ADRIANNE'S POV
Habang nagmamaneho ako pauwing bahay hindi ko maalis ang mga ngiti ko sa labi ko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko at nag-uumapaw ngayon sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang meron kay Ahrianne at bigla nalang akong naging ganito sa kanya. Naiinis, nagagalit, at naiingayan ako masyado sa kanya ngunit siya rin ang nakapagbabago ng nararamdaman ko. Ang inis at galit na nararamdaman ko ay agad mapapalitan ng tuwa at saya. Tuwing wala naman siya ay hinahanap-hanap ko ang kakaibang presensya niya. Gustong gusto ko itong nararamdaman ko ngayon. Kahit papaano ay unti unti na akong napapangiti. Pero may parte parin sa puso ko ang nasasaktan at nalulungkot. Hindi ko parin kasi nakakalimutan ng tuluyan ang nakaraan ko. Nakaraan ko kung saan ako nakaramdaman ng kakaibang tuwa at saya na napalitan din ng hindi mamalimutang sakit at lungkot. Hanggang ngayon malinaw na malinaw parin sa akin ang nangyari ng gabing 'yon.
---FLASHACK 1 YEAR AGO---
"Let's end this here. I can't no longer felt love at all." bungad sa kin ni Angela pagkarating ko sa park kung saan kami palaging nagkikitang dalawa.
Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang sinabi niya. Kararating ko lang at 'yong salitang yon ang agad na sinabi niya. "What? Why? May nagawa ba akong mali para sa'yo?" kahit na parang gagaralgal na ang boses ko pinilit ko paring manatiling kalmado.
Alam kong makikipaghiwalay na siya sa akin ngayon pero gagawin ko ang lahat lahat ng makakaya ko upang hindi mangyari 'yon. Masyado kong mahal si Angela at hindi ko kakayanin kung mawawala siya.
"Hindi na kita mahal Adrianne." sabi niya sa mismong mga mata ko.
Nangilid agad ang luha sa mga mata ko. Tumingala ako upang pinigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kanya. "No don't say that. Naguguluhan ka lang kaya mo nasasabi sa'kin ang mga 'yan ngayon Angela." this time hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo. Agad akong tumalikod sa kanya at pinunasan ang mga luha ko na walang tigil sa pagtulo.
"Iyon ang totoo Adrianne. Masakit man ito para sa'yo pero kahit anong pilit ko sa sarili ko wala na talaga akong nararamdaman para sa'yo." matigas na sabi niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko na patuloy lang sa pag-agos sa mga mata ko at hinarap siya. "Kahit minsan ba minahal mo rin ako? Kahit minsan ba naging masaya ka na nakasama mo ako?" tanong ko sa kanya habang humihikbi. Kahit na isa akong gagong lalaki na ang hilig ay mambully ng mga estudyante si Angela ang kahinaan ko. Kahit anong tigas ko, nagiging malambot ako pagdating kay Angela. "Kasi ako, mahal na mahal na mahal kita." muli namang nag.uunahan sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko.
"Naging masaya rin ako sa'yo at minahal rin kita Adrianne pero kasi—" I cut her. Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya kasi tinanong ko kaagad siya.
"Kasi ano? Kasi hanggang ngayon mahal mo parin EX mo? Kasi hanggang ngayon mahal mo parin ang gagong Clinton na 'yon? Ako ang kasama mo sa mga panahong wala siya sa tabi mo Angela. Ako ang kasama mo sa mga panahong malungkot ka at nag-iisa ka. Ako 'yon Angela eh, ako 'yon." humihikbing sabi ko habang tinuturo ang sarili ko. "Bakit? Ano bang meron siya na wala ako? Na kahit nandito ako hindi mo parin siya magawang kalimutan at alisin dyan sa puso mo!" pasigaw na sabi ko kay Angela. Habol habol ko ang aking paghinga sa lakas ng pagkakasigaw ko sa kanya. "Akala ko mahal mo ako? Am I not enough? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo. Binigay ko lahat lahat para sa'yo, para maging deserving ako sa pagmamahal mo pero hindi mo parin ako nagawang mahalin ng buong buo." sigaw ko ulit sa kanya. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko. Wala na akong pakialam kung ano na ang hitsura ko sa harapan niya, ang importante magka-ayos kaming dalawa. Hindi ko kayang mawala sa akin si Angela. Sobrang mahal na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Fiksi RemajaSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...