Chapter 12

137 58 3
                                    

AHRIANNE'S POV

Wala akong masyadong maayos na tulog kagabi dahil sa kaiisip ko kay Adrianne. Every minute ko ring chinicheck ang cellphone ko kung may text or tawag ba ni Adrianne. Nakailang texts at tawag ako sa kanya kagabi pero ni isa do'n wala siyang sinagot. Nagalit kaya siya? Nagtampo? Psh! Ang bilis naman niyang magalit kung ganon.. Para siyang bakla, para ring babae, napakamatampuhin...

Maaga akong nagising, parang hindi naman kasi ako nakatulog kagabi. Mabilis kong ginawa ang dapat gawin sa sarili para maaga akong makapasok sa school. Kailangan kung makausap si Adrianne. May kung ano sa sarili ko na inuutusan akong puntahan at kausapin siya.

Kung talagang galit man siya at nagtatampo sa akin ay susuyuin ko siya. Kung ano man ang gusto niya, susundin at gagawin ko.. 'mawala lang ang galit at tampo niya.

Nandito ako ngayon sa quadrangle. Nakaupo sa isa mga bench dito, hinihintay siya..

Sa sobrang kaiisip ko sayo Adrianne, hindi na ako nakatulog ng maayos at hindi masyadong nakakain ng breakfast. Kaya pleaae lang... bumalik ka na sa pagiging masungit at alaskador mo.. apektado kasi ang buong sistema ko sa galit at tampo mo..😔

Tinignan ko ang oras sa relos ko at 7:00 pa lang.
Masyado pa talagang maago. Ganitong oras kumakain pa ako ng breakfast.. Haayysss... pero uunahin ko pa ba ang sarili ko? kung may isang taong galit sa akin at nagtatampo? Napabuntong hininga nalang ako sa sariling naisip.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jeans ko at tinext si Adrianne.

Compose Message
To : Adrianne Masungit😡
Nandito ako ngayon sa may quadrangle. Asan ka na? Mag-usap tayo please.. hihintayin kita ok? mag-iingat ka...😊
Message Sent : 7:02 AM

Matapos no'n ay muli kong ibinalik ang phone sa bulsa ko. Ilang minuto na rin akong naghihintay ni Adrianne dito. Kahit na medyo nagdadatingin na ang mga estudyante at pinagtitinginan ako hindi ko nalang sila pinansin. Gusto kong makausap at magkaayos kami ni Adrianne at hanggat sa maaari hihintayin ko siya dito.

Mula sa inuupuan ko ay nakita ko si Lorrie. Kapapasok pa lang niya sa main gate ng school. Agad ko siyang tinawag at narinig naman niya 'yon. Kinawayan ko siya at naglalakad na siya ngayon patungo sa akin.

"Ang aga mo ata? Doon pa sa bandang ro'n ang classroom natin. Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Lorrie.

Lumapit ako sa kanya ng bahagya at bumulong "Hinihintay ko kasi si Adrianne." nahihiyang sabi ko, hindi makatingin sa kanya.

May mapanuksong ngisi ang sumulay sa mga labi niya. "Ikaw ah?  Umagang-umaga umi-Adrianne ka na..Remember... kaklse natin siya, pwede mo namang hintayin siya sa classroom. Unless..." binitin niya ang sasabihin ng hindi nawawala ang mapanuksong ngisi sa labi.

"U-unless ano?" nakakunot noong tanong ko.

"Unless 'CRUSH' mo na siya..." pinagkadiinan niya ang word na CRUSH. "Hehehe.. ganon bang hindi mabubuo ang araw mo kapag hindi siya ang unang nakita mo sa umaga.. yieee... Pwede mo naman siyang hintayin do'n sa room pero mas pinili mo siyang hintayin dito.. so sweet of you naman my friend." tukso ni Lorrie na sinusundot pa ang tagiliran ko.

"A-ano ba yang pinagsasabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko. "Pwede bang hinaan mo 'yang bibig mo?" tinuro ko ang bibig niyang kitang kita ang mamahaling braces. "Kapag may nakarinig sa'yo, sasabihin ko ding crush mo si 'Anthony" dagdag sabi ko at pagdidiin ko sa huling salita. Ang kaninang nakangisi niya mukha ay nawala at napalitan 'yon ng pamumula. Ako naman ngayon ang napangisi.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon