ADRIANNE'S POV
Pesteng babae, kung hindi dahil sa kanya hindi ako lalong magiging bad mood ngayon. Badtrip na nga ako sa bahay, hanggang dito ba naman sa school? Pero sa hindi maipaliwag na dahilan, gusto ko ang presensya niya. Gusto ko ang presensya ng babaeng naka-upo ngayon sa harapan ko. Ang sarap kasi niyang asarin, kulitin, at galitin. Nakakatawa kasing pagmasdan ang itsura niya. Namumula ang ilong niya kapag nagagalit siya. Para tuloy siya si Rodulf the red nose reindeer. Bwahahahahaha! Kung idedescribe ko ang itsura niya well ang masasabi ko HINDI SIYA KAGANDAHAN! Hindi naman siya maganda pero hindi naman siya pangit, pero hindi pa rin siya maganda! Maliit ang mukha niya, mahaba ang kanyang buhok na basta nalang binuhol-buhol ang pagkakatali. Walang korte ang kilay, medyo bilugin ang kanyang kulay brown na mga mata, rosy cheeks at may pinkish lips. Maganda ang kutis niya, sakto lang din ang hubog ng pangangatawan niya. Ang panananit naman niya ay medyo kakaiba. Kung pumorma parang lalaki. Malaking T-shirt, maluwag na jeans, Vans na rubber shoes, at may kulay black siyang cap na suot. Napailing nalang ako. Parang TOMBOY!
Sa uri naman ng kanyang pananalita, naku parang hindi babae. Kung magsalita parang nakikipag-away, ang lakas ng boses na parang ang kausap niya nasa kabilang barangay. Kakaibang BABAE!Napansin ko itong lalaking katabi ko, wagas makangiti ang gago. "Hey" tawag pansin ko sa kay Anthony "Why are you smiling?" tanong ko.
Tumingin siya sakin at nagsalita "Nah, I'm just in the mood to smile today. It's better to start your day with a smile." sagot niya sa tanong ko. Nakangiti parin ang loko. Sinundan ko kung saan patungo ang paningin niya. Nanlaki ang mga mata ko. Anak ng kabayong budlat! Nakatingin siya don sa babaeng kakaiba na parang tomboy. Watdapak! Tinignan kong muli itong katabi ko, nakangiti parin at hindi inalis ang panigin doon sa babae.
Medyo lumapit ako sa kanya at bumulong "Hoy, why are you staring at her like that?" taas kilay na tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa'kin "Why? Beacause I just want to. Kusa s'yang tintignan ng mga mata ko. Wala naman sigurong masama doon diba Adrianne?" Binalik na niya ang pangingin sa babae habang nakangiti parin.
"Do you like what you're looking at?" —Ako
"Yes, I do" Mabilis na sagot niya ng walang halong pag-aalinlangan. "Maganda siya sa paningin." Tumawa pa ang loko na animo'y kinikilig.
"Seriously?" seryosong sabi ko pero tumawa lang siya. "Saang banda siya maganda?" tanong ko.
Hinarap niya ako saglit at muling ibinalik ang paningin doon sa babae. "SIYA! Siya mismo ang maganda!"—Anthony
Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Tinignan ko 'yong babae, maganda ba siya? Naitanong ko sa sarili. Hindi ko makita ang nakikita ni Anthony sa kanya. Mukhang malabo na siguro ang mga mata nitong kaibigan ko. Sasabihin ko sa kanya mamaya na magpacheck-up na, may deperensya na siguro mga mata niya, hindi na niya marecognize ang kaibahan ng pangit at maganda. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Hanggang sa dumating ang Lecturer namin. Mukhang lalo yata akong mababadtrip ngayong araw. Tsk!
" Goodmorning class" bati ng lecturer namin pagkapasok niya sa room.
"Goodmornig Sir" bati naming lahat sa kanya.
"Ok, you may take your sits." Ngumisi siya pagkatapos niya akong makita. "Oh, look who's back? I didn't know that you really love my subject that much? Aren't you happy seeing your last grade Mr. Garcia?" agad na bungad ng bunganga ni Sir sa'kin. Sino ba naman kasing matutuwa sa bagsak na grade na binigay niya? Malamang sa malamang bagsak ako sa subject niya kaya nga nandito ako diba? Akala ko ba matalino ang panot na lecturer na 'to? Bakit di nya naisip 'yon? Bakit ba naman kasi sa lahat ng subject sa Science pa ako mahina? Eh, sa mahirap talaga ang Science eh! Lalo na ang Chemistry and Physics. Kung hindi lang talaga dahil sa pakiusap ni Mama, magdadrop na ako sa subject na 'to. Hindi ko na nga gusto ang subject, mas lalong lalo na itong panot na lecturer. Badtrip!!
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...