CHAPTER 23

93 12 1
                                    

AUTHOR'S NOTE : This chapter is dedicated to allelona. Thankyou bibi girl for reading and for always voting in my story. And also for waiting in my every updates as well.  Stay safe and Godbless ❣️







AHRIANNE'S POV

Malapit nang magsimula ang movie pero hindi parin dumadating ang dalawa.

Ang tagal naman nila? Hindi pa ba sila tapos magbonding?

Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo ng sunod-sunod na nagring ang phone ko. Kinuha ko 'yon at tinignan.

Tumatawag si Mama!

"Hello Ma?" sabi ko pagkasagot ko sa tawag niya.

"Pasado alas syiete na, ba't wala ka pa?" halata sa boses niya ang pag-aalala ngunit mas nangibabaw ang galit dito.

"Ma, chill lang ha? Nasa mall—"

"Bakit nasa mall ka? Anong ginagawa mo dyan?"

"Oh, Liza? Asan na ba daw siya?" narinig kong tanong ni Lola sa kabilang linya.

"Namasyal lang kami ng mga kaibigan ko." Kaibigan talaga! Alangan namang sabihin kong, namasyal ako kasama ng crush ko eh, si Anthony ang kadate ko.

"Sinong mga kaibigan 'yan? Baka bad impluence 'yan sayo Yan-yan ha?" dinig kong salita ni Lola sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako. "Influence 'yon La, hindi impluence." pagtatama ko. "Kilala nyo na naman ang mga kaibigan ko eh. Si Anthony at Arnold ang kasama ko ngayon." hindi ko na isinali si Adrianne, hindi naman siya kilala nina Mama at Lola. Baka may masabi akong hindi dapat sabihin. Nilingon ko si Arnold na one seat away lang sakin. Nabuksan na pala niya ang isang container ng chocolates ko. Ngiting-ngiting niya itong kinakain.

Peste! Hindi ko pa nga napipicturan ang mga 'yan para iposts sa IG at Twitter ko!

Hinubad ko ang isang pares ng sapatos ko at ibinato 'yon sa kanya. Sapul ang ilong niya.

"Aray naman! Sinong bumato?" iginala niya pa ang paningin at naghuli 'yon sa akin. "Ikaw ang bumato non Ahrianne?" Kunot-noong tanong nito. "Ba't mo ginawa? Ang sakit ah!?" daing niya at kumuha ng panyo sa bulsa at pinunasan ang ilong.

"Ba't ba kasi kinakain mo?" nakangusong sabi ko. "Bigay sakin 'yan eh."

"Ang damot mo naman. Ang dami-dami oh.." itinuro niya ang ilang chocolates na nasa loob ng papaer bag. "Mabilaukan ka sana 'pag kinain mo 'yan, o dikaya'y sumakit ang tiyan mo. Damot..damot.." bulong-bulong nito.

Hinablot ko ang container na hawak niya at muli itong isinara. Ipinasok ko 'yon sa paper bag kasama ang ibang chocolates. Inilagay ko ito sa left side ko. Hindi kasi ligtas sa right side kasi nasa kanang gawi nakaupo si Arnold. Kahit na sabihin nating may isang silyang nakapagitan, hindi pa rin ligtas lalo na't matakaw rin 'tong si Arnold. Nginiwian ko lang siya at binelatan.

"Wag na kayong mag-alala ha? Ayos lang ako. Nanood lang kami ng sine tapos magstro.strolling sandali sa mall tapos ay uuwi na. Ihahatid din naman ako ni Anthony pauwi eh. Oh, babye na Ma La ha? Magsisimula na kasi ang movie. Itetext ko nalang kayo 'pag on the way na ako pauwi. Love you."

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon