ADRIANNE'S Point of ViewMasaya akong umuwi sa bahay namin. May rason naman kung bakit. Kahit na medyo nagkaiyakan kami kanina ni Ahrianne ay naging okay naman ang resulta. Gustong-gusto ko talaga siya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit naging ganon ang trato niya sa akin kanina, handa akong magmakaawa kahit na paulit-uliting akong hihingi ng chance sa kanya ay gagawin ko, ganon ko siya kagusto na tipong ayoko siyang mawala sa buhay ko. Kahit tira-tirang atensyon at oras ang ibibigay niya sa akin ay okay lang. Hindi ako magrereklamo, hindi ako magmamaktol, bagkus buong puso ko 'yong tatanggapin dahil gusto ko siya...dahil mahal ko siya.
Nagulat pa ako ng makitang may dalawang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay namin. Ngayon ko lang 'yon nakita. Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon at hindi na pinagtutuunan pa ng pansin. Maybe one of my parent's clients, I guess.
Bumusina ako. Pinagbuksan naman ako ng isang katulong namin ng gate. Pumasok ako at pinark ang kotse ko sa likod bahay...nandoon kasi ang garahe namin.
Naglalakad na ako papuntang main door. Nagulat pa ako ng nakita ko si Manang doon na parang may sinisilip. Sino kaya?
"Good evening Manang.." bati ko, napatalon pa siya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng nakita niya ako sa kanyang harapan. Hilaw siyang ngumisi sa akin. Weird!
"Hala... Nakarating ka na pala? Wala ka bang gagawin sa school? Sana nakipagbonding ka muna kina Anthony at Arnold. Dapat lumalabas kayo. Maaga pa oh, alas 9 y media pa." tinignan niya pa ang suot na relo.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Medyo weird si Manang ngayon ah? I wonder why?
Napailing nalang ako. Akma ko na sanang bubuksan ang main door namin at papasok na sana ako sa loob ng bigla niyang hinigit ang braso ko gamit ang kanyang dalawang kamay. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon. Marahas ang paraan ng pagkakahila niya sakin. Never in my entire life na ginawa ni Manang 'yon sa akin.
"Manang!" hindi ko napigilang hindi siya pagtaasan ng boses. Parang may kung ano sa loob ng bahay namin na ayaw niyang ipakita o malaman ko. May kinalaman kaya 'to sa bisita ngayon ng mga magulang ko?
Never ko pang nakita si Manang na ganito ka agressive na pigilan akong pumasok sa loob ng bahay namin. Bakit parang ibang-iba si Manang ngayon. Hindi naman siya ganito nong isang araw. Hindi rin siya ganito kaweird kahapon. Bakit parang gustong-gusto niyang 'wag muna akong umuwi o pumasok sa loob ng bahay? Dati naman pinapagalitan niya ako kapag natatagalan ako ng uwi or nalate ako ng uwi kahit na 5minutes lang sa binigay niyang oras. Panay na ang talak niya non, bakit ganon, bakit ganyan.. Oo, ganon siya kastrikta. Na kahit katulong lang namin siya ay binibigyan siya ng karapatan ng mga magulang ko na pagalitan ako. Kaya nawiwirduhan ako sa mga ikinikilos niya ngayon.
"Pasensya ka na Ianne. Upo ka muna dito, mag-usap muna tayo." sabay lahad niya ng upuan sa akin. Parang may mini sala set kasi kami dito sa labas ng bahay namin. May apat na maliit na sofa, at isang malaki. May round table sa gitna. May flatscreen TV naman sa harap. Madalas kami dito nina Arnold at Anthony. Dito kami palaging tumatambay, minsan dito din kami nag-iinuman noon noong sobrang wasak na wasak ako.
Sinunod ko ang gusto ni Manang. Baka kasi importante ang mga bisita nila Mommy at Daddy kaya pumayag akong dito muna kami. Ayokong makaistorbo doon sa loob.
"May bisita ba sila Mom and Dad Manang? Pansin ko kasing may dalawang sasakyang nakaparada sa labas ng bahay. Sino ba ang bisita nila ngayon? Bagong kliyente ba?" tanong ko dito. Namutla si Manang sa naging tanong ko.
Nag-iwas siya ng tingin at iniba ang usapan. "Kumain ka na ba? Dito ka lang ah? Ikukuha kita ng makakain mo sa loob." tumayo siya at binuksan ang main door. Napatalon pa siya ng bumungad sa kanya si Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/216550518-288-k335344.jpg)
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Roman pour AdolescentsSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...