ADRIANNE'S Point of View
Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto kong kausapin si Ahrianne about sa nangyari kahapon. Gusto ko ring malaman kung saan sila nagpunta matapos ng madamdaming eksena nila sa likod bahagi ng school.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kahapon matapos kung makita silang dalawa. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mailarawan. Basta ang alam ko, galit ako, galit na galit ako sa sarili ko.
Agad akong bumaba sa sasakyan ko matapos kung maipark ito ng tama. Nakita ko pa ang pagdaan ni Ahrianne sa harap ko. Hindi n'ya ako napansin. Masigla s'ya at mukhang masaya. Kita ko sa mukha n'ya ang excitement na makapasok sa school premises. May hinahum pa s'yang melody na medyo pamilyar sa akin.
Maingat akong naglakad sa likuran ni Ahrianne. Kating-kati na akong kausapin s'ya pero hindi ako nagkaroon ng oras dahil agad s'yang nakihalo doon sa mga estudyanteng nagkakagulo. May nagkukumpulang mga estudyante sa gitna ng school ground. Ano kayang meron?
Dahil sa likas din akong tsismoso, nakiusyuso din ako kasama ang ibang estudyante. Para makita ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ahrianne, sa kabilang direksyon ako nagtungo. Hindi man n'ya ako kita sa pwesto ko ngayon, ako kitang-kita ko siya.
Nagstrum ang gitara. Paulit-ulit 'yon hanggang sa may kumanta. Unang bigkas palang ng liriko, alam ko na kung sino s'ya. Si Anthony...
Ilang minuto rin nagtagal ang ginawang 'yon ni Anthony. Hindi na ako nagulat nga kaya n'yang gawin 'to pero nagulat pa rin ako na kaya n'yang gawin ang mga bagay na 'to para sa isang babae...para kay Ahrianne.
Nagsinghapan ang lahat lalo na ang mga babae ng naglakad papalapit si Anthony kay Ahrianne. Dumaan ang gulat sa mga mata ng babae ngunit hindi rin nagtagal 'yon dahil agad 'yong napalitan ng tuwa at pagkamangha.
May kinuha si Ahrianne sa kanyang bulsa at napag-alaman kong panyo pala 'yon. Maingat na pinunasan ni Ahrianne ang bandang noohan ni Anthony. Agad akong napaiwas ng tingin, hindi ko kasi kayang makita silang dalawa ng ganito kalapit. Hindi naman dapat talaga dahil ako ang may gustong lumayo si Ahrianne sa akin dahil may Angela na ako pero bakit nasasaktan ako? Bakit nagkakaganito ako?
Aalis na sana ako ngunit agad akong natigil dahil sa nakakamanghang confession ni Anthony.
"I want to. Gusto kong gawin ang mga 'to sa'yo. Mahal kita at alam mo na 'yon pero gusto ko ring malaman ng lahat. I'm officially courting you today. I want to have you. I want you to be my girlfriend Ahrianne." walang prenong sabi ni Anthony.
Parang nag-ugat ang mga binti at paa ko sa lupa na kahit isang hakbang hindi ko magawa. Bigat na bigat ako sa katawan ko. Nanghina ang buong organs ko at ramdam ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko. Bakit ganito?
Umayos ako at muli silang tinignan. Sakop ng dalawang kamay ni Anthony ang magkabilang mukha ni Ahrianne. "Will you give me a chance and prove to you how much I love you?" pabulong ngunit rinig na rinig ng lahat. Rinig na rinig ko!
Hindi nagsalita si Ahrianne, tila walang makapang sagot. Nakatitig lang s'ya sa mukha ng lalaki. I feel relieved at that. Tama Ahrianne, ganyan nga, 'wag kang magdesisyon kung hindi ka pa sigurado.
Ramdam n'ya siguro ang bigat ng titig ko kaya napabaling s'ya sakin. I maintained my dark stare at her. I also clenched my jaw and closed my both fists para ipakitang wala akong pakialam sa kanila kahit na kulang nalang lapitan ko sila at ilayo sila sa isa't-isa.
I felt awkward at her stares kaya umayos ako ng tayo at nag-iwas ng tingin. Ipinasok ko rin ang magkabilang kamao sa bulsa ng aking pantalon.
Nagulat ako ng may biglang umangkla sa braso ko, si Angela pala. Nagkatitigan si Ahrianne at Angela at bumaba ang tingin niya sa braso ko kung saan hawak ni Angela. Ngumiti si Ahrianne. Ngiti na sinasabing masaya s'ya sakin at para kay Angela.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...