AHRIANNE'S POV
Halos walang klaseng naganap sa umaga. Puro "Introduce Yourself" lang. Nagugutom na ako. Sana mag-bell na para mag.lunch.
"Hi!" nagsalita itong babae sa tabi ko.
"Hello!" bati ko naman sa kanya pabalik.
"I'm Lorrie, you're Ahrianne right?" tanong niya sa akin.
"Ahh, yes!" yan lang ang tanging naisagot ko sa kanya at ngumiti din ako.
"Transferee ka?" tanong niya at tumango naman ako. "Kung okay lang sayo, sumabay ka na sa'kin." sabi niya pa.
"Naku, nakakahiya naman sayo."—Ako
"Okay lang naman sa'kin, para naman may makasama ako, ako lang kasi mag-isa." malungkot na sabi niya.
"Bakit? Transferee ka rin ba? Wala ka bang friends?" tanong ko sa kanya.
"No one tried to be make friends with me, nerd daw kasi ako at boring kasama." Malungkot na aniya, nararamdaman ko ang lungkot sa kanya, hindi madaling mag-isa at walang kaibagan kahit isa. "Sa ilang years of staying here, may mga naging friends naman ako kaso lang nakipagkaibigan lang sila sakin para gamitin ako. They used me para may makopyahan sila ng assignments, para may taga.gawa ng reports and projects nila. Kapag wala silang kailangan sa'kin, they'll ignore me. So mas pinili ko nalang na maging mag-isa at lumayo sa kanila." mahaba at malungkot na paliwanag niya.
Tinignan ko siya. Mukha nga siyang nerd. May suot siyang makapal na eyeglasses, hindi naman sa nanglalait ako pero mukha kasi siyang si Betty La Fea. Kulot ang buhok niya, may braces, medyo untidy kung manamit at kahit na first day of school pa may dala-dala na siyang marami at makakapal na mga libro. Siguro kung aayusan lang siya, magiging maganda ang itsura niya. Hindi naman kasi siya ganon kapangit para iwasan ng mga estudyante, maaarte kasi ang mga students dito kala mo my malubhang sakit itong katabi ko para iwasan nila ng iwasan. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan.
"Hayaan mo na lang sila, hindi naman nila makukuha talino mo kahit na laitin ka na nila't lahat-lahat." sabi ko sa kanya.
"Tama ka! Mgsasawa din siguro ang mga 'yon." nakangiting sabi niya sa'kin.
Kriiiinnngg! Kriiiinnnggg! Kriiiinnnggg! — Bell
It's Lunch Kainan Time!!😂"Tara sabay kana sa'kin" sabi ni Lorrie "for sure hindi mo pa alam ang bawat lugar dito."
"Sige!" nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi na ako tumanggi pa, tama naman siya wala pa akong alam sa bawat lugar dito at isa pa gutom na gutom na rin ako.
Habang naglalakad kaming dalawa papuntang canteen, mayroon akong nakikitang mga nagkukumpulan at nagsisigawang mga babae. Hinarap at tinanong ko si Lorrie
"Ahh Lorrie, anong ginagawa nila? Ba't sila nagsisigawan ng ganyan?"—Ako
"Yan ba? Mga fans at supporters yan ng ACE?" sagot naman niya sa'kin habang nakangiti.
"Ano ang ACE? Biscuit lang kasi ang alam kong ACE Lorrie." sabi ko sa kanya.
Bigla nalang siyang tumawa ng malakas. "Bwahahahahahaha! Hindi ko alam na joker ka pala Ahrianne?" sabi niya at tumawa ulit. Napangiwi nalang ako. Anong joke doon sa sinabi ko? Diba biscuit naman talaga ang ACE? "Boy Group ang ACE. Binubuo sila ng limang miyembro. Sila ay sina John Aaron Santos, Fel Alvin Lara, Mark Anthony Perez, Chris Arnold Flores, at Kyle Adrianne Garcia. Actually kabatch natin silang lima, lahat sila puro Seniors na. At ang tatlo sa kanila ay kaklase natin at ang dalawa naman ay sa ibang section. Si Anthony na friendy, si Arnold na goofy, at si Adrianne naman na moody. Hindi mo mawari ang mood niya everyday basta ang alam ko lang kay Adrianne malaging mainit ang ulo at sobrang masungit. Absent si Arnold ngayon kaya hindi natin siya kasama, hindi pa daw sila nakakauwi ng Macau, doon daw sila nagspent ng summer vacation." mahabang paliwanag ni Lorrie. May pagkachismosa din pala ang isang 'to, hindi nga lang halata sa itsura niya. "Magaling sila sa maraming bagay. Magaling silang kumanta. Kung hindi mo naitatanong may banda silang lima. Si Anthony at Arnold ang guitarist, si Aaron naman ang drummer at si Alvin ang organ blower while Adrianne's the lead vocalist of the band." Talaga ba? Hindi halata sa mga itsura nila na talented sila. "Varsity player din sila ng Basketball Team ng school natin at champion sila ng 3 consecutive years. Oh diba, ang gagaling nila? At kaya ACE ang name ng group nila it's because of their names. Lahat kasi ng mga names nila may letter A, Aaron, Alvin, Arnold, Anthony, and Adrianne that's why they named their boy group ACE." dagdag paliwanag ni Lorrie sa'kin.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...