AHRIANNE'S POV
Halos mag-iisang buwan na rin ako dito sa Atheneuaum Internation School. Sa loob ng isang pamamalagi dito, ramdam ko ang maraming mga pagbabgo.
Ako, si Lorrie, Anthony , Adrianne at Arnold..kaming lima ang parating magkakasama. Nakabalik na kasi Arnold galing Macau last week. Kahit na medyo nahuli na siya ng kaunti sa klase tinanggap pa rin sa school, bestfriend niya kasi ang apo ng may-aru ng school kaya okay lang.
Ang dalawa namang miyembro ng banda nila ay madalang lang namin makasama, bukod sa hindi namin sila kaklase ay busy rin 'to sa kani-kanilang pag-aaral.
Mas naging close kaming tatlo—ako, Anthony, at Adrianne. Si Lorrie kasi mas trip niya ang mga libro niya although nakakasama naman namin siya. Si Arnold naman hindi namin masabayan, puro kasi ito kalokohan. Sa makatuwid halos sina Adrianne at Anthony lang ang nakakasama ko. Nagkaksundo rin naman kaming tatlo kahit papano kahit na may mga oras na nagbabangayan at nagababalyahan silang dalawa. Kapag kasi si Anthony ang kasama ko, sumisingit si Adrianne at kapag si Adrianne naman ang nakakasama ko umeepal din si Anthony. Nawiwirduhan na nga ako sa mga ikinikilos nilang dalawa. Mga Abnormal!
Nandito kami ngayon sa classroom para sa pang-umagang klase namin.
"Ahh Ahrianne.." kalabit ni Arnold sakin. Nasa likurang bahagi ko kasi siya. Bale, nasa right side side niya si Adrianne at sa left side naman si Anthony, nasa gitna siya ng dalawa. Nilingon ko siya.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya. Nakangisi siyang nakaharap sa akin.
"Anong gusto mo sa lalaki?" tanong niya. Nangunot naman ang noo ka dahil sa naging tanong niya.
Anong klaswng tanong 'yan? "Eh?" naisagot ko nalang.
"Anong kako ang gusto mo sa lalaki?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina. "Iyong lalaking corny pero gentleman" sinulyapan niya si Anthony "or iyong masungit pero sweet?" sinulyapan naman niya ng tingin si Adrianne.
Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Arnold. Naktinhin lang ako sa kanya, nanatiling nakakunot ang noo ko.
Ano ba ang nasa isip niya't ganon ganon bigla ang mga naging tanong niya?
"Hindi mo gets?" sabi ni Arnold habang napapiling. Nakakunot pa rin ang noo ko. "Para maintindihan mo, hayaan mong ipaintindi ko sa'yo okay?" dagdag sabi niya at tumango naman ako. "Para mas maintindihan mo, binigyan kita ng magandang example." ani ni Arnold parin na may nakakalokong ngisi. "Anong gusto mo sa lalaki? Iyong parang si Anthony" tinuro niya ang kaibigang nasa kanan niya "or 'yong kagaya ni Adrianne." tinuro naman niya ang nasa kaliwa niya.
Napamaang ako sa sinabi niya. Ang kaninang si Anthony na nagbabasa ng mga notes niya ay napatigil saglit sa ginagawa, si Adrianne namn na dapat ay maglalagay ng earphones sa tenga niya upang magsoundtrip ay nahinto din ito namang si Lorrie ay nasa tabi ko ay sinusundot-sundot ang tagiliran ko habang mag nanunuoksong tingin. Pinandilatan ko siya ng mga mata.
"What's with the look guys?" taas kilay na tanong niya sa amin, tinignan kami isa-isa.
"What's wrong with you Arnold? Are you sick or something?" masungit na tanong ni Adrianne.
"Ang aga-aga ngsusungit ka na." nakangusong ani ni Arnold.
"Eh kumpara naman sayo..ang aga-aga pa nagkakatopak ka na." sarkastikong sabi naman ni Adrianne.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...