AHRIANNE'S POV
Ang panghulihang klase nalang ang naabutan namin ni Adrianne. Napasarap kasi ang kwentuhan naming dalawa at hindi namin namalayan ang oras. Masarap at masaya din pala siyang kakwentuhan at kasama. Akala ko nga suaungitan lang niya ako pero nagkamali ako. Mabait siya, maalalahanin at medyo maypagka sweet din naman. Sa sandaling oras na nakasama ko siya nakita ko ang totoong siya — ang totoong Kyle Adrianne Garcia. Nasaksihan ko rin ang kung paano siya ngumiti at tumawa. Hindi ko inaakalang masasaksihan ko ang ang pagngiti at pagtawa niya sa harapan ko. Minsan lang kasi siyang ngumiti at tumawa, at kapag nasaksihan mo ang mga 'yon mamangha ka at mapapangiti ka talaga.
Hindi ko rin inaakalang magkakasundo kaming dalawa sa sandaling 'yon. Tumatawa at ngumiti ako sa harap niya at ganon din siya sa'kin. Nakakatuwang isipin na naging komportable kami sa isa't isa kahit sandali.
"Saan kayo galing ni Adrianne?" tanong ni Lorrie sa'kin. Hindi ko namalayan na nasa classroom na pala kami.
"Sa clinic kami nagpunta. Diba sinabi naman ni Adrianne kanina 'yon?" sagot ko sa kanya.
"Clinic? Eh ba't ang tagal niyo naman yata?" tanong niya ulit.
"Kasi pagkatapos namin doon sa clinic nagpunta rin kaming canteen. Medyo natagalan kami ng kaunti kasi medyo napasarap at napahaba ang kwentuhan namin." paliwanag ko kay Lorrie.
"Yiiiieeeee!" tumili siya ng mahina. "Anong feeling na nakasama mo ang nag-iisang Kyle Adrianne Garcia?" tanong niya habang sinusundot ang tagiliran ko.
Natigilan ako sa tanong ni Lorrie. Bigla kong pinakiramdaman ang sarili ko. Ano nga ba ang feeling ko 'nong nakasama ko siya kanina? Okay naman siyang kasama. Kahit na medyo sinusungitin niya ako paminsan minsan hindi ako nakaramdam ng pagkabagot kasi pareho kaming masaya at tumatawa sa mga pinag-usapan namin kanina. Idagdag mo pa 'yong mga nakakalokong pinagagagawa niya. Iyong mga ginawa niyang nakapagpabago ng tibok ng puso ko. Napangiti nalang ako ng maalala ko ang mga bagay na pinaggagawa namin ni Adrianne kani-kanina lang.
"Hala siya?" turo niya sa'kin. "Nakangiting mag-isa. Namumula ang mga pisngi mo uy." sabi niya habang nakangisi.
Agad kong tinakpan ang mga pisngi ko. Alam kong namumula ang mga pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.
Bakit ganito? Anong nangyayari sa'kin?"Yiiiieeeee" medyo nanginginig na sabi niya. "May crush ka kay Adrianne no?" mapanuksong tanong ni Lorrie.
Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Lorrie. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung crush ko ba talaga si Adrianne. Kakakilala palang namin at bago pa itong nararamdaman ko sa'kin. Bagong kilala crush agad? Wala pa akong naging crush eversince kaya hindi ko alam kong anong ibig sabihin non. Aba! Anong malay ko dyan sa mga crush-crush na 'yan!🙄
"Silence means YES! I knew it! Kaya pala ang sungit-sungit mo sa kanya, CRUSH mo pala siya." pinangbangga niya pa ang mga balikat naming dalawa "Ikaw ah, hindi ko nagsasabi sa'kin." dagdag sabi niya pa.
"Anong crush?" tanggi ko sa sinasabi niya. "Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo dyan ha?"
"Yieee! Indenial siya." turo niya sa'kin. "Palagi tayong magkasama kaya 'wag ka ng mahiyang magsabi sa'kin."
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Fiksi RemajaSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...