BREANA'S POV
Tahimik akong lumabas sa condo nina twins para pumunta sa kabila. Nilalaro ko na lang ang mga kamay dahil medyo kinakabahan ako.
Hindi ko alam paano ako makakalapit kay chase pero kukulitin ko siya. Bakit hindi niya ako mabigyan ng oras? Hindi naman na ako mangungulit pagkatapos nun eh!!
*toktok* ang alam ko nakauwi na sila at maya maya lang din dadating na si kuya blake para sunduin ako. I-I don't wanna waste this day!! Kanina pa umalis sina mama kaya medyo nakapagusap din kami nina twins ng masinsinan.
*toktok* tumingkayad ako para sumilip sa peephole kahit nagmumukha akong desperada. Sabik na akong makaharap ulit siya!
*toktok* alam ko may tao dahil kanina pa ako nagmamasid sa pinto. Narinig ko ang pagsara nito kanina. Natatagalan lang kasi ayaw niya akong harapin.
*tokt--*
"What??" bigla akong napatingala nang bumukas ang pinto. Napakagat pa ako sa labi para pigilan ang pagiyak.
"30 m-minutes chase and I will give you the rest of your life"
"I can handle the rest of my life without wasting my time with a person I don't know"
"G-give me time chase~"
"I think I remember you"
"You really should r-remember me"
"I just know you as a stupid person and I don't know anymore about you" agad kong naitikom ang bibig at tuluyan ng umiyak kaya napasinghal siya.
Hindi ko alam kung paano ako lalapit sa kanya. Mababaliw na ako sa kakaisip ng paraan! Mommy~ tulungan mo akong matupad ang pangarap ko sa huling pagkakataon!
"Pamilyado akong tao kaya kung may gusto ka man sa akin kalimutan mo na yan tch"
"Oo, mahal kita chase" tumawa siya ng konti at umayos ng tayo. Hinarang ko pa ang kaliwang kamay sa gilid para hindi niya isara ang pinto.
"Totohanan na tayo dito--"
"Okay sige. K-kilala mo pa ako diba?"
"Ang haba ng oras na binigay mo sa akin kumpara sa hinihingi ko noon. You gave me but it made me realized that I want to go in this path--by the way thanks for the time you gave me" tinakpan ko ang bibig para hindi umalingawngaw sa buong lugar ang hagulhol ko.
"I-I-I won't complain for that. You, too, heard my ending so I am JUST asking for a minutes with me. I have months befor--"
"Just keep it to yourself. Dyan ka naman magaling diba? Huwag ka na magabala pa na magsabi sa akin ng mga bagay na hindi naman konektado sa akin at lalo na't wala akong pake"
"I'll stay happy to your decisions now but I just want to wish--"
*blag* mabilis akong umatras nang isara niya ng malakas ang pinto kaya parang nabali ang mga daliri ko. Hindi naman niya inintindi yun dahil sinara niya ulit ang pinto at nilock pa ata.
"CHASE!!!" tinignan ko si kuya blake na biglang sumulpot tsaka kinatok pa ang pinto. Lumabas na din sina twins para katukin sina chase.
Yumuko ako at tahimik na napapadaing dahil ramdam ko pa rin ang sakit nun sa bawat daliri.
"G*GO KA BA?! LUMABAS KA NGA DYAN!"
"Hindi ko nakita!! Tanga ba yan?!"
"Kailangan kong makalapit. Tulungan niyo ako~" umiiyak na pakiusap ko kaya lumuhod si kuya blake tsaka minasahe ang kamay ko. It really hurts!
"Iisip kami ng paraan para sayo"
"Hahanap kami ng paraan para sayo, huwag kang magalala"
"Meron na kaming naisip" tinignan sila ni kuya at parang nagaalala pa. Medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi nina twins.
"I don't think I can allow that" hinugot ni hero ang cellphone niya tsaka meron atang tinawagan. Bumuntong hininga na lang si kuya at inalalayan akong tumayo.
"Mama gelly, I can't believe with chase! He shut the door while snow's hand was in the side!"
