CHAPTER 32 : POISON

90 11 10
                                    


A/N : This chapter is for you Donnnnnx. You've been a great friend to me, kaya....this one's for you. He's also an aspiring author guys, try to read his stories too. You can check it in his account. Hope you'll like it dude(since you're calling me that way, I'm calling you the same way😂) Enjoy reading!🤗




AHRIANNE'S Point of View

Akala ko okay lang...Akala ko tanggap ko na, pero nang nakita ko silang dalawa, masaya...kontento sa isa't-isa...narealize kong hindi ko pala talaga kaya...hindi ko pa talaga tuluyang matanggap na may mahal s'yang iba...at hindi ako 'yun.

The kiss...'twas so perfect. Seeing Angela make and turned to kissed Adrianne's lips makes my heart ached. Bagay na bagay talaga sila. Walang duda. Parang nilikha sila ng Panginoon para lang sa isa't-isa...para mahalin ang isa't-isa...only and exclusively made for each other...kung baga destiny...

Masakit...sobra-sobrang sakit. Ramdam ko ang kirot ng puso ko. Parang pinupukpok ito. Parang pinapako at paulit-ulit at walang awang minamartilyo.

Ayoko nang umiyak ngunit hindi ko mapigilan. Sinubukan ko namang iwasan ngunit hindi ko talaga kayang pigilan. Pinilit kong balewalaan at 'wag intindihin ang sakit ngunit wala talaga...nagiging emosyonal at iyakin talaga ako 'pag si Adrianne na.

Hindi ako sanay na bukod sa'kin may ibang babaeng makakalapit sa kanya ng ganon kalapit. But who I am to be selfish? Si Angela ang nauna. Ako? Isang dakilang extra! Kontrabida sa lovestory nilang dalawa.

Dapat tanggap ko na 'to matagal na eh...Pero dahil sinabi n'yang mahal n'ya ako ay umasa ako. Naging over confident ako at ipinagwalang bahala ko lang 'yon. Kaya ngayon, dobleng sakit ang nararamdaman ko...nagpakatanga na nga ako sa wala...may mas mahal pa lang iba ang taong mahal ko...Double Kill! Bull's eye!

Maybe, this is just a lesson that I need to learn...an experience...para sa susunod na magmahal uli ako, hindi ko na ibibigay ang buong pagmamahal ko...ang buong puso ko...na kailangan kong magtira para sa sarili ko...dahil at the end of the story, bukod sa pamilya wala nang ibang magmamahal sa'yo kundi sarili mo lang.

"Ahrianne.." a baritone voice called me. Mas lalo lang akong naiyak dahil narinig ko ang boses niya.

Hearing his voice calms me. It soothes within me, it reaches in to my aching heart. Nilingon ko s'ya ng paunti-unti. Pagod na akong tumakbo...pagod na akong lumayo...pagod na akong umiwas... pagod na pagod na ako sa lahat pero hindi ako susuko. Susuka pero hindi susuko! Ang lalaking nasa harap ko ang isa sa mga pangunahing rason kung bakit nagpapatuloy pa rin ako sa buhay. Ayoko pang bumigay dahil sa pagod na ako. Gusto kong magpatuloy at patunayang kaya ko at kakayanin ko.

"Anthony." kahit anong pilit ko, may hikbi pa ring kumawala. I smiled at him para 'di na s'ya mag-alala pero walang tigil ang mga luha ko sa pagbuhos.

Si Adrianne...gusto ko si Adrianne. Umasa akong s'ya ang makikita ko paglingon ko ngunit hindi. Hindi n'ya ako hinabol. Hindi n'ya ako pinuntahan. Hind n'ya ako mahal. Masaya s'ya kahit wala ako. Masaya s'ya kahit medyo may puwang na sa gitna naming dalawa. Masaya s'ya kasi may mahal na s'yang iba. Masaya na s'ya kay Angela.

Naglakad s'ya papalapit sa akin. His eyes full of pained and concerned. Bigla n'ya akong niyakap ng makarating sa akin. Mas lalo lang akong humagulhol ng iyak.

I can feel his pained too. Nasasaktan s'ya dahil nasasaktan ako. Mahal niya ako pero may mahal akong iba.

Umiyak ako ng umiyak sa dibdib n'ya. The warmth of his embrace is soothing and relaxing. Ang init ng yakap ni Anthony ang nagpapatunay na hindi ako kailanman mag-iisa.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon