ADRIANNE'S Point of View
Kahit na nasa malayo na ang kotse ni Anthony ay tinatanaw parin 'yon ni Ahrianne. Ng nawala na 'yon ng tuluyan sa kanyang paningin, don pa lang siya bumaling ng tingin sa akin.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. Feeling ko lamang na lamang na si Anthony sa akin. Wala mang sinasabi si Ahrianne, nararamdaman ko naman sa bawat galaw at kilos niya. Na hindi ako kundi si Anthony ang gusto niya.
Ito ba ang nararadaman ni Anthony kapag minsan mas nakakasama ko si Ahrianne kesa sa kanya? I think so, siguro pareho lang kaming dalawa. Pareho kaming uhaw masyado sa atensyon ni Ahrianne.
"Tara na." sabi niya.
Bumuntong hininga pa muna ako bago sinabing, "Okay."
Feeling ko ayaw niyang ako ang maghatid sa kanya ngayon. Sayang at mukhang ako lang ang excited na makasama siya. May sorpresa pa naman sana ako sa kanya. Ngayon, parang nagdadalawang isip na tuloy ako kung ibibigay ko ba 'to sa kanya.
Kukuhanin ko na sana ang bag na dala niyang iiwas niya iyon sa akin. "Ako na." malamig na sabi niya pa.
Muli akong napabuntong hininga. Ramdam na ramdam ko na talaga kung gaano niya ako kaayaw makasama ngayong gabi.
Ano ba ang dahilan niya? Kaya ba siya nagiging cold sa akin ngayon dahil hindi ko nakuha ang gusto niyang stuffed toy na kamukha ni Guison? Pwede ko namang siyang bilhan non, kahit ilan pa ang gustuhin niya. Kaya ba ganito siya sa akin ngayon ay dahil gusto niyang si Anthony ang maghatid sa kanya? May gusto lang naman kasi akong ibigay sa kanya kaya ko 'to ginagawa.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Katabi lang ng driver seat. "Thankyou." nakangiting sabi niya pero halata kong pilit lang 'yon.
Sinarado ko ang pintuan at umikot papuntang drivers seat. Binuksan ko ang pintuan at umupo na. Nagseatbelt pa muna ako, ganon din siya.
Binuhay ko ang makina at nagsimula ng magmaneho.
"Do you want anything to eat? May madadaanan tayong drive-thru magsabi ka lang para mabili ko." basag ko sa katahimikan. Nasa daan na kami. Panay ang lingon ko sa kanya habang nagmamaneho ako. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ko. Mukhang may gumugulo sa isipan niya. Gusto kong malaman kung ano 'yon pero natatakot akong alamin at malaman dahil baka tungkol 'yon kay Anthony. Ayokong marinig 'yon. Nagmamaneho pa naman ako, baka mawala ako sa wisyo at maaksidente pa kami.
Lumingon siya sakin bago sinabing "Wala, gusto ko nalang umuwi at magpahinga." at muling ibinaling ang tingin sa bintana.
Hindi ko nalang siya kinulit pa. Tahimik na lang akong nagmaneho. Every 10 seconds ay napapatingin ako sa kanya. Panay kasi ang buntong hininga niya.
Gusto ko siyang tanungin kong ano ang direksyon ng bahay nila. Hindi ko kasi alam ang kung saan siya nakatira. Pero mukhang wala siyang ganang makipag-usap sakin ngayon. Gusto ko sanang mag.open up ng topic para may mapag-usapan kami, masyado kasing tahimik. Makina lang ng sasakyan ko at ang ibang sasakyang nagdaraanan ang tanging ingay namin, pero 'wag nalang baka hindi niya ako gustong makausap ngayon.
Kinapa ko ang maliit na box na nasa bulsa ko. Ito 'yong prize na pinabalot ko kanina sa babae nong nasa mall pa kami. Kanina over confidence akong ibigay 'to kay Ahrianne, pero ngayon parang battery'ng sobrang lowbat, ni isang percent wala na akong lakas.
Tahimik lang siya, ganon din ako. Ayokong isturbuhin siya kung anumang iniisip niya ngayon.
AHRIANNE'S Point of View
Kanina nong siya ang nag-offer na maghatid sa akin ay sobrang kaba ko na. Nagsisimula na namang maging wild ang puso ko sa twing nandyan siya. Nagpapalpitate na akala mo'y sumali ako sa isang 24k marathon.
BINABASA MO ANG
You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]
Teen FictionSi Princess Ahrianne Alforo ay isang PROBINSYANA. Isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Walang kinagisnang ama pero hindi naman siya pinababayaan ng kanyang ina at lola. Lumipat sa Cebu upang mamuhay ng tahimik at m...