Chapter 67

25 0 0
                                    

BREANA'S POV

"What do you want to eat?"

"A-anything" inakbayan niya lang ako at pumwesto sa sulok ng elevator. Hindi na kami nagtagal sa mall dahil tumawag si hero. May bisita daw kami. Hindi sinabi kung sino kaya inis ang isang to dahil ako na nagyaya para maabutan namin.

"Mahal I want cuddles~"

"Okay. L-later"

"After we eat?"

"Hmm after we e--" napatigil kami nang bumukas ang elevator kaya bumungad agad ang mukha ni f-first. Kasama niya sina twins.

"Snow?--" mabilis akong hinila ni chase palabas at nilampasan pa sila kaya agad silang sumunod. Pilit pang inaabot ni first ang isang kamay ko dahilan para huminto si chase sa tapat ng unit namin tsaka inis na hinarap si first.

"Hindi mo ba tantanan ang asawa ko?!"

"A-asawa??? Pero sinabi niya mismo na walang namamagitan sa inyo" kumunot ang noo ni chase at lumingon pa saglit sa akin. Tinago niya lang ako sa likod niya sabay tulak sa balikat ni first. Hindi naman siya pumalag kaya bumuntong hininga ako.

"Noon yun! Ngayong alam mo na huwag ka na magpakita!"

"Chill lang!~ hindi na nagbago! Si snow ang pinunta ko dito--I mean sinadya ko talaga pumunta dahil sa message niya sa akin"

"You're texting each other?!" mabilis na kinuha ni chase ang cellphone ko para tignan ang inbox. Iboblock na naman nito! "How did you find each other?!"

"Hinatid ko siya sa kuya niya noong nakaraang gabi na nilayasan ka niya"

"What do you want?!"

"Ask her" napatigil na naman si chase kaya hinaplos ko ang likod niya tsaka pumwesto sa tabi. Wala naman siyang dapat ikabahala. Takot ata siyang may magustuhan akong iba. Imposible yan.

"Snowy nagulat din kami nang makita siya! So what now?" singit ni ana kaya napaisip ako saglit at tinignan si first. Naalala ko pa ang huling sinabi niya at parang siya na nga ang makakatulong sa amin.

"He knows where sands and hanna"

"TALAGA?!!! TARA PUNTAHAN NA NATIN NGAYON!!" pinigilan naman agad sila ni first kaya nagtataka silang tumingin sa amin. Inakbayan na lang ako ni chase at binuksan ang unit namin.

"What?"

"Gabi na baka madisturbo lang natin sila"

"Uno maiintindihan naman nila. Ang tagal na namin silang hinahanap!"

"Hindi ako sigurado dyan basta ayoko at sisiguraduhin ko munang nandun pa rin sila. Tatawagan ko na lang kayo"

"Paano kami makakasiguro ha?!" inis na tanong ni gene kaya humarang agad si timmy. Nagaalala naman ako dahil baka magkagulo pa sila. Tama din naman si first "Hindi mo naiintindihan! Sabihin mo na lang kung saan para kami na ang pupunta!"

"Enough" singit ni chase kaya lumingon sila sa amin. Kumalma sila tsaka si gene na ang lumayo kay first. Huminga ako ng malalim "Let's talk about this next time. Pumasok na kayo at ikaw naman huwag mo na guluhin ang asawa ko. I don't want to see your face again"

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now