Chapter 8 : TREAT

148 72 4
                                    

ADRIANNE'S POV

Naunang maglakad sa akin si Ahrianne. Nakasunod lang ako sa likuran niya. Papunta ang gawi niya sa classroom namin. Tahimik na ang buong hallway na nilalakaran namin. Nagsisimula na siguro ang panghapong klase kaya wala na akong nakikitang mga estudyanteng tumatambay dito sa labas. Bigla nalang akong nakarinig ng kakaibang tunog.

Grooookk! Groookk! Groookk!

Biglang tumigil si Ahrianne sa paglalakad. Napatigil din ako. Agad siyang humurap sa'kin ng nakangiti. Napataas ang isang kilay ko sa kanya. Naglakad siya palapit sa akin habang nakangiti parin. Ng walang ano ano'y humawak siya bigla sa braso ko sinabing.

"Ahh, Adrianne ang gwapo mo ngayon." sabi niya sa akin still wearing her genuine smile. Hinimas-himas niya rin ang braso kong hawak-hawak niya. "At ang bango-bango mo pa grabe." Inamoy-amoy niya rin ang suot at bandang leegan ko. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at umatras ako ng bahagya sa kanya.

"What do you want?" taas kilay na tanong ko.

Lumapit muli siya sa akin at inangkla ang dalawang kamay niya sa braso ko. "Diba sabi mo Wifey mo ako?" isiniksik niya ang sarili niya sa akin. Naglalambing ang loko. Ano kayang kailangan ng babaeng ito?

"If you want anything just say it directly to me. Huwag ang ganyan, hindi bagay sa'yo ang maglambing para kang kambing!"—Ako

Groookk! Groookk! Groookk!

Narinig ko na naman ang ang kakaibang tunog na 'yon. Agad akong napaharap kay Ahrianne. Nakangiti siya sa'kin.

Sinapian ba 'to? Bakit panay ang ngiti niya ngayon sa'kin?

"What's that weird sound?" takang tanong ko sa kanya.

"Ha? A-ano b-baka k-kulog.." sabi niya. Tinignan ko naman ang langit. Agad naman napakunot ang noo ko ng makita kung sobrang init. Seriously? Kulog? Sa init ng panahon bigla magkakaroon ng kulog? Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito?

Groookk! Groookk! Groookk!

Muli na namang tumunog ang kakaibang tunog na 'yon. Nakita ko siyang hawak-hawak ang tiyan niya. Nagugutom na pala siya, hindi pa nagsabi. Hindi nga pala kami nakapaglunch kanina kasi dinala ko siya sa clinic.

"Are you hungry? Why didn't you tell me earlier? Tara don sa canteen." aya ko sa kanya.

"Talaga? Eh, wala akong pera. Nililibre lang ako ni Lorrie at ni Anthony." sabi niya habang napapayuko. Napangiti nalang ako sa inasta niya. Ang cute-cute-cute-cute niya. Hehehehehehe!

"My treat! Bayaran mo nalang ako kapag may pera kana. Baka kasi mamatay ka dyan, kasalan ko pa kasi ako ang huli mong kasama." sabi ko habang nagpipigil ng ngiti.

"Tara na nga, ang dami mo pang sinasabi. Huwag kang mag-alala babayaran kita kapag nagkapera na ako. Hindi ko tataksan ang utang ko sa'yo."—Ahrianne

Hawak-hawak niya ako sa kamay. At ngayon hindi ko na napigilan ang mapangiti sa ginagawa niya. Nagiging komportable na kaya siya kapag kasama ako? Hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa canteen. Kami lang ang tao ngayon sa loob. Wala pa kasi ang ibang estudyante, hindi pa kasi break time. At umupo agad kami sa pwesto namin.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon