Chapter 7 : REACTION

159 71 5
                                    

AHRIANNE'S POV

Medyo kinulang si Ma'am ng oras sa pagpaparecite niya sa'min sa First Impression. Kalahati ng mga classmates ko ang nakapagrecite na at ang kalahati naman ay wala pa. Bukas nalang daw niya itutuloy. Maaga ang naging lunch break namin dahil may meeting daw ang mga teachers, faculty at admins about sa upcoming event which is Acquiantance Party.

Naglakad na kaming apat papuntang canteen. Ako, si Lorrie, Anthony, Adrianne. Absent pa rin daw 'yong si Arnold, hindi pa rin daw bumabalik dito ang family niya from Macau. Nang makarating kami sa pwesto namin which is malapit lang sa entrance ng canteen naupo agad kami. Sina Anthony at Lorrie parin ang umorder ng foods para sa aming apat. Nandyan parin ang mga fansclub ng ACE na hindi parin tumitigil sa katitili at ksisigaw.

Tinignan ko itong lalaking nakaupo sa harapan ko. Nakakrus ang mga braso at mga hita niya habang nakasandal ang kanyang likuran sa sandalan ng upuan niya at nakapikit? Puyat kaya siya? Ano kayang mga pinaggagawa niya para mapuyat siya? Baka nagstudy at nag.advance reading kagabi, repeater pa naman ang isang 'to at gusto niya na sigurong makatapos ng highschool. Sipag naman ng isang 'to mag-aral. Pero hindi ba siya naiingayan sa paligid niya? Marami kayang nagsisigawang mga fans nila dito at sobrang ingay sa loob ng canteen. Paano kaya siya nakakatulog sa sobrang ingay? Nagulat nalang ako ng bigla itong magsalita.

"Don't stare at me." sabi niya habang nakapikit.

"Ha?" takang tanong ko. Bigla nalang nagmulat ang kanyang mga mata at nagtagpo ang paningin naming dalawa.

"I said don't stare at me." ulit niya sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo dyan? Anong nakatingin ako sa'yo? Paano mo nasabi na nakatingin ako sa'yo? Bakit nakita mo ba eh nakapikit ka?" galit na tanong ko sa kanya.

"Hahahaha! See? Bakita alam mo na nakapikit ako? Tinititigan mo kasi ako kaya alam mo." nakangising sabi niya sa akin.

"Nagkataon lang na napatingin ako sa'yo okay? At tsaka isang  beses lang kitang tinignan." depensang sagot ko sa sarili ko.

"Isang beses lang? You sure?" tanong niya at tumango ako sa kanya bilang sagot. "Okay. Isang beses mo lang akong tinignan tapos hindi na natanggal ang paningin mo sakin ganon? Aminin mo na kasing gwapong-gwapo ka sa'kin. Huwag ka nang mahiya tayo lang dalawa dito. Amin amin din pag may time. Hahahaha!" sabi niya habang tumatawa.

"Baka ikaw ang gwapong-gwapo dyan sa sarili mo? Hindi ka ba nakakatagal ng ilang segundo na hindi pinupuri ang sarili mo?" inis na tanong ko sa kanya.

"Hahahaha! Bakit?  Eh hindi ba't gwapo naman talaga ako ah? Kaya nga tinitilian at ipinagsisigawan ang pangalan ko ng mga kababaehan dito dahil sa kakaibang kagwapuhan ko. Hindi mo nga maiwasang hindi tumingin sa pagmumukha ko. Huwag kang mag-alala wala nang bayad ang tumingin sa mukha ko sabihan mo lang ako hindi 'yong puro ka nalang nakaw-tingin. Pwedeng pwede mo akong titigan hanggang sa makuntento ang puso't isip mo. Bwahahaha!" natatawang papuri niya sa sarili niya.

Ang saya saya ng hinayupak. Nakakapanibago na makita ko siyang tumatawa ngayon. Nakakapanibago na nakakusap ko siya ng lagpas 10 words. Parang kahapon lang para siyang  namatayan sa sobrang pagkabusangot ng mukha, ngayon naman parang baliw sa sobrang lakas ng pagtawa. Milagro na hindi ito nag-eenglish sa harapan ko. Para kasi akong nasa job interview kapag nag-eenglish to, parang anumang oras mauubausan ako ng dugo sa ilong dahil sa pagkanosebleed.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon