CHAPTER 17.5

129 30 1
                                    

AUTHOR'S NOTE : Since pinutol ko ang last chapter dahil sa sobrang haba na, ito na pala ang continuation. Enjoy reading 😊🥰

AHRIANNE'S POV

"Miss Ahrianne!" narinig kong tawag ni Miss Shayne. Liningon ko siya at nagpilit ng ngiti dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Inupo niya si Lorrie sa sofa at nilapitan ako. Hinawakan pa niya ang magkabilang braso ko. "Okay ka lang ba?" mahihimigan sa kanyang boses ang pag-aalala.

Muli akong nagpilit ng ngiti upang tanggalin sa sistema niya ang pag-aalala. Pero naging traydor ang mga luha ko, kahit na nakangiti ang mga labi ko wala namang hinto sa pagdaloy ang mga luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ni Miss Shayne ang mga luhang walang tigil na umaagos mula sa mga mata ko. "Magsisinungaling lang ako Miss Shayne kung sasabihin kung okay lang ako. Hindi ko kasi akalaing ganon kababaw ang tingin ni Lorrie sa akin." sabi ko sa gitna ng aking paghikbi. Naninikip ang dibdib ko sa magkahalong galit at poot na nararamdaman para sa kaibigan. "Itinuring ko siyang kaibigan pero ako lang pala ang nag-iisip ng ganon." sabi ko pa habang napapailing.

Niyakap niya ako. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaginhawaan dahil iyon talaga ang kailangan ko sa mga oras na ito. Mas lalo akong umiyak ng umiyak at mas lalo pa akong napahagulhol. "Sana mapatawad mo si Lorrie Miss Ahrianne, mabait naman siya." sabi niya habang hinahagod ang likuran ko.

"Alam ko, hindi naman niya kasalanan dahil nagmahal lang siya. Kung ako siguro ang nasa lugar niya ay gagawin ko rin ang ginawa niya pero hindi sa paraang makakapanakit ako ng damdamin ng iba." sabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya. "Okay lang sakin na murahin niya ako ng murahin o saktan ng pisikalan pero ininsulto na niya ang buong pagkatao ko Miss Shayne..hindi na 'yon makatao.." muli akong umiyak at humikbi. "Sobrang sakit non Miss Shayne, na kahit bala ng baril hindi kayang tapatan ng mga salitang ibinala niya sa pagkatao ko."

"Naiintidihan kita, pero sana bigyan mo siya ng chance na patawarin siya." sabi ni Miss Shayne.

"Time heal all wounds. Siguro kapag naghilom na ang mga sugat na dala ng mga balang salita na ibinala niya sa akin, siguro doon ko lang malalaman kung mapapatawad ko ba siya o hindi." Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. Tumango nalang ako sa kanya at nagpilit ulit ng ngiti. "Magiging okay rin ako Miss Shayne. Salamat ha? Pakisabi nalang din sa kanya salamat." yon lang at muli silang tinalikuran.

Tuloy tuloy lang ang lakad ko at tuloy tuloy rin ang pag.agos ng mga  luha ko. Kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao taas noo parin akong naglalakad.

"Bakit 'yan umiiyak?"

"Baka may date sila ng boyfriend niya pero hindi siya sinipot  kaya ayan at umiiyak.."

"Naku! baka buntis siya at nalaman ng pamilya niya kaya pinalayas siya ng mga magulang niya sa kanila."

Iilan lang ang mga 'yan sa mga naririnig kung bulong-bulungan sa paligid ko. Mga tao talaga ngayon marami ng nasasabi. Hindi kuntento sa mga nakikita, talagang may masasabi't masasabi. Porket umiiyak ako ng ganito tungkol na agad 'yon sa boyfriend ko? Na ang dahilan ay buntis ako kaya ako ganito? Tsss! Mga judmental! Sana gumawa rin ng batas ang kongreso at senado tungkol sa mga ganito ng maparusahan sila!  Kundi sana mamaga 'yang mga nguso niyo sa kachichismis niyo!  Mga pashnea kayo! Pasalamat kayo't  wala akong ganang makipag-away ngayon dahil sa nangyari kanina kundi baka hindi na kayo abutin ng umaga sa gagawin ko. Kakaratehin ko kayo hanggang sa mapudpud ang mga nguso niyo!!

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon