CHAPTER 22

109 15 3
                                    

AUTHOR'S NOTE : This chapter is dedicated to JosephineValerianoCr for always reading and voting for my story. Thankyou😘😘 Stay safe and Godbless always🥰

ANTHONY'S POV

Nakapila kaming dalawa ni Arnold dito sa ticketing booth para sa cinema. Si Ahrianne at Adrianne naman ay bumili ng mga makakain namin para dalhin sa loob. Si Adrianne pa talaga ang nagsuggest na kami daw ni Arnold ang bahala sa tickets at sila naman daw sa mga pagkain namin. Gusto ko sanang mag-insist sa suggestion niya at sabihing ako nalang ang sasama kay Ahrianne ngunit mabilis na niya itong hinigit paalis. Kaya heto ako, kunot na kunot ang noo at kasama si Arnold na nakapila dito sa ticketing booth na halos walang usad ang pila.

Matapos siguro ng tatlumpong minutong pagpila ay nakakuha kami ni Arnold ng apat na tickets sa cinema at sa wakas ay natapos din kami. Pero naubos nalang ang tickets at wala na ang mga taong pumipila doon ay hindi parin dumadating ang dalawa-si Ahrianne at Adrianne.

Mahaba din ba ang pila sa counter kaya natagalan silang dalawa?

7:15 na, 15 minutes nalang magstastart na ang movie pero wala pa rin sila. Kailangan pa naming humanap ng mauupuan doon sa loob.

"Kung doon na lang kaya tayo maghintay sa kanila sa loob? Ang tagal nila oh," sabi ni Arnold na halatang naiinip na rin sa kahihintay at tinignan niya ang wrist watch na suot. "Baka wala na tayong maupuan sa loob. Ireserved nalang natin sila ng seats." Arnold suggested.

Maganda ang ideya ni Arnold. Pero ayoko kung sumang-ayon sa suhestyon niya. "Last 5 minutes nalang Arnold. And after 5 minutes at hindi parin sila bumabalik dito ay pupuntahan natin sila." matigas na sabi ko.

Matapos ang ilan pang minutong paghihintay ay natanaw na namin ang dalawa na masayang nagtatawanan. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mapansin ang kanilang mga suot. Magkapareho ito ng kulay at disenyo sa harapan.

'I ❤️ my WiFE' 'yan ang nakaprint sa t-shirt ni Adrianne at sa ilalim non ay may flatline na may arrow sa dulong part na nakaturo kay Ahrianne.

'I ❤️my HUSBAND' 'yan din ang nakaprint sa t-shirt na suot ngayon ni Ahrianne. May flatline din 'yon at may arrow sa dulong part at nakaturo 'yon kay Adrianne.

"Is that couple shirts?" tanong ni Arnold patungkol niya sa damit na parehong suot nila.

"Ito ba?" sabi ni Ahrianne at tinignan pa ang damit na suot at nag-angat ng tingin upang muling sagutin si Arnold. "May promo kasi sa doon sa binilhan namin ng mga pagkain kanina. Binilhan ako ng chocolates ni Adrianne eh.. Ito oh? Sampung ganito.." at ipinakita niya ang isang heart shaped container ng chocolates. "Hindi nila ibenebenta ang chocolates na 'yon sa hindi couple daw."

"They assumed that Ahrianne and I are couples. Since Ahrianne liked the chocolates a lot, so I bought it for her."

"Naks...parang mag-asawa lang ah?" parang nanunuksong sabi ni Arnold at tinignan 'yong mga chocolates na hawak ni Ahrianne. "Richart's Intense Valentine Gourmet Chocolates." basa nito sa pangalan ng chocolates. "Grabe ang bongga nito, pati presyo bongga din." tumango-tangong ani nito. "Pahinging isa ah?" akmang bubuksan sana niya ang container ng chocolates ng bigla 'yong hinablot ni Adrianne at ibinigay kay Ahrianne.

"Wag mo ngang pakialaman 'yan. Kay Ahrianne 'yan kaya sa kanya lang 'yan. Bibilhan nalang kita ng iyo mamaya." sabi ni Adrianne at ibinalik ang chocolates kay Ahrianne.

"Ang damot! Sana hindi ka ilike back ni Ahrianne." bulong-bulong ni Arnold.

"I heard that Arnold." nakangising sabi ni Adrianne.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon