki ng katawan nya, paanong ang boses nya pag kumakanta ay parang anghel sa sobrang soft at gentle ng pag-awit nya. Talaga namang nakakamangha.
"Ah yes, oo nga, halata naman," sabi ko sa kanya at dali daling pumasok sa loob.
Siya naman ay dumiretso sa kanyang silid para magbihis. Lumapit ako sa ref nya, para tingnan ang mga sangkap na meron siya, pero wala kahit na anong laman ito, kundi beer at canned drinks.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang makita ko syang nakabihis na para bang may pupuntahan.
"Wala akong stock sa ref, pwede mo ba akong samahan na mamili?" tanong nya sa akin.
"Of course yes!" mabilis na sagot ko. Kahit saan mo gustong pumunta samahan kita. 😊
"Mamimili ka na ganyan lang ang suot mo?" may alinlangan kong tanong. Siya naman ay nagtataka at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin."I mean okay naman yung suot mo, kaya lang baka mamaya habang nasa grocery store tayo, pagkaguluhan ka ng mga taong makakita sayo," duon sya natauhan at napaisip.
"You should wear a cap. Pwede na yun saka shades," mabilis naman syang pumunta sa kwarto nya at pagbalik ay dala na ang sinabi ko.
"Minsan talaga nakakalimutan kong sikat ako at hindi na gaya ng dati ang buhay ko," mahihimigan mo ang lungkot sa paraan ng pagkakasabi nya sa akin. Sasagot pa sana ako ang biglang tumunog ang cellphone niya at nakangiti itong sinagot.
"Hey babe, kamusta ka dyan?……
I'm fine here.…… I miss you already.……I'm going to the supermarket babe.…… I know, I'll be fine.… Sige na, I'll call you later.…… Bye, I love you too," may nakapaskil na ngiti sa labi nya nang patayin nya ang kanyang cellphone bago humarap sa akin at niyaya akong umalis.May kabigatan ang mga paang humakbang ako at sumunod sa kanya, nanlulumo sa aking narinig kahit na hindi naman dapat dahil sa iyon ang kayang kasintahan, at ako ay isang hamak lang na PA at ngayon ay tagaluto nya. Pero agad ko din naman iyong tinanggal sa aking isipan at sinabi sa sariling, "ako naman ang kasama nya ngayon kaya okay lang yan".
☆abby☆

BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomansaIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...