CHAPTER 14

115 54 3
                                    

ANTHONY'S POV

Matapos ang eksena sa klase ni Sir Alferez kanina ay parang may nagbago, parang naging kakaiba. Ang kaninang malungkot at matamlay na Ahrianne ay naging masigla at nakangiti na. Hindi ko alam kung anong meron kay Adrianne at nagawa niyang baguhin ng ganon ganon lang ang mood ni Ahrianne. Hindi ko mahanap ang sagot at dahilan kung bakit nagkaganon nalang bigla. Madalas kaming nagkakasama at nakikita kong hindi naman sila close sa isa't-isa kaya hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ganon nalang ang pagbabago ni Ahrianne matapos gawin ni Adrianne ang mga 'yon. Pansin ko rin na kapag magkakasama kami ay para silang aso't pusa na panay ang away at bangayan kaya ganito nalang ang naging reaksyon at pagtataka ko.

May hindi ba ako nalalaman sa dalawang 'to?

Nagulat pa ako sa ginawang paglapit ni Ahrianne kanina kay Adrianne.  Niyakap niya ito, hindi lang sa harap ko kundi sa harap ng mga kaklase namin pareho. Pero mas nagulat ako sa ginawang pagyakap pabalik ni Adrianne kay Ahrianne at ginawaran pa niya ito ng hindi lang isa kundi dalawang halik sa noo. Pinagtanggol pa niya ito kanina kay Sir Alferez na hindi naman niya ginagawa simula palang. Kahit na ako na bestfriend niya ay hindi niya nagawang ipagtanggol ng ganon 'nong one time pinagalitan ako ng isa sa mga lecturers namin dahil hindi ako nakagawa ng assignment, tinawanan pa nga ako ng loko. Nagawa niya ring sagutin ng tama ang tanong ni Sir na ikinagulat rin naming lahat. Halos lahat ng mga classmates ko ngayon at naging classmates na namin dati ni Adrianne dati kaya alam rin nila kung ano ang kaya at hindi kayang gawin ni Adrianne sa loob ng klase. Hindi namin ine.expect na makakasagot siya kanina, lalo ni si Sir Alferez.

Hindi na kasi siya nag-aaral ng mabuti simula 'nong break-up nila ni Angela. Kaya naging repeater siya at 4th high school parin hanggang ngayon. Lima kaming magbebestfriend, ako (Anthony), Adrianne, Arnold, Aaron, at Alvin.. Miyembro kami ng isang banda at ACE ang pangalan ng banda namin dahil puro letter A's ang start ng pangalan namin. Si Arnold ang nakaisip, medyo corny ang naging name ng band namin pero puro naman gwapo ang mga members.

Kaya ayon, imbes na 1st year college na kami ay nanatili parin kami sa Highschool. Hindi namin siya maiwan iwan ng mga kabanda namin dahil labis ang pagkalugmok at sakit na nararamdaman ni Adrianne noon kay Angela. Kaya kahit na pasado kaming apat ay pinili naming samahan si Adrianne kaya ngayon 4th year highschool pa din kami hanggang ngayon. Alam namin kung paano si Adrianne at Angela nag-umpisa at alam rin namin kung anong naging katapusan nila. Busy pareho ang parents niya at kami lang na mga kaibigan niya ang maaasahan at makakatulong sa kanya kaya sasamahan namin siya hanggang sa makabangon at makapagsimula ulit siya.

Nakaupo lang si Adrianne at nakikinig ng music sa phone niya habang naka.earphones. Nakapikit ito habang magkakrus ang dalawang braso at ang mga hita. May nakisilay rin na ngiti sa mga labi niya. Sa hindi maipaliwag na dahilan ay hinablot ko ang earphone'ng nasa kaliwang tenga niya at nagsalita.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya at parang walang alam kung para saan ang naging tanong ko. "Ang alin ba?" patanong na sagot niya sa tanong ko.

"Iyong kanina! Bakit mo ginawa 'yon?" napalakas medyo ang boses ko na may kasamang kaunting inis. Mabuti nalang at madadaldal itong mga kaklase namin at hindi kami naririnig.

Napatango siya, nakuha ang pinupunto ko. "I just wanted to help. It's no big deal." sagot niya at akmang ibabalik ang earphones sa tenga niyang nakabakante.

Pinigilan ko ang kamay niya. "Ganon ba?" mahihimigan ang pagiging sarkastiko. "Eh yong, pagyakap at paghalik mo sa noo niya hindi rin ba big deal sa'yo 'yon? Sige nga paki.expalin mo nga sakin." tanong ko na nakapagpabago ng reaksyon sa mukha niya. Napaiwas siya ng tingin sa akin at bahagyag tumukhim bago sumagot sa akin.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon