CHAPTER 30 : SORRY

71 10 4
                                    


ADRIANNE'S Point of View

Nang Sunday ng gabi, dito na pinatulog nina Mommy at Daddy si Angela sa bahay. Nalaman rin nila na ng araw na 'yon ay nagkabalikan na kaming dalawa. Sobrang saya nila. Hindi sila makapaniwalang mangyayari muli ito. Hindi nila akalaing magkakabalikan kami since sinabi ko sa kanilang may iba na akong nagugustuhan.

Maybe Angela's right. Na pastime ko lang si Ahrianne. Na kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya dahil sobra akong nasaktan doon sa ginawa niya. Na kanailangan ko lang ng diversion para hindi ko na maalala pa ang sakit na dinaranas ko sa mga oras na 'yon.

"I'm happy for the both of you." nakangiting sabi ni Mommy sa amin.

Nasa sala kami ngayon at nag-uusap. Katabi ko si Angela dito sa long sofa, hawak ko ng mahigpit ang kamay niya. While Mommy and Daddy is on the other part. Watching us happily.

Bumaling si Angela sa'kin at ngumiti. Marahang hinaplos ang braso ko. "Thank you Tita." nanatili ang ngiti nito ng bumaling sa mga magulang ko.

"Oh, I'll call your parents to inform them na dito ka na matutulog hija. Do'n sa guestroom. Just beside Adrianne's loft room." si Daddy.

"Sige po Tito." si Angela

Nakangiting tumango si Daddy sa'kin. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng kasing ganda nito sa'kin. Parang all his worries and fears ay nawala at napalitan 'yon ng kaginhawaan. Feeling ko proud siya dahil sa naging desisyon kong 'to.

"Oh sha..sha..feel at home hija ha? Maiiwan na namin kayo dito dahil medyo late na. May kailangan pa kaming gawin at asikasuhin ng Tito mo tomorrow kaya dapat maaga kami. Enjoy the rest of the evening but don't stay up late, may pasok ka pa bukas baby." habilin ni Mommy.

Angela chuckled. Alam niyang hindi ko gustong tinatawag na baby ng Mommy ko. I pouted pero lalo lang siyang natawa do'n.

"Don't worry Tita. Mag-uusap lang kami saglit ni 'baby' may diin ang pagkakasabi ni Angela ng word na baby. Mas lalo lang akong ngumuso pero mas lalo lang siyang natawa kaya natawa na rin lang ako.

I can't recall why I fell for her. I can't even remember where and when I fell in love for her. And I don't exactly retained how I fell so hard in love for her.

Natawa na rin si Mommy. Napailing naman si Daddy ngunit may nanunuksong ngiti sa mga labi.

"Alam mo talaga kung paano pakiligin ang baby namin hija ha?" mapanuksong sabi ni Mom. "Look at him, he's blushing profusely. It's so nakakabading."

Lahat kami ay natawa dahil sa sinabi 'yon ni Mommy. Napagdesisyunan na nilang umakyat dahil medyo late na nga at may kailangan pa silang gawin bukas. Naiwan kaming dalawa ni Angela sa living room. Nasa kaliwang side ko s'ya. I'm holding her hand right hand with my right hand, while my left hand is on her waist. She rested half of her body on me.

I kissed her cheek. Tumawa lang siya. "I love you." mahinang sabi ko. Sakto lang na marinig niya.

Lumingon siya sakin at sinabing "I love you more." and then she kissed the edge of my nose.

"I love you most baby.." sabi ko.

Ngumiti lamang siya ay bumalik sa dating pwesto. Pinahinga ang likuran sa bandang dibdib ko.

Ramdam ko ang kanyang pagbuntong-hininga
. "What is it baby? Is something bothering you?" nag-aalalang tanong ko habang hinahalik-halikan at inamoy-amoy ang buhok niya. I just missed her smell. Tulad pa rin ng dati. Ang dating bangong kinabaliwan ko, pero alam kong muling kababaliwan ko.

You Will Always Be My EVERYTHING [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon