CHAPTER 21

101 12 1
                                        

AUTHOR'S NOTE : This chapter is dedeicated to my cousin Shallymar Boybanting or Curleygurl_loveyou. Belated Happy Birthday🎂🎈😘


AHRIANNE'S POV

Tahimik lang kami ni Anthony habang papunta sa parking lot. Dala niya ang bag ko at iilan ring mga gamit ko. Gusto ko sanang kuhanin ang ilan sa mga 'yon dahil pansin kong masyado siyang nahihirapan dahil hindi biro ang bigat ng mga 'yon. Idagdag mo pa ang mga gamit rin niyang medyo may kabigatan rin.

Pinatunog niya ang car alarm ng kanyang kotse ng makalapit na kami dito.

"Ahh, pwedeng pakibukas ng door ng backseat ilalapag ko lang ang mga gamit natin." sabi ni Anthony. Pansin ko ang iilang pawis sa kanyang noo.

Binuksan ko naman ang pintuan at inilagay niya ang lahat ng gamit namin doon. He let out a deep sighed.  Tagaktak ang pawis.

Mabilis ko namang kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang noo niya, ang puno ng ilong niya at ang leegan niya. "Sabi ko naman kasi sayong ako na ang magdadala ng iba. Ayan tuloy napagod ka." sabi ko habang patuloy na pinupunasan ang mukha niya.

Natigil ako sa pagpupunas ng pawis ng bigla niyang hinawakan ang kamay kong nasa mukha niya. Nagkatitigan kami. Malaki ang ngisi niya sa akin.

"Sana lagi akong pagpawisan para para parati mo rin 'tong gawin sakin." natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong gusto ako ni Anthony dahil hindi lang kilos kundi pati na rin salita ay ipinapahayag at ipinapadama niya 'yon sa akin. Titig na titig siya sakin ganon din ako sa kanya. Hanggang sa bumaba ang titig niya sa mga labi ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Magbihis ka nga. Basa ang uniform mo dahil sa pawis. Alam kong may dala kang  extra t-shirt kaya magbihis ka." sabi ko at ipinasok ang kalahati ng katawan ko sa kotse upang kuhanin ang damit niya sa kanyang bag. "Magbihis ka na." at ibinato sa kanya ang kulay puting t-shirt at naamoy ko pa ang fabcon na ginamit doon.

"Ang caring mo naman." humagikhik ito ng tawa. "Lalo tuloy akong nafafall sayo. Sagutin mo na kasi ako." sabi niya na natatawa.

"Che! Tigilan mo nga ako. Magbihis ka na at para maka-alis na tayo."

"Okay.." at sinimulang iunbutton isa-isa ang butones ng kanyang uniform. Nangunot ang noo ko sa kanyang ginawa.

"H-hoy..A-anong g-ginagawa mo?" tanong ko at nakalas na niya ang tatlong buttons ng kanyang polo. Agad akong napatalikod ng nakita ko ang kanyang dibdib. Kahit na may sando siya sa loob kita ko ang malalaki niyang dibdib. Bakat na bakat sa suot nitong puting sando. Mahigpit kong ipinikit ang aking mga mata.

"Uy, ba't ka tumalikod? Ayaw mo bang makita ang abs ko?" sabi nito habang natatawa. Namula ang pisngi ko. Gusto ko siyang murahin pero walang lumabas sa bibig ko. "Look at me, I'm dressed already." sabi nito mayamaya. Humarap ako sa kanya at unti-unting binuksan ang mga mata. Pagbukas ng mga mata ko ay agad tumambad sa akin ang 8 packs abs niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Napatakip rin ako sa aking bibig. Oh my gulay! Is that real?  Imbis na sa mata ko siya tignan at ang abs niya ang una kong napansin. "Oh ano? Tulala ka diyan Ahrianne?" natatawang sabi nito. "Hindi ka makapaniwalang may abs ako? Oh ano, tititigan mo lang ba? baka gusto mong hawakan? o picturan para may remembrance ka.." sabi niyang natatawa at humakabang patungo sa akin.

Pwede?  Gusto ko 'yang sabihin titig na titig sa abs niya. Muli lamang akong bumalik sa huwisyo ng malutong siyang humalakhak sa harapan ko. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin. Hindi kasi natanggal ang mga mata ko sa bas niya. Psh!

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon