Chapter 39

66 4 1
                                    

Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako. Dale's still beside me with his arms wrapped around my waist. Nagising siya nang marahan akong gumalaw at agad na nagmulat ng mata at bumangon.

"Are you alright? May masakit pa ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang noo ko. Umiling ako at nakita ko namang nakahinga siya ng maluwag sa sagot ko.

"Are you hungry? Medyo maiinit ka pa din. Just wait here and I'll prepare your food so you can drink your medicine again. Para gumaling ka agad," hindi na niya inantay pang sumagot ako at mabilis na lumabas ng silid.

Bumangon lang ako para maghilamos at magtoothbrush. Naligo na din ako at bumaba para doon na mag-agahan. Busy si Dale sa pagluluto. Nakita ako ni Zeleina kaya naman agad siyang tumakbo at yumakap sa akin.

"Why did you get up? Sabi ko sayo dadalhan kita ng pagkain sa taas. Hindi ka pa magaling!" Mataas ang boses na pagsasalita ni Dale. Ow! Why so concern?

"I'm fine baby. Don't worry," nakangiting sabi ko bago lumapit sa kanya at hinawakan sa bewang. Ramdam ko naman ang bahagyang paninigas niya ngunit mabilis na nakabawi at hinalikan ang gilid ng noo ko bago ako akbayan.

"Hija, Dale is right. You should rest," tita agreed to Dale. Ngumiti lang ako bilang sagot at si tita naman ang nagpunta sa kusina.

"Okay na ako, don't worry too much," nakangising sabi ko kay Dale.

"You're still hot!" Naiinis na bulong niya

"Yeah , I know that, matagal na. Kaya mo nga ako nagustuhan," napanganga siya nang sabihin ko yun.

"Bahala ka sa buhay mo!" Naiinis pa ring pahayag niya at masamang tumingin sa akin.

"But you're my life! So bahala na ako sayo?" Nang-aasar na banat ko pa. Kita ko namang natigilan siya ng bahagya.

"Kumain ka na! Nagmamangmang ka na ata," sagot niya bago tuluyang pumunta sa kusina at naghanda ng pagkain.

Tumabi ako kay Zeleina na ngayon ay nakikipaglaro sa Tito Joshua niya.

Ngayon napapaisip ako kung may girlfriend ba siya o nililigawan man lang. Masyado kasi syang tahimik at suplado but I know he's a good guy.

"Bro, aalis ako mamaya. Punta ako sa DS---," Joshua said na agad namang sinang-ayunan ni Dale.

"Sige," sagot naman ni Dale na naghahain ng pagkain.

"DS?" Naguguluhang tanong ko kay Joshua.

"Yeah. Yun ang pangalan ng beach resort," sagot naman niya sa akin.

"DS stands for what?" naguguluhang tanong ko pa ulit sa kaniya.

"That's ah, DE SI---," sagot niya na pinutol ni Dale at siya ang nagdugtong.

"Dale Storm Beach Resort. Yun ang meaning ng DS," Dale Storm? He named his resort next to him?

"So you mean, you own a resort?" Baling ko kay Dale. Napakamot siya sa kilay at saka tumango.

"Absolutely. Anyway kumain na tayo para makainom ka na ng gamot at mas maging maayos ang pakiramdam mo. Bukas ay ipapasyal natin si Zeleina sa beach." Tuluy-tuloy na pahayag niya. Nilapitan naman niya si Joshua at may ibinulong dito.

Noon kasing magkakasama pa kami ay wala naman silang nasasabi na may iba pa silang pinagkakaabalahan kagaya nito.

"I didn't know na may sarili ka na din palang negosyo," komento ko nang nasa hapag na kami, tinutukoy ang resort na pag-aari niya.

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon