AUTHOR'S NOTE :
Ito po ang kauna-unahang story na isinulat ko. Pasensya na po sa mga pagkakamali ko. Hindi po ako isang professional writer kaya if may mababasa kayong mali diyan, mga wrong grammar, wrong spelling and etc. intindihin niyo po sana. Hehehe, daghang salamat!
You will always be my EVERYTHING(March 2020)
Ayeeshakhieer221
__________________________________________________________________________________AHRIANNE'S POV
Pappapa.. Parappa.. Parappaparappapa....
Tunog ng alarm clock ko 'yan, huwag kayong ano!
Pinatay ko na ang alarm ng cellphone ko ng may biglaang kumatok.
Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!
"Anak gumising ka na! Mag-aalas syete na. Baka malate ka, first day of school pa naman ngayon." Bungad sa akin ni Mama pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Sige ma, maliligo na po ako." Agarang sagot ko naman sa kanya.
"Oh sya, hintayin ka nalang namin sa baba. Nakapaghanda na ako ng almusal." Sagot niya at naglakad na paalis ng kwarto ko.
Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Kinuha ko agad ang tuwalya at pumasok sa banyo.
Ay teka, wait! Hindi pa pala ako nagpapakilala.. Hehehehe! Sorry🤗✌️
Ako nga pala si Princess Ahrianne Alforo. Lakas makaprinsesa ng pangalan ko no? Pero hindi po ako isang prinsesa. Hindi kagaya ng isang tipikal na prinsesa na mayaman, na may magagandang bahay at mga sasakyan, na may maraming gwardiya or butler para bantayan ka 24/7, na may mga magagara at bagong mga gamit, na may mamahaling sapatos, alahas, at damit. Ako? Isa lamang akong PROBINSYANA. Isa akong simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Isang simpleng dalaga na ang hangad lamang ay mapabuti ang kanyang pamilya. Hindi man ako katulad ng mga prinsesa sa fairytale, pero ako ang prinsesa sa buhay ng aking Mama at Lola.
Si Mama at Lola lang ang nakakasama ko sa buhay. Ang Tatay ko? Ewan ko, bata palang daw ako ng iwanan kami ng Papa ko. Bawal silang magsama ni Mama kasi pamilyadong tao si Papa. Masakit man sabihin pero oo kabit ang Mama ko. Ang sabi ni Mama mayaman daw ang Papa ko. Isa daw s'yang businessman at maimpluwensyang tao sa bansang ito. Picture lang ang tanging meron ako kay Papa, pero sa sobrang luma na, halos hindi ko na makita o makilala ang itsura niya. Hindi ko na siya hinanap pa kasi nandyan naman sila Mama at Lola. Pinunan nila kung ano man ang mga pagkukulang ni Papa, kung tutuusin sobra sobra pa ang kanilang ginagawa para sa'kin. Kahit na wala akong Papa hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa pagkatao ko. Hindi nila ipinadarama sa akin na wala akong Tatay. Pinupuno at binubusog nila ako ng pagmamahal at sa pangaral araw-araw.
Matapos ang ilang sandali ng pagbabalik tanaw ginawa ko na ang mga kailangang gawin sa loob ng banyo. Mabilis akong nagligo. Nag-ayos agad ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba upang mag-agahan.
"Yan, upo ka na't kumain na para 'di ka malate." Bungad agad sa'kin ni Mama pagkababa ko.
"Goodmorning Ma, goodmorning La" bati ko sa kanilang dalawa. Umupo agad ako sa silyang kaharap ni Mama. Pritong itlog, hotdog, tinapay, at fried rice ang almusal namin ngayon. Hindi naman ako mapili sa mga pagkain, hangga't hindi ito nakakamatay at walang lason ay kakinin ko.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...