AHRIANNE'S POV
Sobrang saya ko ngayon. Pwede palang makadate ang dalawang crush mo. Isang hero character sa online game, at isang ninja sa anime series. Hehehehe! Abot hanggang tenga yata ang ngiti ko.
Hawak-hawak ko sa magkabilang kamay ko ang kamay nila. Tinignan ko si Sasuke, nakangiti na ito sa akin ng malingunan ko. Itong si Guison naman ay nakanguso ng binalingan ko ng tingin. Ang gugwapo talaga ng dalawang babies ko! Napapalingon tuloy sa amin ang mga tao, kadalasan mga babae pa.
Nagtwi-twinkle ang mga mata nila sa dalawang kasama ko. Sa 'twing magsasalubong ang mga tingin namin ng mga babaeng napapatingin ay pinandidilatan ko sila ng mata o 'di kaya'y iniirapan ko. Anong karapatan nilang tumingin sa mga babies ko?
"Aware ka naman siguro kung sino ang kasama mo ngayon Ahrianne no?" tanong ni Arnold.
Malaki ang ngisi kong tumango. "Mga babies ko."
Napasapo siya sa kanyang noo. Sa totoo lang alam ko at aware naman ako. Si Anthony ay si Sasuke while si Adrianne naman ay si Guison. Nagulat nga ako kanina ng nakita ko ang ayos nilang dalawa. Hindi ko alam kung anong nakain o pumasok sa isip nila't nagsuot sila ng ganitong mga costumes.
Sino naman kaya ang nakaisip nito? Kung sino man siya, sobrang talino niya. Sa daming mga characters, crush ko pa talaga ang napili niya. Pero infainess rin, bagay sa kanila. Pwede na silang sumali sa mga events ng mga cosplay.
"Hello baby Sasuke." baling ko Anthony. Nakita ko ang kanyang gulat ng tinawag ko siyang ganon.
"H-hello." namumulang ani niya. Ang cute!
"Hello, baby Guison." sabi ko ng binalingan ko si Adrianne.
Hindi man lang nagbago ng itsura niya. Nakukunot ang noo niya, salubong naman ang magkabilang kilay. Diritsu lang ang tingin sa unahan. "Don't call me that, that's not my name." masungit na tugon nito.
Napatawa ako ng kaunti. Kahit na nagsusungit ang gwapo niya pa rin. "Hello, hubby."
Ang kaninang kunot na noo at salubong na mga kilay ay unti-unting nawala ng tinawag ko siyang hubby! Bakit kaya gustong-gutso niyang tinatawag ko siyang ganon?
Lumiwanag ang kanyang mukha at may maliit na ngisi na ang kanyang labi. Napangiti na rin ako.
Sobrang saya ko!
"Tara na nga do'n sa WOF." sabi ko at hinila na ang dalawa. Masaya akong naglalakad papunta don. Hawak-hawak parin ang mga kamay nila, pasway-sway pa. Wala paring pinagbago, ng makapasok kami sa loob ng WOF ay ganon parin, pinagtitinginan kami ng mga tao lalong-lalo na 'yong mga babae. Nagtwi-twinkle ang mga nila 'pag napapatingin kay Adrianne at Anthony, matatalim naman na titig ang nakukuha ko 'pag nababaling anh tingin nila sa akin. "Anong problema mo?" sigang tanong ko don sa isang babaeng nakatingin sakin. Nahuli ko kasing inirapan ako. Buti sana kung maganda siya, eh, pangit naman.
"Excuse me? Are you talking to me Miss?" maarteng sabi niya. Maypaflip-flip pa ng buhok niya, kita ko naman ang mga split ends sa dulo.
"Wala naman, ang ganda na sana ng hair mo no? Straight na straight. Kaso kahit rito, kita ko ang mga split ends." nakahalukipkip na sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Kinuha ko pa niya ang iilang buhok niya at tinignan kung tunay bang may mga split ends sa dulo non.
May nagbubulong-bulungan na sa paligid namin. Pulang-pula na ang mukha no'ng babaeng nakasagutan ko. Halos umusok na ang kanyang tenga at ilong. Kulang nalang magbuga siya ng apoy sa kanyang bibig, nagmumukha na siyang galit na dragon ngayon.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...