CHAPTER 33 : "OFFICIALLY COURTING YOU"

123 12 9
                                    


AHRIANNE'S Point of View



Masyado siguro kaming naglampungan--ay este nagka-heart-to-heart talk ni Anthony kaya kami nagatalan. Umabot kami ng dalawang oras mahigit doon sa likod bahagi ng school kaya hindi kami nakapasok sa dalawang subject namin sa afternoon class. Kaya napagdesisyunan na lang naming umabsent.

"Date tayo?" nakangiting alok n'ya sakin. Hawak-hawak n'ya ang kamay ko, pinaglalaruan ang aking mga daliri. "Total, hindi naman tayo papasok ngayon, edi magdate nalang tayo? Maaga pa naman tsaka gusto pa kitang makasama ng mas matagal." sabi n'ya at tinignan ang oras sa relong suot.

Gulat akong napalingon sa kanya pero agad ding nagbaba ng tingin. Ayos ring mag-alok ng date to ah? At anong sabi n'ya? Date? As in date? Baka petsa ang tinutukoy n'ya? Magdedate kami ng kaming dalawa lang? "Wala akong money." mahinang saad ko.

He chuckled. "There's no problem with that. May pera naman ako sa wallet ko. Magkano gusto mo? Gusto mo pautangin kita?" pag-aalok n'ya sakin while his brows moving up and down.

Ngumuso ako. Inilagay ang isang kamay sa ilalim ng baba, nag-iisip kung mag-o-okay ba ako sa alok n'yang pautang. 'Di ko alam na bombay na pala s'ya ngayon. "Magkano ba ang tubo?" inosenteng tanong ko. "Isang libo sana ang uutangin ko."

With what I just said, he bursts out a loud laugh. Ume-echo pa 'yon sa buong lugar. Buti nalang at nasa tagong parte kami ng school, malakas ang tawa ni Anthony kaya mga ibon lang ang naisturbo namin.

"Seriously? Hahahaha." maluha-luhang sabi n'ya habang natatawa pa rin. Hawak-hawak n'ya pa ang t'yan n'ya.

"Bakit?" kunot noo at nagtatakang tanong ko. May mali ba doon sa sinabi ko? Masama bang tanungin ko siya kung magkano ang interest ng halagang uutangin ko? Balak ko pa naman ding tanungin kong may insurance ba ang pautang n'ya.

Umiling s'ya at mas lalong natawa ng makita ang reaksyon ko. "Ang cute-cute-cute mo talaga." sabi n'ya at kinurot ang ilong ko. "Kaya mahal na mahal kita eh." dagdag n'ya pa at muling kinurot ang ilong ko.

Hinampas ko ang kamay n'ya at mangiyak-ngiyak na lumayo sa kanya. Ang sakit ng ilong ko! Nakita n'yang may luha sa mga mata ko kaya nag-aalala s'yang lumapit ulit sa'kin.

"Uy..uy..masakit ba?" tanong n'ya at tinaggal ang palad kong nakatakip sa ilong ko. Nagtagumpay naman s'ya kaya nakita n'ya ang ilong kong namumula. "Wag ka nang umiyak. Sorry na nga oh!" parang batang saad n'ya.

Natatawa man ay pinanatili ko ang mukha kong nasasaktan ang reaksyon. Totoong masakit at naiiyak talaga ako sa ginawa n'yang pagkurot sa ilong ko kanina, pero ngayon wala na. Nakita ko lang ang nakakaawa ngunit nakakatawang mukha ni Anthony ay bigla nalang nawala ang sakit sa ilong ko. Ano 'yon? Magic?

"Ahrianne, sorry na." saad n'ya habang hinihipan ang ilong ko na para bang mawawala ang sakit doon 'pag ginawa n'ya 'yon. Pero sa tingin ko naman ay gumana. Nawala na nga ng tuluyan ang sakit.

"Oo na..oo na.." sabi ko at itinulak palayo ang mukha n'ya. Nagsisimula na naman kasing mag-init ang mukha ko. Kung ganito s'ya kalapit sa'kin, baka matuloy na 'yong naudlot naming halikan kanina. Wow, naudlot. Meganon? Napailing na lang ako sa naisip.

"Akala ko okay na, ba't ngayon umiiling-iling ka?" nakangusong sabi nito.

Mas napailing lalo ako. "Hindi, wala. May naisip lang ako."

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon