ADRIANNE'S Point of ViewHindi ako makapaniwala sa sinagot ni Angela. Nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi niya. How could she proudly say to everyone that I'm her boyfriend? How could she proudly said that in front of the girl I like? Gusto ko siyang sigawan dahil sa sinabi niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong ipahiya si Angela sa mga tao dito. Kahit na niinis at galit ako sa kanya ngayon, pinigilan ko dahil kahit papano may pinagsamahan naman kami. Ganito na ba talaga siya ka desperada na kahit hindi totoo'y pinagsasabi niya?
Hindi na ako nagtaka ng makita kong may bakas ng gulat sa mukha ni Ahrianne ng marinig niya 'yon. Ngunit mas nangibabaw ang sakit doon. I can see scepticism in her eyes, as well as disappoinment too.
Nagpaalaam si Ahrianne na magCCR siya ngunit hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik dito sa function hall. Panay ang lingon ko sa wrist watch every after a minute at sa entrance nitong hall ngunit bigo lang ang mga mata ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Nag-aalala na kasi ako dahil hindi parin siya bumabalik kaya medyo nag-aalala na ako. CR lang kasi ang punta niya, kaya nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon wala pa siya.
"Who are you calling?" tanong sakin ni Angela matapos niyang kausapin ang mga classmates at kakilala namin noon.
"Important." tanging sagot ko. Panay kring lang ang kabilang linya. Agad-agad naman niyang sinasagot kapag tumatawag ako. Mas lalo lang tuloy nadadagdagan ang kaba ko dahil hindi niya sinasagot ang nga tawag ko. Nakailang tawag na ako, wala parin sumasagot sa linya niya. Iginala ko pa ang paningin ko baka nasa loob na siya ngunit wala paring bakas ni anino niya.
"Gaano ka importante?" nilingin ko si Angela na nakaangkla parin ang mga braso sa akin. Kahit na nakangiti siya'y may bahid ng inis ang tono ng boses niya. "Hindi ba pwedeng mamaya na lang 'yan?"
Binaba ko ang cellphone at isinilid na 'yon sa bulsa ko. Nagliwanag ang mukha niya ng makitang makuha na niya ang buong atensyon ko. "Stop acting like this." mahinahong sabi ko kahit na gustong-gusto ko na siyang sigawan. "Stop pretending that you really care."
Nanlaki ang mga mata niya. "Well, I am" she stutter. "I'm your girlfriend." she added.
Napasinghap ako. Ngumisi ngunit sarkastiko. "You are? The last time I remembered, you broke up with me." hinawakan ko ang kamay niya't tinanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko. "I don't remember having one and I'm single for almost a year now. No girlfriend attach."
Nang maalis ko ang pagkakahwak niya sakin ay tinalikuran ko siya. Hahanapin ko si Ahrianne. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay may humawak na sa braso ko. Paglingon ko'y si Angela pala. Nangingilid ang luha sa kanyang nga mata.
"Where are you going? You'll leave me here? How about me?" sunod sunod na tanong niya.
Napabuntong hininga ako. "I'll call your driver. Ipapasundo kita dito. For now, iiwan na kita. I need to find Ahrianne. I need to find her immediately dahil baka may nangya—" she cut me off.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mata. Agad naman niyang pinalis 'yon upang walang ibang makakita. "Why? Bakit kailangan mo pa siyang hanapin? Trabaho mo ba 'yon? Obligasyon mo ba 'yon? I didn't know that you're a babysitter now."
I groaned in frustration. Ngayon kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang lahat para matigil na siya. Gayong ganito siya, I think I owe her an explanation.
"Let's talk some other time, but for now I need to go. I need to find Ahrianne." at muli ko siyang tinalikuran.
Hindi pa tapos ang programme ay umalis na ako sa function hall. May mga sinasabi pa si Maam Sasan doon about sa gradings namin pero hindi ko na tinapos pa 'yon. Mas mahalaga sa'king makita at mahanap si Ahrianne ngayon. Baka kung ano na ang nagyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag nagkaganon.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...