AHRIANNE'S POV
Medyo madilim na nang makrating ako ng bahay. Nakita ko sa lola sa may sala na nakaupo sa sofa at nanood ng balita. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Oh Yan-yan, kamusta ang unang araw mo sa klase?" nakangiting tanong ni lola matapos kung maupo sa tabi niya.
"Wala pa naman pong masyadong nangyari kanina La. Puro pagpapakila lang po ang halos ginawa namin. Nasan nga po pala si Mama?"—Ako
"Nasa kusina siya, naghahanda ng hapunan natin. Magpalit ka na sa taas baka patapos na rin ang Mama mo sa ginagawa niya. Kumain ka ng maaga para maaga ka ring makapagpahinga."—Lola
"Oh sige La. Pakitawag na lang ako kapag tapos na si Mama ha?" tumango naman siya sa'kin. Naglakad na ako sa taas papuntang kwarto ko. Hinubad ko ang mga suot ko at nagbihis ng pambahay na damit. Humiga ako sa kama ko at pumukit. Ilang minuto lang ng may marinig akong katok sa pintuan ng kwarto ko. Nang bumukas 'yon nakita ko si Mama. Pumasok siya at napabangon naman ako sa pagkakahiga.
"Mukhang napagod ka sa unang araw ng klase mo ah?"—Mama
"Hindi naman gaano Ma."—Ako
"Oh siya sige na. Kumain na tayo sa baba para magkaroon ka ng maraming pahinga." —Mama
"Tara na po." tumayo na ako. Sabay kaming naglakad ni Mama pababa papuntang kusina. Agad akong umupo sa pwesto ko at kumuha ng pagkain. Hindi sila nagsasalita habang kumakain kami kaya mabilis naming natapos ang aming hapunan. Hindi na ako nagtagal sa baba. Nagpaalam na ako kay Mama at Lola na magpapahinga na. Agad akong umakyat sa kwarto ko. Nagsipilyo muna ako at naglinis ng katawan at pagkatapos ay humiga sa kama ulit. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kay Anthony. Napagentleman niya at napakamaalaga. Sobrang sweet at napakabait pa. Approachable na tao at higit sa lahat GWAPO. Nasa kanya na ang lahat ng katangian ng IDEAL BOYFRIEND na gusto ko. Nang maala ko si Adrianne ang kaninang ngiti sa labi ko napalitan ng simangot. Daig pa niya nag babae na may menstruation sa sobrang sungit. GWAPO naman talaga siya. MAS GWAPO PA SIYA KAYSA KAY ANTHONY kaso nga lang palagi siyang nakasimangot kaya natatakpan ang kagwapuhan niya. Medyo kakaiba din ang ugali ng lalaking Englishero na 'yon. Sobrang demanding, paimportante siya masyado. Ano siya sa tingin niya niya? VVIP? Sa sobrang pagkalunod sa kaiisip sa mga nangyari sa school kanina, nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN!
Tinignan ko ang oras ng cellphobe ko. Giatay! Alas 6:50 na pala. Bakit 'di nila ako ginising? Hindi ba nagring alarm ko?
Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Nagtungo agad ako sa banyo at mabilis na naligo. Mabilis din akong nagbihis at di ko na pinansin kung ano ang isinuot ko. Wala na akong oras para tignan ang kabuuan ko sa salamin. Hindi ko na rin sinuklay ang buhok ko. Itinali ko nalang ito ng basta kahit na basa pa. Hindi ko kasi gusto na nakalugay ang buhok ko. Dinala ko na rin ang black na Cap ko. Agad akong bumaba at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng tinapay at naglakad palabas ng bahay ng tawagin ako ni Mama.
"Nak di ka kakain?" tanong ni Mama.
"Hindi na Ma, late na ako." sagot ko.
"Hindi kita nagising kanina alam ko naman kasing mag-aalarm ka."—Mama
"Yun na nga Ma eh, hindi ako nagising ng alarm ko. Alis na ako ha? Bye Ma, bye La."—paalam ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...