CHAPTER 29 : SINO BA TALAGA SIYA?

60 9 0
                                    


AHRIANNE'S Point of View

After ng nangyari at nalaman ko non sa function hall, I distant myself from Adrianne. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero I think I should do so right? Mali sigurong maging malapit pa kami sa isa't-isa-isa knowing na may girlfriend na pala siya.

Nagtaka sina Anthony at Arnold sa biglaang kilos ko. Alam ng dalawa kung gaano kami hindi mapaghiwalay ni Adrianne.

Hindi ko alam kung ilang litrong luha ang naiyak ko sa araw na nalamang may girlfriend na pala siya. Buong pagkatao ko ang umasa na gusto niya ako talaga. Baka bored lang siguro siya o ano kaya niya nabibigay sa akin ang atensyon na hindi pala dapat sakin.

"Oh, aga mong nakauwi ah? Tapos na ba'ng song presentation niyo?" tanong ni Mama ng makita akong papasok na ng bahay. Nagwawalis kasi sa may bakuran namin.

Buti nalang at hindi namumugto ang mata ko sa kaiiyak. I composed myself like nothing happened.

Tumikhim pa muna ako at nagbuga ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang hinarap si Mama. "Tapos na kami ng partner ko Ma, umuwi lang ako ng maaga kasi wala na naman akong ibang gagawin don." besides parang hindi na din naman ako kailangan don, ano pa ang silbi ko don kung nandon naman ang girlfriend ni Adrianne diba?

Partner? Girlfriend? I wished that t'was me. Pero ngayon, hanggang pangarap na lang 'yon. Kung sinabi ko ba sa kanya ng mas maaga matutupad 'yon? Kung umamin ba ako na gusto ko rin siya, magiging akin siya? Para saan pa 'yong chance na hinihingi niya gayong may girlfriend na pala siya? Bakit niya sinabing gusto niya ako kung may mahal na pala siyang iba?

And then I knew, magkaiba ang 'gusto' sa 'mahal' Ako, gusto lang niya, si Angela, mahal niya at 'yon ang pinagkaiba naming dalawa.

Siguro kaya niya ako kinaibigan dahil naawa si Adrianne sakin. Siguro ang ibig sabihin ng 'I like you' is gusto lang niya akong maging kaibigan. Nothing more, nothing less. 'Yon lang 'yon at wala ng iba pang dahilan. Ako lang siguro ang nagbibigay ng ibang kahulugan sa sinabi niyang 'yon pero ang totoo gusto niya ako bilang kaibigan lang.

Nagmukmok ako sa kwarto ko sa araw'ng 'yon. Hindi man humihikbi pero nagtatangis ang puso ko sa sakit. Iyak ako ng iyak hanggang sa nakatulugan ko na.

Umaga pagkagising ko sobrang sakit ng mata ko. Namumugto ang mga 'to dahilan sa pag-iyak ko kagabi. Hindi nga lang ako kumain ng agahan sa bahay dahil baka mapansin ni Lola at Mama ang namamaga kong mga mata.

Maaga akong pumasok. Hindi ko naman na maiwasan ang hindi maiiyak. Naalala ko si Adrianne. Dito kaya sila nagkakilala dalawa ni Angela? Paano kaya naging sila?

Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad patungong classroom. Parang wala sa tamang kondisyon ang mga parts at organs ng katawan ko. Ni hindi ko nga nga marinig at maramdaman ang tibok ng puso ko. Ang tanging ramdam ko lang ay ang maiinit na luhang nag-uunahang lumandas sa pisngi ko.

"I heard bumalik na daw si Angela. Nagkabalikan na daw sila ni Adrianne." rinig kong sabi ng kung sino.

"Oo nga.. I heard that too. Sayang at wala na tayong chance para sa kanya. Pero okay lang, happy na ulit siya dahil nandito na ang mahal niya." walang patunggakang sabi din ng isa.

Marami pa silang nasabi, hindi ko na na nga lang narinig dahil mabilis na akong nagtungo sa classroom.

Akala ko hindi na nagfufunction ang ilang parte at organs ng katawan ko pero hindi pala. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko ang chika tungkol kay Adrianne at Angela. Alam ng utak kong masasaktan ako sa maririnig kaya inutusan niya ang ilang nerves at mga buto ko na kumilos ako at lumayo doon sa nagchichikahan para hindi na lubusang masaktan.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon