"Sabi ko naman sa'yo na alam kong nandito ang kapatid ko at kung nasaan ka. Sinabi ko din sayo na kukuhanin ko ang kapatid ko oras na magkamali ka. And then this happen. Binigyan mo ako ng dahilan para ilayo siya sayo," may kinalaman ba ang balitang iyon sa dahilang sinasabi niya at ano ang ginagawa niya dito.
"You can't do that. Mahal ako ni Louise at hindi niya ako iiwan," mariing sabi ni Dale. Totoong mahal ko siya pero kung sakali man na totoo ang balitang 'yon hindi ko alam kung pipiliin ko pa rin bang manatili dito.
"How are you so sure na hindi ka iiwan ng kapatid ko kung kami ngang pamilya niya ay tinalikuran niya at nagawang iwan?" May panghahamon na tanong ni kuya.
"Dahil pakakasalan niya ako!" Pasigaw na sagot niya kay kuya.
"Pakakasalan? Yeah she is getting married pero hindi sayo at sisiguruhin ko yun!" Kuya said angrily.
"Sa palagay mo ba pakakasalan ka niya ngayong nabuntis mo yung babaing yun?" Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang pagsinghap.
"Hindi ako ang ama ng batang dinadala niya," dama ko ang panlulumo sa salitang binitawan niya.
"Paano ka nakasisiguro na hindi ikaw?" May panunuyang tanong ni Kuya.
"Sige nga ipaliwanag mo! Buntis na siya bago pa makaalis ng bansa. Paanong hindi ikaw?" Tuluyan ng nalaglag ang luha na kanina ko pang pinipigil. Kung ganoon ay totoo nga. Kaya ba nakalimutan niya akong sunduin dahil dito?
"Hindi ko alam. Hindi ko matanggap. Hindi ako handang maging ama niya," what he said makes me cry more. Hindi siya handa. Rinig ko ang pagsinghap ni Jewel nang marinig ang sinabi ni Dale.
There is no use kung sabihin ko pa sa kaniya ang kalagayan ko. Kung hindi siya handa na maging ama ng dinadala ni Belle, hindi rin siya magiging handa na maging ama ng magiging anak ko. Mabuti pa na hindi niya malaman.
Humarap ako kay Jewel at sinabi sa kaniya, "don't tell anyone about the baby."
Nagugulat na napatingin si Joshua sa akin at sa tiyan ko.
"Pero he is the father. He should know," pabulong na sabi niya.
"Hindi! Dahil kahit anong sabihin natin at kahit sino ang maging ina ng anak niya ay hindi magbabago ang katotohanan na hindi siya handa kaya hindi niya na kailangang malaman!" Mariin pero pabulong na sabi ko bago sila tinalikuran.
Pinahid ko ang luha ko at nagtungo kung saan nag-uusap ang dalawa.
"Baby," he called and looked at me with tears on his eyes.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan pero nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya.
"Please listen to me," nagsusumamong sabi niya.
"Talk." I said while directly looking at him.
"Your mad. I'm sorry baby. Hindi kita nasundo. Nakalimutan ko," nakalimutan? Lalo akong nainis sa sinabi niya.
"That's not what I want to hear!" Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ko.
"B-baby ikaw ang mahal ko, hindi kita iiwan."
"Paano ang bata?"
"Hindi ko alam baby. Hindi ko alam ang gagawin ko." Napasabunot siya sa kaniyang buhok matapos sabihin iyon.
"Gusto mo bang lumaki ang bata ng walang kinikilalang ama?" Matalim ang tinging pinukol ko sa kaniya.
"Kung pananagutan ko si Belle mawawala ka sa akin. Iiwan mo ako. Paano ako? Paano tayo? Paano ka?" Naiiyak na tanong niya
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...