Chapter 4 : CRUSH

245 78 5
                                    

ADRIANNE'S POV

Habang naglalakad papuntang classroom, nag-aasaran sila Anthony at 'yong babaeng tomboy. Nauuna silang dalawa na maglakad sa'min. Katabi ko namn itong kaklase kong mukhang nerd, tss hindi ko alam pangalan niya. Hindi naman kasi ako interesado sa kanila. Panay ang tawanan at asaran 'nong dalawa. Kababaeng tao ang lakas tumawa. Parang baliw! Kaya tuloy pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Ito namang kaibigan ko enjoy na enjoy, mukhang ring timang, kung makangiti wagas na wagas akala mo wala ng bukas.

"Hahahahaha! Talaga? Sa edad mong 'yan nanonood ka ng barbie?" tanong ni Ahrianne kay Anthony.

"Well nakakahiya mang sabihin pero yes, nanonood ako. It's my little sister's favorite movie. She watched it almost everyday. Sinasamahan ko kasi siya kapag pinapanood niya 'yon." sabi ni Anthony.

"Ahh okay.. Ang saya siguro kung mayroong kuyang kagaya mo no? Iyong tipong sasamahan at susuportahan ka sa lahat ng bagay."—Ahrianne

"Hahahaha!! Pero mas masaya sana kung ako ang magiging boyfriend mo! Sasamahan at susuportahan kita sa lahat ng bagay na gusto mo." nakangiting sabi ni Anthony habang diritsung nakatingin sa mga mata ni Ahrianne. Nanlaki ang mga mata ng babae sa mga sinabi ni Anthony. Gulat at namumula ang mga pisngi niya. Makikita kong nahihiya at kinikilig si Ahrianne sa mga pinagsasabi ni Anthony. Ano kayang pinag.gagagawa nitong si Anthony noong bakasyon at ganyan na ang inaasta niya ngayon?

"Aba't loko ka ahh! Sapakin ko kaya 'yang pagmumukha mo?" galit na sabi ni Ahrianne.

Natawa naman si Anthony. "What? Why? Diba single ka naman, available naman ako so wala tayong magiging problema doon?"—nakangising tanong ni Anthony.

"Hoy! Huwag mo nga akong maganyan-ganyan. Tatamaan ka talaga sa'kin." sabi ni Ahrianne na akmang susuntukin si Anthony.

"Hahahahahaha! You're funny but you're more than cute."—Anthony

Namula ang pisngi ni Ahrianne, halatang kinilig sa banat ni Anthony.

Tss! Baduy! Walang taste!

Hindi na nagsalita si Ahrianne. Tahimik parin itong katabi ko. Para akong walang kasama, nakalimutan na siguro nila na nandito ako at humihinga.

"Hey Princess, are you mad?" maya-maya tanong ni Anthony.

"Sinong Princess? Ahrianne ang pangalan ko at hindi Princess." Pagtatama ni Ahrianne kay Anthony.

"Hahaha! Nakalimutan mo na agad? Diba sinabi ko sa'yo kanina 'nong time ni Sir Alferez 'yong introduce yourself portion, I told you I'll call you Princess. Diba pangalan mo rin naman 'yon? Princess Ahrianne Alforo." —Anthony

Hanep! Pati buong pangalan minemorize.

"Ewan ko sa'yo!"—sabi ni Ahrianne sabay irap.

"Hahahaha! Ang cute mo talaga kapag nagagalit. Lalo tuloy akong nagkakacrush sa'yo" nakangiting sabi ni Anthony kay Ahrianne.

Halatang nagulat si Ahrianne sa huling sinabi ni Anhony. Nakita kong nanlaki ang kanyang bibig at mata dahil sa pagkagulat. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla nalang akong nainis sa kanilang dalawa. Nakisawsaw na ako sa usapan nila.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon