A/N : This chapter is dedicated to UnicePheng. Hope you'll like it!🤗💜💜ANGELA'S Point of View
Natigil ako sa pagrereminisced ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Adrianne. Pansin kong kanina pa s'ya titig na titig dito na parang may inaabangang tawag o ano.
"The fuck! Asan na ba kasi sila?" narinig kong mahinang sabi nito, sa cellphone'ng hawak nakatingin.
Bawat sulyap n'ya sa kanyang phone, baling sa relong suot ang kasunod non.
"Late ka na sa class mo, baka pagalitan ka ng lolo mo 'pag nalaman n'yang 'di ka pumasok ngayon sa klase mo." nag-aalalang sabi ko. Strikto ang lolo n'ya at pinapahalagahan ang edukasyon kaya palagi s'yang pinapagalitan nito kapag may mga oras na ganito dati.
Bumaling s'ya sa akin pero hindi n'ya ako sinagot, nakatitig lamang sa akin ng ilang segundo at muling ibinaling ang tingin sa phone pagkatapos ay sa suot naman nitong relos.
"Ba't ang tagal nila?" sabi niya, kumikibot-kibot pa ang labi. "Sa'n ba kasi sila nagpunta?" mahinang dagdag nito. He even muttered a cursed.
"Sino ba ang hinihintay natin dito?" hindi ko na mapilgilan ang sariling magtanong, may bumabagabag sa'king kung ano. "I've noticed na kanina ka pa nakaabang d'yan sa phone mo? May hinihintay ka bang importanteng tawag o text?" may konting inis na mahihimigan sa boses ko. Kami ang magkasama pero parang hindi n'ya ramdam ang presensya ko, parang hindi s'ya masaya na nandito ako.
"Hinihintay ko sina Anthony at Ahrianne. Kanina pa 'yon, hindi pa rin sila bumabalik." mahihimigan sa boses niya ang pag-aalala ngunit mas nangibabaw ang iritasyon doon.
Natawa ako sa hindi ko alam na dahilan. 'Yun lang pala ang inaalala n'ya, akala ko kung ano na. "Chill okay..." umusog ako ng konti papalapit sa kanya at hinagod ang braso n'ya. Kunot na kunot ang noo nitong nakatitig sa phone n'ya. "Baka nagdate ang dalawa." dagdag sabi ko na mas lalong nagpakunot sa noo n'ya't bumaling sa'kin. "Baka nag-eenjoy ang dalawa kaya medyo natagalan. Hayaan mo na bestfriend mo. Dapat maging masaya ka dahil sa wakas may lovelofe na s'ya."
"Hayaan?" natatawa man ngunit kita ko ang inis sa kanyang mga mata. Inalis n'ya ang kamay kong nakahawak sa braso n'ya't umusog ng kaunti palayo sa'kin. Natatawa s'yang umiling ngunit hindi ko mahanap ang rason kung anong ikinatawa n'ya. "Lovelife? He will never prioritize it over studies. Mas mahal n'ya ang pag-aaral kaya nga wala s'yang girlfriend 'di ba? And besides date? Sa oras ng klase nagdedate sila? At sa school pa talaga?" mahabang sabi niya habang napapailing pa na parang disappointed s'ya sa ginawa ng kaibigan. Gulat akong napatitig sa kanya. Hindi naman s'ya ganito dati, pero ngayon iba na. Kung dati, wala s'yang pakialam sa mundo at sa paligid n'ya, ngayon marami na s'yang nasasabi at napupuna. Napansin siguro n'ya ang gulat sa aking mga mata kaya nag-iwas s'ya ng tingin sa akin inabala ang atensyon sa cellphone'ng hawak.
Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon. "You know naman Anthony is very studios right? Baka sa library sila nagdate ni Ahrianne." nangingiting sabi ko. "He's doing two things at the same time. Nagdate na nga sila ni Ahrianne, sabay pa silang nag-aral na dalawa. Diba ang romantic?" inilagay ko pa ang parehong kamay sa ilalim ng baba na umaaktong parang kinikilig. "Maganda kasi doon kasi tahimik ang paligid. Ang cute kaya ng date sa library. 'Yung tinuturuan ka ng mahal mo ng nga difficult topics na hindi mo alam."
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...