CHAPTER 19

120 25 1
                                    


AUTHOR'S NOTE : This chapter is dedicated to jujinkyo. Thankyou so much bibi girl for reading, for supporting, and for always waiting in my every updates. Kahit na umaabot ng ilang weeks /months ang pag-uupdate ko, nanatili ka paring reader ko. Nabasa ko ang previous comment mo sa last update. Natuwa ako at the same time na.ooverwhelmed kasi kahit na hindi gaanong kagandahan ang story ko ay naappreciate mo. Stay safe ka always. Thankyou ulit and Godbless❣️❣️

AHRIANNE'S POV

Bigla akong nagising sa aking himbing na pagkakatulog ng marinig ko ang sunod sunod na katok ng aking pintuan sa aking kwarto. Tinignan ko ang orasan na nasa mesang katabi lang ng kama ko. 6:40 na. Hindi ko man lang narinig ang pag-alarm ng phone ko. Naalala ko pa na drained na drained na ang battery last night. Nihindi ko nga natanggal ang pagkakacharge non.

Kinuha ko ang phone ko at e.non. Napaisip ako kung tumawag bang muli si Adrianne sa akin kagabi. Napangiti ako ng maalalang CRUSH ko na nga pala siya. Hehehe!

"Nak gising ka na ba? Maligo ka dyan, may naghihintay na sayo don sa baba."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Agad akong tumayo at nagpunta sa may pinto ng kwarto ko. Binuksan ko 'yon at dinungaw si Mama. "Ma, sino?" tanong ko.

Napangiti si Mama. Napangiwi nalang ako. "Si A—" hindi natuloy ni Mama ang sinabi dahil bigla siyang tinawag ni Lola.

"Liza anak.. nasaan ba ang gamot ko?  Punta ka nga rito't hanapin mo!" sigaw ni Lola.

"Puntahan ko lang ang Lola mo anak. Kailangan na niyang uminom ng maintenance niya sa highblood. Maligo ka na dyan." sabi niya at tinalikuran ako.

"Sinong A Ma?" tanong ko pero mukhang hindi na niya narinig.

Sinong A? Si Adrianne? Si Anthony? Si Arnold? Imposible namang si Adrianne, hindi naman 'yon nagagawi dito. Kung si Anthony, ano naman ang gagawin niya dito? Si Arnold? Nah, ewan ko!

Nahilamos ko nalang ang dalawang palad sa mukha. Agad kung kinuha ang aking tuwalya at pumasok na agad sa loob ng banyo upang gawin ang morning routines. Agad akong sinuot ang uniform kong hanggang tuhod ang haba. Inaway ko pa nga ang registrar ng school dahil ayaw ko sa uniform ko dahil medyo naiiksihan ako. Pinaliwanag naman niyang 'yan talaga ang appropriate na sukat ng uniform ng school. Sumusunod lang sila sa patakaran ng administration. Kahit na medyo nafrufrustrate na ako ay sinunod ko nalang. Wala na naman kasi akong magagawa kung 'yon talaga. Kailangan ko nalang sundin ang na.implement.

Inayos ko ang buhok ko. Kinuha ko ang black cap ko at agad isinabit ang knapsack sa balikat at nagtungo sa baba. Nakakahiya naman sa kung sino mang naghihintay sa akin.

Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdanan namin ay naririnig ko na ang tawanan nila sa baba. Agad akong nacurious kung sino ang nandon kaya tumakbo ako para mabilis na makababa. Naabutan ko sila Mama at Lola na nakaupo sa sofa ng aming munting living area at may isang lalaking nakatalikod.

Sino 'to?

"Oh? Tapos na pala si Ahrianne." puna ni Mama ng mapansin niya ako.

Tumikhim ako upang kuhanin ang atensyon ng lalaking nakatalikod. Nanlaki ang mga mata ng makita kong sino 'yon.

"A-arnold? A-nong g-ginagawa mo d-dito? P-pano mo n-nalaman ang b-bahay namin?" sunod-sunod at nauutal na tanong ko.

"Hahahaha" tumawa ang loko. Kakaiba talaga ang trip ng isang 'to. "Chill lang Ahrianne pwede?"

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon