CHAPTER 20

152 21 5
                                    


AUTHOR'S NOTE : This chapter is dedicated to NorrieanneCartina Thankyou so much for reading. Stay safe always and Godbless ❣️

ANTHONY'S POV

Maaga akong nagising ngayong araw. Excited ako dahil may date kami ngayon ni Ahrianne. Kahit na hindi naman talaga 'yon ganon, date parin 'yon para sa akin. It's only me and her, alone.

Marami na akong naiimagine na pwedeng mangyari at pwede naming gawin sa date namin ngayon. Tatanungin ko muna siya kung saan niya gustong mangyari or maganap ang date namin. Kung sa mall o sa amusement park ba. Kung saan man niya gusto, susundun ko ang gusto niya.  Siguro, una kakain kami. Papakainin ko muna si Ahrianne upang hindi siya mapagod sa mga susunod na gagawin namin. Kung sa mall niya gustong pumunta ay yayain ko siyang manood ng sine pagkatapos kumain. Tapos kung may oras pa kaming natitira ay yayayain ko siyang mag.game zone kami. Kung sa amusement park naman kami, matapos sigurong kumain ay maglilibot muna kami at maghahanap ng magandang mga rides. Manonood ng free display na movies sa open space ng park at manonood ng free dispaly na fireworks.

Habang nag-iisip ko ang mga 'yan ang nangingiti ako. Wala paman ay parang kinilikig na ako.

Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos. Napagdesisyunang maaga akong papasok ngayon upang tapusin ang dapat tapusin sa school.

Kailangan ko pang dumaan sa faculty room upang isubmit ang mga paperworks na ipinacheck sa akin ni Miss Milan.

Agad akong bumaba at nagtungo sa dining namin. Naabutan ko pa ang sister ko na naroon na at kumakain ng breakfast.

"Goodmorning little sister." bati ko ng makalapit sa hapag-kainan at ginulo ang buhok ng babaeng kapatid. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit tinawanan ko lamang.

"Stop that Kuya.." asik niya at hinawi ang kamay ko.

"You're cute." natatawang sabi ko.

"Psh! I'm beautiful in correction." sabi ng kapatid ko at pinapalipad pa ang kayang buhok patunging likuran.

"Ang arte mo na ah! Elementary ka pa." sabi ko at naglagay ng garlic rice, luncheon meat, at sunny side up eggs sa plate ko. Nagsalin rin ako ng fresh milk sa aking baso.

"I'm already 12 Kuya." maarteng sabi ng kapatid ko.

"But your still in elementary."sabi ko habang nginunguya ang pagkaing sinubo.

"But I'm not a baby na Kuya."

"Baby pa kapag nasa elementary little sister."

"But I have a crush na." sabi niya na nakapagpatigil sakin sa pagkain. "My P.E teacher once said that a person changes a lot when he or she is in love. Everything will change. The mind matures, the body matures, and the feelings change." sabi ng kapatid ko habang tinusok-tusok ng kanyang tinidor ang luncheon meat na nasa kanyang pinggan. Nagkibit balikat siya. "I did not believed what she just said before, not until I liked someone and proved that what my teacher said was true kuya.." nagtaas siya ng paningin sa akin. "Age is just a number kuya. Whether you're young or old, when you felt love age is nothing to do with that."

Bitiwan ko ang kitchen utensils. Pinagsalikop ang dalawang kamay, itunuon ang dalawang siko sa mesa at ipinatong ang baba sa mga magkasalikop na kamay. "Where did you learn that stuff huh?"

Nagkibit balikat lamang siya. "Well, at school. Palagi akong nakikinig sa mga teacher ko. Hindi siguro ako magiging top 1 sa buong batch namin kung hindi diba kuya?"

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon