AUTHOR'S NOTE : Hello bibi girl rizbernabe This chapter is dedicated for you. Stay safe always❣️❣️
AHRIANNE'S POV
"Tapos na ang movie. San tayo next?" tanong ni Arnold habang kumakain ng chichirya at umiinom ng canned drinks. Napasimangot ako kasi akin 'yan eh.
Agad akong tumayo ngunit agad ding bumalik sa pagkakaupo dahil pansin kong hindi ko na pala suot ang sapatos ko. Nakalimutan kong ibinato ko pala 'yun kay Arnold kanina.
"Oh? 'di ka sasama?" puna ni Arnold ng makita niyang bumalik ako sa pagkakaupo ko. Tinuro ko ang paanan ko. Tumingin naman siya doon. "Bakit? Hindi ka makapaglakad? Eh, kumpleto pa naman 'yang dalawang binti mo ah? Anong problema?" naguguluhang tanong niya.
"Tanga!" muli kong itinutoro ang paahan ko. And I think this time nakuha na niya kung ano ang pinopoint-out ko. Bago ko pa sabihing sapatos ko ay tumabi na si Adrianne sakin dala ang isang pair ng shoes ko. Nanlaki ang mata ko ng pumunta siya sa harapan ko at lumuhod siya gamit lamang ang isang binti. Kinuha niya ang paa ko at ipinatong niya 'yun sa kanyang hita. Isinuot niya ang sapatos ko sa aking paa, isinabit niya pa ang hook nito sa may gilid ng sapatos ko. Napanganga ako. Namangha sa kanyang ginawa.
Feeling ko ako si Cinderella at si Adrianne naman ang ang aking prince charming! Argghh! Adrianne naman eh, nakakakilig ka!!
Nag-angat ng tingin sa akin si Adrianne, nagtama ang tingin naming dalawa. Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagpipigil ng ngiti at kilig. Si Adrianne naman ay naka-angat ang gilid ng kanyang labi, pinipigilan ding mangiti.
Naputol lang ang aming titigan ni Adrianne ng nagsalita si Anthony sa 'di kalayuan. "Ahrianne? Is this your shoes?" tanong nito at itinaas pa ng kaunti ang sapatos ko. Naglakad siya palapit sa 'kin. Lumuhod din siya sa harapan ko ng makalapit. Napausog pa ng kunti si Adrianne. Katulad ni Adrianne, nakaluhod din si Anthony gamit ang isang binti niya. Kinuha niya rin ang isang paa ko at isinuot ang sapatos na hawak sa paa ko. Isinabit niya rin ang hook non sa gilid ng sapatos ko. "There." nakangiting sabi ni Anthony ng mag-angat ng tingin sa akin.
Narinig ko pa ang nakakalokong sipol ni Arnold. "Sana all sinusuotan ng sapatos." sabi nito at natawa ng mahina. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa dalawang lalaking nakaluhod ngayon sa harapan ko. "Thankyou." nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa.
Ngunit muli akong nagulat ng sabay nilang inilahad ang parehong kamay sa akin, offering me a hand to stand-up. "May I?" nagulat pa ako ng sabay nilang sinabi 'yon. Nagkatitigan pa ang dalawa saglit bago muling bumaling sa akin.
Hindi ko alam kung kaninong kamay ang aabutin ko. Kung ang kamay ni Anthony ang kukuhanin ko masasaktan si Adrianne, kapag kamay naman ni Adrianne ang aabutin ko masasaktan din si Anthony.
"Sana all may nag-ooffer ng hands." sabi ni Arnold sabay hagikhik sa gilid namin. Hindi ko nalang siya pinansin. Puro pang-aasar lang ang loko, 'di niya ba pansing na.eestress na ako sa mga kaibigan niya dito?
Napabuntong-hininga nalang ako. Inabot ko ang kamay ni Anthony gamit ang left hand ko, right hand naman ang ginamit ko upang abutin ang kamay ni Adrianne. Nagulat sila sa ginawa kong 'yon. By that, wala nasaktan o lamang sa kanilang dalawa dahil pareho kong tinanggap ang kamay nilang nakalahad para sakin.
"Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl." panunukso ni Arnold gamit ang kanta ng isang brand ng shampoo, alam ko 'yon kasi narinig ko na 'yong advertisement na 'yon sa TV. Inaayos niya pa ang buhok niya, gesturing na kunwari mahaba ang buhok niya. Inirapan ko nalang siya na ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...