"Ano?!! Sandali. Sandali. Kakausapin ko muna" binaba na ni hero ang cellphone kaya natahimik kami dito. Tinignan ko na lang ang kamay kong nanginginig at namumula pa.
"Hindi ba sobrang sakit?"
"I-I-I'm fine kuya" lumunok ako at tinago na yun sa bulsa ng jacket ko. Pinainom din niya ako ng tubig kaya MEDYO nakahinga akong maluwag.
"Let's just wait here"
"We are sure he is currently receiving mama's threat"
"Tomorrow, we have our tour kaya ilang araw kaming mawawala dahil sa new york kami. Yun ang ipangrason natin tsaka sabihin niyo din blake na uuwi kayo sa US kaya walang matutuluyan si snow--"
"Hindi ko na sakop ang buhay niya, sa iba na lang"
"Chase aalis kami bukas kaya dito namin siya iiwan" diretsong sabi ni ziggy. Umakto pang susugod si kuya kaya hinarang ko ang isang braso at pilit na ngumiti kay chase na nagsalubong pa ang mga kilay "Kahit ilang araw o linggo lang, breana will stay here"
"Diba kasama nina blake to? Bakit sa akin niyo ipapasa? Hindi ako magaling magalaga ng baliw. Lalo naman nitong asawa ko! Hindi din kami hospital para bigyan niyo ng pasyente"
"Hindi baliw ang kapatid ko! B*BO ka ba?!"
"Hindi ba yun yung narinig ko? Akala ko bal--" hinarangan ko ulit si kuya kaya sina twins na ang humarap kay chase. Abala ako sa kakasulyap ng singsing nila eh! Kakainggit!!
Tinignan ko din mula ulo hanggang paa si angel. Mas sumexy siya, matura na din. Gusto ko yung style niya. I envy her so much. Akala ko noon perfect na pero hindi pala! Natatalo ako pagdating sa kanya.
"Chase sandali lang naman kam--"
"Hindi pwede"
"Ano ba angel. Si chase naman tinatanong namin"
"Pinapatahimik niyo ba ang asawa ko? Kayo na nga tong nakikiusap!"
"Chase nakausap mo naman siguro si mama diba?" tumahimik saglit si chase at seryoso akong tinignan. Sinubukan ko pang abutin ang kamay niya pero umatras agad siya para buksan ng maigi ang pinto.
"Yan naman pala!" naunang pumasok sina twins kaya sumunod ako at dumaan pa sa gitna nina chase. Napaaray ng konti si angel nang matamaan ko sa balikat. Mahina lang naman yun eh!
"You!" nagulat ako nang hawakan ng madiin ni chase ang braso ko tsaka pwersahang hinarap sa kanya. Tumingin na lang ako ng diretso sa kanya "Why--"
"Easy with that! Sensitive pa yan sa itlog chase kaya pakiusap lang, kakagamot lang namin sa kanya!" inilayo agad ako ni kuya habang humaharang naman sina twins. Pumasok na lang sina chase sa isang pinto kaya tinulak ko ang iba palabas.
"Breana ihahatid na lang namin bag mo dito"
"Breana--" sinara ko agad ang pinto tsaka kinakabahang sumandal doon. Pinakiramdaman ko ang paligid dahil naririnig ko ng konti ang boses nila sa loob.
"Hehehe baby be careful"
"Ano gustong kainin ng baby ko? Hm?"
"Hehe baby anything"
"Para sa baby ko"
"HAHAHAH baby naman! Sumasakit ang tiyan ko~"
"I'm sorry"
"Hehehe it's okay, I love you"
"I love you too" mahigpit kong tinakpan ang bibig at tahimik na umiyak. Ako lang nagsasabi sa kanya ng ganyan! Para na akong baliw dito sa kakaiyak! Nung kinasal ako, hindi naman kami ganito ni mark, ganito ba talaga dapat ang magasawa?
Nilibot ko ang tingin at mas nasaktan lang dahil sa malaking picture frame na nakasabit sa gitna ng sala. W-wedding picture nila, they are both smiling. Naiinggit ako. I wish ganyan din ako nung kinasal ako sa taong mahal ko.