ADRIANNE'S Point of ViewHindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung paano ko nasagutan at nagawa ang projects at mga assignments ko. Wala ako sa wisyo ng ginawa ko 'yon. Nagsulat lang ako ng nagsulat. Bahala na kung ano ang maging outcome non pagkatapos.
Naalala ko, nandito na nga pala si Angela. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at pakikitunguhan. Matapos ng ginawa niya sakin noon 'wag na 'wag siyang mag-eexpect na makikitungo ako sa kanya ng maayos. I can't stand being with here a quite longer. Hindi ko pa lubos na nakakalimutan ang sakit na dinanas ko ng dahil sa kanya. Nawala ko ang sarili ko dahil minahal ko siya ng todo. Hindi ganon kadaling kalimutan ang lahat. It's awkward pero siguro kaya ko namang makigplastikan.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako nagkamali ng si Manang ang pumasok. May dala-dalang laundry basket.
"Pasensya na kagabi." paunang salita niya. "Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo na sila ang bisita kagabi. Pinagsabihan ako ng Mommy mo 'wag kang itext dahil baka magtagal ka sa pag-uwi o dikaya'y 'di ka umuwi." nakayukong sabi ni Manang.
So that's explains everything. Kaya pala pinipigilan ako ni Manang pumasaok sa loob ng bahay dahil nandito si Angela at ang pamilya niya kagabi. Kahit na gusto ko man siyang sisihin ay hindi ko na magawa. Nangyari na ang nangyari. Panahon na rin siguro para harapin ko siya.
Inakala ba ni Mommy na hindi ako uuwi kapag nalaman kong nandito sila samin? How funny? Hindi naman ako bitter para gawin 'yon. The hell! Matagal na akong nakamoved on. Oo, awkward para sakin na makasama siya sa iisang lugar pero kaya ko naman siguro siyang pakisamahan diba? Tungkol sa kagabi, nong bigla akong umalis pagkalabas niya galing kitchen ay nagulat lang ako. No feelings involved. Talagang nagulat lang ako at hindi ko pa alam kung paano siya haharapin kaya umiwas nalang muna ako. Halata rin ang gulat niya ng nakita niya ako kagabi kaya tama lang sigurong umalis ako don.
"Don't think about it Manang." sabi ko nalang. Papasok na sana ako ng banyo ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Mahal mo pa ba?" madamdaming tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pangamba at pag-aalala.
Ngumiti ako sa kanya at umiling. "May iba na." sabi ko at itinuro pa ang puso ko. "Wag kang mag-alala Manang. Natuto na po ako. Kung noong una nagpakabaliw ako, ngayon hinay-hinay na. Ako na ang kusang kakalas kapag alam kung wala ng patutunguhan pa." tumango siya at ngumiti. Agad niyang kinuha ang mga maruruming mga damit at gamit ko sa kwarto at lumabas na pagkatapos.
Napabuntong hininga akong pumasok sa loob ng banyo. Itinutok ko ang shower sa aking mukha. Ang sarap ng tubig! Napapapikit akong nakatingala doon sa shower. Muli na namang bumalik sa kin ang nangyari kagabi. May konting pangamba ako na baka maulit na naman sa akin ang nakaraan. Baka hindi ako kundi si Anthony ang piliin ni Ahrianne. Ngunit mahal ko siya. Kaya ko pa siyang ipaglaban. Handa akong sumugal kung kinakailgan.
Matapos maligo at nagbihis kaagad ako. 'Yong gift ko kay Ahrianne, nagusuhan kaya niya? Iniisip ko pa lang ang mukha niyang tuwang-tuwa ay napapangiti ako. Simpleng mga bagay lang na ganon, napapangiti na ako.
Bumaba ako sa dining. Nandon na si Mommy umiinom ng tea habang nagbabasa naman ng article si Daddy. Nasa kayang gilid ang isang tasa ng kape.
"Morning." I greeted them. I kissed Mom's cheeks and patted Dad's shoulder.
"Morning baby!" Mom greeted me back. Dad's just give me a short nod and glanced back at the newspaper he's holding.
Pinakatitigan ako ni Mommy. "It's odd to see you smiling this early? You must very happy." puna ng ina ko habang sumisimsim sa kanyang tsaa. Pansin niya ang ngiti sa labi ko. Bago pa ako makasagot ay may idinagdag pa siyan. "I hope it's because of Angela."
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...