BREANA'S POV
"Breana you have to rest first" umiiling lang ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Napapagod na ako sa excuse nila!
Kasama namin sina tita gelly ngayon since yung ibang first generation ay umuwi agad sa kanya kanyang bansa dahil nagtatampo daw sa nalaman nila kagabi. Sina kuya blake at mark naman ay naiwan sa bahay para samahan sina tito doon.
"Tita! I want to see him!" nagkatinginan naman sila. Umiiling pa si kuya lean na nagmamaneho ng van.
"Breana parang mahirap yan. Ma dapat ba nating gawin to? Wala to sa plano namin nina blake"
"Tita please, this is the way I know. Tita gelly please" nanginginig na naman ang mga kamay ko kaya tinapik yun ni tita tania.
"Baka nasa trabaho siya ngayon pero sige sasamahan ka namin"
"Don't ever hesitate na sabihin sa amin kung may masama sayo. We're thinking about your health breana, please kahit yan lang sabihin mo sa amin"
"Y-yes, I will" pinahinto na ni kuya ang sasakyan kaya inalalayan agad akong bumaba. Hindi ko alam kung saan kami pero may malaking gusali sa tapat namin.
"S-saan tayo?"
"Bilis bago pa siya makaalis sa condo nila" pumasok na kami doon kaya sina twins agad ang bumungad sa amin na parang naghihintay.
Bumati pa sila pero dumiretso lang ako sa elevator. Nagpaiwan na ang iba since hindi kami kasya lahat dito. Kumapit pa ako ng mabuti kay kuya lean.
"We will help you because we disagree"
"Anak if something good happen, we can change your mind right?" bumukas ang elevator kaya saktong nakita agad namin si chase na kakalabas lang sa isang pinto.
"C-chase" natigil siya at nakipagtitigan din sa akin. Pumunta ako sa harap niya kaya hindi ko na naman mapigilan ang iyak.
Yayakap sana ako nang harangan niya ako sa balikat. Hinawakan ko naman ang kamay niya pero binawi yun agad! Seryoso lang ang mukha niya.
"Who is she?" nagmamakaawa akong tumingin sa kanya habang magkadikit ang mga palad ko.
Gusto ko na siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan pero ayaw niya akong palapitin! Iyak na lang ang magagawa ko ngayon!
"Chase hindi ka pa kasal diba? Naaalala mo pa ako!"
"She's crazy, right?" agad ko namang pinigilan si kuya nang humakbang pa pagkatapos tanungin yun ni chase kina tita.
"We risk everything so we can bring her here tapos ganyan lang ang ibubungad mo sa kanya?"
"Sino ba nagsabing pumunta kayo dito? Hindi ko nga kilala tong kasama niyo"
"K-kilala mo pa ako eh~" may lumabas na naman sa pinto kaya napaatras ako ng konti. Hinanap ko agad ang singsing nila at n-nandun nga.
"Let--" napatigil si anghel nang makita kami. Inakbayan pa siya ni chase kaya umurong bigla ang dila ko. N-no, this is fine. I-I'll just ask for chase's time with m-me.
"May problema ba siya? Dahil kung meron wala akong maitutulong sa kanya"
"It's*hik*okay" pilit akong ngumiti pero wala namang nagbago sa reaksyon niya. Ano ginawa niya sa akin noon ganun din ang gagawin ko. Mahalin pa rin.
"Ohh! Maayos naman pala edi aalis na kami ng asawa ko, may importante pa kaming lakad"
"Chase hindi mo pa ako nakalimutan diba?" maglalakad na sana sila pero humarang agad ako. Napatampal pa sa noo si kuya lean habang pilit na inaabot ang braso ko "Give me one h-hour time chase. That's JUST what I want--"
"Then what I want is LEAVE"
"Why don't you just give her?" pilit pa akong ngumiti dahil sa sinabi ni anghel pero umiling lang si chase. Kumikirot ng sobrang ang dibdib ko!
"Tell me, why would I waste my time? I don't even know this person" huminga ng malalim si angel at tumingin na lang sa akin. D-did he just said 'waste' am I a waste for him??
"She even agree chase. Please give me time"
"Mamamatay na nga yung tao hindi mo pa pagbigya--"
"Angel!" sita nina tita kaya tumabi na si kuya lean sa akin at hinimas ang braso ko para kumalma sa kakaiyak.
"No. She's just telling the truth--but whatever it is I don't waste my time"
"Chase!~ 30 minutes~ please that's JUST what I want" naglakad na sila palayo kaya humagulhol na ako. Binuhat agad ako ni kuya tsaka sumunod kina tita na pumasok sa kabilang pinto.
"Dito ka muna anak" pinaupo nila ako sa mahabang sofa kaya napapadyak na ako sa sahig. Tumilapon pa sa kung saan ang suot kong rubber shoes.
"Tita si chase~"
"Shh shhh"
"This is a bad idea. We should call a help ma"
"Hindi pa siya magaling diba??? Hindi niyo dapat siya dinala dito!"
"Anak ibalik na natin siya, kinakabahan ako para sa kanya" tinatapik nila ang likod ko habang lumuluhod si kuya sa harap at pilit akong pinapatingin sa kanya.
"What will you choose. Come with us? Or we will bring you to lolo--OR you will stay with chase? Hindi namin alam anong gagawin kapag may mangyari sayo kaya huwag mong hayaan na kailangan ka na naming dalhin ulit kay lolo"
"I want to stay with chase for a while and after that I want to go with you kuya!" mabilis na sagot ko at pinigilan ang pagiyak kaya hinawi niya ang buhok ko tsaka ngumiti pa.
"Do you want to eat?"
"Y-yes kuya" tumango pa ako habang nakasimangot dahil gusto ko talagang umiyak pero ayoko na ding bumalik kay lolo.
"Ayos ka lang ba talaga?" panigurado ni tita quincy. Nagulat pa ako nang paluin ni kuya ang braso ko pero hindi naman yun gaanong kalakas.
"Malalaman niyo ma kung maayos siya o hindi kapag sobrang namumula ang balat niya"
"O-okay. M-mukhang alam namin ang itsura ng pula na yan"
"Ipagluluto ka namin" pumunta naman ang ibang tita sa kusina kaya nilibot ko ang tingin habang humihikbi pa.
"Who o-owned this?"
"Kina ana to anak kaya feel at home ka lang dito" napatitig ako sa sahig nang isiping humiwalay nga sina chase at ang asawa niya. They are married and they need p-privacy!!
Tumabi si tita gelly sa akin at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Pumikit lang ako tsaka hinayaang tumulo ang mga luha.
"Nagtayo siya ng sariling negosyo at may mga branch siya ng bangko kaya alam naming sa trabaho ang punta nun"
"T-tita~ samahan lang naman niya ako eh!~"
"Anak pwede mo kaming tawaging mama o hindi kaya mommy, gusto mo yun? Sina kuya mo nasanay na. Mama gusto mo?"
"Sina kuya din po ba?"
"Ikaw na lang ang kulang" tinignan ko din si kuya lean na nakaluhod pa rin sa harap ko.
"Ma okay lang ba na dito muna siya??? Hahayaan ko munang makipagbonding siya sa iba tsaka susunduin ko na lang siya mamayang gabi"
"Oo naman anak. Papabalikin namin ang iba. Pwede namang hindi muna sila pumasok sa trabaho. Alam ko gusto din ng mga yun na makipagkulitan"
"Salamat ma"
"Ma~"
"Bakit anak? Ano? May kailangan ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/239544356-288-k90627.jpg)