AHRIANNE'S POV
Nandito kami ni Lorrie ngayon sa loob ng sasakyan niya. Doon daw ang punta namin sa kilala nilang gumagawa ng mga sikat at prestigious na boutique. Pansin ko na kanina pa siya tahimik. Matapos ng nangyari sa amin doon sa canteen kanina hindi na siya nagsasalita muli hanggang ngayon.
"Lorrie ang tahimik mo ata? May problema ka ba?" tanong ko dahil hindi ko na kinaya ang pananahimik niya. Magkatabi kami dito sa backseat ng kotse. Hindi kami nav-uusap. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang masa biyahe kami.
Nilingon niya ako at umiling. "Wala...may iniisip lang ako. Pwede bang 'wag mo muna akong kausapin para makapag-isip ako ng tama." sabi niya at muling ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.
Tumango ako sa kanya. Hindi ko na lang siya kinulit pa kung ano ang iniisip niya. Baka importante ang isipin niyang 'yon kaya gusto niya ng katahimikan. Mainam naman 'yon para makapag-isip-iwipnsiya ng maayos. Mahlgsasabi naman siguro siya ng problema niya sa akin. At kung ano man 'yon, handa akong damayan at saluhan siya sa problema niyang 'yon.
Tahimik lang ang naging biyahe namin. Tanging ang pagbuntong-hininga lang ang umalingawngaw sa gitna ng katahimikan namin.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan ng oras 6PM na pala. Paniguradong hinahanap na ako ni Mama at Lola. Iteyext ko nalang siya na medyo matatagalan ako ng uwi ngayon kasi may pupuntahan pa kami ni Lorrie. Kilala naman na nila si Lorrie. Maraming beses na siyang nakapunta sa amin at pinagkakatiwalaan naman siya ng mga ito.
Compose Message
To : Mama Liza
Mama sorry medyo matatagalan ako ng uwi ngayon dahil may pupuntahan kami ni Lorrie. Magkasama kami ngayon. Pupuntahan namin ngayon ang kaibigan niya para iinform sa mga susuotin namin sa Acquaintance Party namin. Huwag na kayong mag-alala, mag-iingat naman po kami. Kasama din po namin ng driver nila kaya alam kong safe kami. I love you Mama. Pakisabi din kay Lola I Love you..😘😘
Message Sent : 6 : 02 PMAgad namang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mama. Nakakailang ring paang ito ay sinagot ko na kaagad.
"Hello Ma? Ahh, oo..kasama ko si Lorrie ngayon." sinulyapan ko pa ang katabi ko pero wala man lang nagbago sa posiayon niya. Nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana. "Safe naman kami, kasama naman namin ang driver nila. Si Kuya Badong, diba nakilala mo na naman siya Ma. Oo sige sige...ingat din kayo diyan ni Lola. I love you Ma, pakisabi na rin kay Lola I you din. Sige na, babye..." pinutol ko na ang tawag.
Hindi ko napansing huminto na pala kami. Nasa parking lot na kami ng isang kilalang mall. Naunang bumaba si Lorrie sa sasakyan habang ako ay nanatiling nakakatitig sa napakalaking mall. Binaba ko ang salamin ng bintana ng kotse ni Lorrie at nakanganga at natutulalang nakatingin sa napakagandang mall. SM Seaside 'yon ang oanaglang ng mall. Labas palang maganda na. Paano pa kaya sa loob? Nakakamangha!
"Thankyou Manong.." rinig kong sabi ni Lorrie. Kahit na ang paningin ko'y nasa nakamamanghang gusali ng mall ay kita ko sa peripheral vusion ko ang titig niya sa akin. "Bumaba ka na diyan Ahrianne. marunong ka naman sigurong magbukas ng car door diba?" kahit na hindi ako direktang nakatitig sa kanya kita ko parin ang pagtaas ng isang kilay niya. Ang baba kong nakanganga kanina dahil sa pagkamangha sa nakitang mall ay mas lalong lumaki ng marinig ko ang mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Fiksi RemajaSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...