ANTHONY'S POV
Habang kumakain kami ay nakatungin lang ako kay Ahrianne na nakatungo lang sa pagkain niya na halos hindi naman niya kinakain. Qlm kong nabigla siya sa inasta at ikinilos ko kanina. Nag-init kasi bigla ang ulo ko ng makita ko ang mga kamay nila ni Adrianne na magkahawak.
Gusto kong suntukin ng suntukin si Adrianne hanngang sa masaktan siya pero pinigilan ko ang sarili ko at alam kong hindi magugustujin ni Ahrianne 'yon kapag nagpadala ako sa galit ko.
Oo aaminin ko, nagseselos ako at gusto ko ring gawin ang mga ginagawa ni Adrianne pero kahit na gustuhin ko man ay hindi maari dahil wala ako sa posisyon at wala rin akong karapatan na gawin ang mga 'yon dahil hindi ko naman pag-aari si Ahrianne. Nirerespeto ko siya hindi bilang tao, kundi bilang babaeng gusto ko. Gusto ko kapag ginawa ko ang mga bagay na 'yon ay may consent niya, iyong hindi soya magagalit dahil may karapatan ako sa kanya....may karapatan ako dahil girlfriend ko siya.
Ng matapos ang lunch ay naglalakad na kami ngayon papuntang classroom. Tahimik lang kami habang tinatahak ang pathway. Kahit na si Arnold na palaging nangunguna sa kakulitan ay nagung tahimik dahil nakikiramdam sa amin pareho ni Adrianne. Kahit na ako ay nakikiramdam sa pagitan naming dalawa.
Nagagalit at naiinis ako dahil feeling ko inuunahan at nalalamangan na nkya ako ng diskarte kay Ahrianne. Kaibigan ko si Adrianne at ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano laban sa kanya. Alam ko naman na patas siyang lumaban pero pakiramdam ko parang tinitura na niya ako patalikod.
Nang mahagup ng paningin ko sa Ahrianne, nakita kong nakatingin siya sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tumungo nalang. Katulad ni Arnold ay masyado ring siyang madaldal at makulit kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagbabago sa kanya ngayon dahil sa nakakabinging pananahimik niya.
Alam kong nagkakaganyan siya dahil sa naging kilos ko kanikanina lang. Napabuntong hininga na lamang ko. Masyado siyang mabait kaya iniisio noyang kasalan niya kung bakit ako nagkaganon kanina. Nagiguilty siya. Hindi ko rin maiwasang hindi maguilty. Kakausapin ko nalang din siguro siya mamaya at hihingin din ng sorry.
Nang makarating sa classroom ay agad kaming pumwesto sa kanya kanya naming upuan.
"After class let's talk at the parking lot." sabi ko kay Adrianne ng hindi tumitingin sa kanya.
"For what?" nakakunot ang noo niyang tanong. Matalino si Adrianne kaya alam niyang siya ang pinatutungkulan kong kakausapin ko mamaya.
Nulingon ko siya. "Yong sa kanina." walang ganang sagot ko.
Ngumisi siya. "Threatened huh?"
Napakuyom ang kamao ko. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na buntong hininga. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil baka masuntok ko siya ng wala sa oras. "Hindi naman." pagsisinungalung ko kahit na ang totoo ay 'yon ang nararamdaman ko.
Hindi madaling kalaban si Adrianne. Kaibigan ko siya kaya alam kong gagawin niya ang lahat makuha lang niya ang gusto niya. Hindi rin malabong mahulog ang loob ni Ahrianne sa kanya, mabait naman kasi ito,sweet at caring din, kahit na masungit ito kay Ahriannne makikitaan naman na may pagpapahalaga siya sa babae.
Nagkibit balikat lang siya. "Wala na lman na tayong dapat pag-usapan pa. Wala ka namang kailangang ikatakot dahi—" pinutol ko ang sasabihin pa ni Adrianne.
"Alam ko..sa akin mapupunta si Ahtianne." matigas na sabi ko.
Tumawa lang siya. Nakakadagdag 'yon sa inis at galit ko sa kanya. "Too confident huh? Well..good for you." aniya na tinapik-tapik pa ang balikat ko. Para bang sinasabi niyang lakasan ko ang loob ko dahil hindi magiging madaling laban 'to. Na daoat tatagan ko ang sarili ko dahil baka sa huli masaktan at mabigo ako. Hindi ko naman hahayaang mangyari ang bagay na 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/216550518-288-k335344.jpg)
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...