Chapter 13

133 60 3
                                    

ANTHONY'S POV

First time magka.POV..thanks Miss Author😉

Nandito ako ngayon sa may counter ng canteen at kasalukuyang umuorder ng foods para sa amin. Nakita ko sa peripheral vision ko si Lorrie na naglalakad papunta sa akin.

"Napapansin ko lang..May problema ba ang dalwang 'yan?" inginuso ko si Ahrianne at Adrianne. Tinanong ko agad si Lorrie ng makalapit siya sa akin.

"H-ha?" gulat na tanong ni Lorrie. Nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Natawa naman ako ng kaunti. Tinignan niya muna ang dalawa bago niya sinagot ang tanong ko. "O-okay naman sila ah.."

"Hindi sila okay...okay? Pansin ko kasing hindi sila nagbabangayan.. Hindi sila nagsisigawan.. Hindi sila...hindi sila normal ngayon.." sabi ko habang napapailing. Alam kong may mali sa dalawa. Batid kong may kakaiba pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. "Kaibigan mo si Ahrianne at palagi mo siyang kasama..wala ba siyang nasasabi sayo? Kanina pa kasi ako naninibago sa kanya..Masyado siyang tahimik." dagdag sabi ko habang napatingin kay Ahrianne.

"Haayyy..." buntong hininga ni Lorrie. "Kung ano mang meron sa kanila hayaan nalang muna natin sila okay?" sagot niya. Inalis niya ang paningin sa akin  at nagtingin-tingin nalang ng avilable na food sa canteen. Alam kong may alam siya pero hindi niya magawang sabihin sa akin kasi iniisip niya ang privacy ni Ahrianne. Muli kong tinignan si Ahrianne, nakayuko lang siya habang nilalro niya ang dalawang kamay niya. Sana kung may problema ka, sabihin mo rin sakin..Hindi lang si Lorrie ang kaibigan mo dito Ahrianne..Nandito rin ako..Nasabi ko sa isip ko at nagpakawala ng isang buntong hininga.

Naiwan si Ahrianne sa table kasama si Adrianne. Nakayuko lang si Ahrianne sa dalawang kamay niya habang si Adrianne naman at tutok na tutok ang paningin sa kanya while smiling? Napataas ang isang kilay ko. Anong meron at ganon nalang ang ngiti ni Adrianne kay Ahrianne? Madalas kong makita at mahuli si Adrianne lately na laging nakangiti pero hindi ko nalang 'yon pinagbibigyan ng pansin.. Medyo kakaiba ang way ng pagngiti niya ngayon. The last time I saw Adrianne smile like that was because of Angela at ilang taon na ang nakalipas.

Kung ganon..nakabalik na kaya si Angela kaya panay nalang ang ngiti niya ngayon? Pero bakit kay Ahrianne siya nakatingin? Anong dahilan niya para ngitian ng ganyan katamis si Ahrianne? And now he is wearing the same smile that he used to before while staring Ahrianne? Akala ko ba mahal pa ni Adrianne si Angela? Kamakailan lang kasi ay iniiyakan niya si Angela sa harap ng barkada pero bakit ngayon makikita ko nalang na nakangiti siyang parang baliw sa harapan ni Ahrianne? Anong nangyari bigla? Nakamove on na kaya siya? Pero bakit si Ahrianne? Of all the girls in the campus why Ahrianne? Alam niyang gusto ko si Ahrianne.. May gusto rin ba siya sa babaeng gusto ko? Napuno ng katanungan ang utak ko. Ayaw kong magconclude ng mga speculations na mali mali at hindi totoo. Alam kong may maraming bagay kaming pagkakatulad ni Adrianne pero hindi naman siguro pati sa babae ay pareho kami ng gusto diba?

"Hoy Anthony! Nakaorder ka na?" bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Lorrie.

"H-ha? A-ahh.. oo! Ba't ba naninigaw ka?" iritang tanong ko sa pagmumukha niya.

Napakunot ang noo niya. "Hello? Kanina pa kaya ako nagsasalita dito pero paramg hindi ka naman interesado." nakangusong sabi niya. "Lutang ka masyado. Ikain mo na 'yan.."

Masyado akong nalunod sa kaiisip kaya hindi ko napapansin ang mga kaganapan sa paligid ko. Bahagya kong kinlaro ang boses ko. "A-ano nga u-ulit ang s-sinasabi mo k-kanina?"

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon