Chapter 18

46 1 0
                                    

BREANA'S POV

"Omg! They are finally here again!!"

"Guys nandyan na sila!"

"Mom magtago ka na muna!"

"Waaaaa!!" nakayuko lang ako habang nakaupo sa wheel chair na tinutulak ni dad. Bagong gising ako kaya okay lang na dumiretso kami dito kahit kakarating lang namin.

Palapit kami sa malaking mausoleum kaya lumabas ang iba para salubungin kami. Kami na lang ata ang kulang para makompleto.

"Liam! Glad you come here finally! Long time no see! Mga anak mo lang bumisita dito noong nakaraan!" sinalubong agad sila ni dad kaya sina kuya na naman ang nagtutulak sa akin papasok. Masaya sila dahil hindi na nga talaga nagpapakita si dad simula nung nawala si mom.

Nakasunod pa rin sina tito warren at mark dahil wala naman silang ibang kakilala na malapit. We treat them as our family tho. It's just that, we meet others VERY often that's why we don't have chance to introduce them.

"Daddy!!" tumakbo na yung iba palapit sa amin lalo na yung mga anak ni kuya lean na binuhat niya agad. I don't know why they look so excited yet I'm still not ready to look in their eyes.

"Omg!! How are you??"

"Are you all having fun outside??"

"How was it??!"

"Ilang buwan na ba yan? Malaki na ba?"

"Woaaahhh can we see it?! Hindi halata eh!"

"Ano kaya magandang ipapangalan dyan? HAHAHA magiisip na ako kyaa"

"Ninang at ninong kami ha?! Walang limutan!"

"So si chase nga talaga?!!"

"Really?!! Totoo ba??!"

"What the!!"

"Ano kaya itsura?! Maputi kaya katulad niya?! Kyaa parang foreigner ang dating ganun!!!" hindi ko pinansin ang tanong nila dahil hindi ko maalis ang tingin sa cremate jar habang pinapagitnaan ng dalawang nitsyo. T-that must be lolos and mom.

"Chase huwag ka muna lumapit! Alam mo namang galit pa ang mga yan!"

"Tss huwag niyo talaga ipalapit"

"Ahhh so ano??!! Are you here for good? Sana naman please! We really miss you all!!!"

"We are not sure jane"

"Awwww~" tumayo na ako tsaka dahan dahang humakbang palapit doon. It's my first time to see something like this and our love ones are inside!! It hurts more than I think!

Naalala ko yung kinwento ni lolo zack tungkol sa aksidenteng nangyari. Yung piloto daw nakapagreport at nakahingi pa ng tulong gamit ang aircraft radio. Hindi lang yung bagyo ang dahilan kung bakit bumagsak ang helicopter.

Nahanap mismo sa boundary ng US ang mga labi nila. M-masakit dahil habang nasa ere pa daw sila ay may emergency talagang nangyari. Hindi na humihinga si mom at 100% daw patay na. Alam ko walang kagamitan noon at wala na ata silang nagawa dahil bumigay mismo si mom sa kalagitnaan ng gabing yun.

Nakarating na ako sa tapat ni mom kaya lumuhod ako at yumukong humagulhol. Mas masakit siya kumpara sa iniisip ko lang noon. Masakit kapag nakikita mo ang pangalan niya--NILA sa lapida na nakadikit sa sahig

Sobrang mahal na mahal ko sila at mas nakakasama ng damdamin ko ay hindi man lang ako nakadalo sa libing. Pinili ko pa ang manghina kesa masilayan sila sa huli!!!

Tumahimik ang paligid kaya tinakpan ko ang mukha at bumagsak na ng upo sa sahig. Kung hindi lang siguro ako buntis kanina pa ako nangisay. Kung hindi lang ako buntis nakasama ko na sila.

"Breana~" alam ko noon pa ang lagay ni mom tsaka iniisip kong hindi magkalayo ang kondisyon namin. Sa aming dalawa ni kuya blake, ako lang ang apektado at ako lang ang pinanganak na iba.

Sinabi ko noon na kapag may mangyari kay mom o sa akin ay sasamahan namin ang isa't isa. Alam ko maiintindihan niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon, pisikal o emosyonal. Madami siyang alam dahil sa mga napagdaanan niya.

Sasamahan ko siya!! Hindi naman agad mamamatay ako kapag sisimulan ni lolo ang project niya sa akin. Kumbaga lahat ng gamot, gamit o paraan ay idadaan sa katawan ko para subukan kung gagana ba. Sabihin na nating paglaruan ako.

Malaki ang tiwala ko kay lolo kaya alam kong matitigilan niya kung ano man ang meron sa amin. Parehong mga babae ang anak ni kuya lean pero si bella lang ang nagkaroon ng birth mark. Yun lang ba yun? Mas mabuting handa ang lahat kapag darating ang araw.

Matagal na akong handa dahil sinuko ko na ang buhay noon pa. I am ready to be an ash and kill my mistakes--regrets that I've been carrying all the time.

Hihiga na sana ako nang may humawak sa akin para iayos ako ng upo. Tinignan ko si dad na binaba ang hood ng jacket ko. May bonnet pa naman akong suot.

"P-promise me dad*hik*you will p-put me next to m-mom"

"Not yet"

"I don't wanna live anymore~" umiling siya at tinignan muna sina kuya na nasa likod ko. I don't want to make them cry but I don't even want to live crying.

"Your mom feels that. She almost gave up before but she was strong and fight while we got separated"

"Almost--but I already did and I am not like her dad. I'm weak"

"No, you're not"

"I am!" pinunasan niya lang ang mukha ko tsaka binuhat na ni kuya blake. Agad kong sinuot ang hood pero nakita ko pa rin si c-chase sa di kalayuan. Nagtitigan kami saglit bago ako maidala sa itaas na bahagi nitong mausoleum.

ANA'S POV

"P*ta sabi na eh!" naalis ang tingin ko kay snow na nasa itaas habang tulala lang sa langit. Dito kami magpapalipas ng gabi.

"Tinanong mo?"

"Hindi pero nakausap ko si blake. Hindi man lang nagsabi na lumipad papunta doon! Kaya pala tahimik ng ilang araw sa dorm niya!!" umiling na lang kami sa sinabi ni clyde. Nandito kami sa labas dahil mas nakikita namin si snow. Ang lungkot talaga ng mukha parati!!

"Sinabihan na ba ang iba?"

"Nagingay nga kanina sa loob sina mama dahil kompirmado ata kahit hindi sabihin ni chase"

"Saan pala siya?"

"Hay nandun sa sulok! Ayaw na namang makihalubilo kahit sa atin" may naalala ako bigla kaya umayos ako ng tayo at tinignan sila isa isa.

"Tanungin kaya natin sina reana kung babae ba o lalake ang anak nila??"

"Ano! Wala ding alam ang mga yun. Sabi nga ni uno wala din masyadong update sa kanila. Ayun sina mama wendy, gulat din"

"HAY BAHALA NA!" nagkatinginan muna ako kami ni mel tsaka nagtatalon na sa tuwa. Hindi ko alam pero masaya pa rin ako dahil nabuntis niya si snow!!

"KYAAAAA!!"

"T*ng*na tumahimik kayo" sita ni gene pero bumelat lang kami sa kanila tsaka tumakbo papasok sa mausoleum. Agad namin silang nakita kaya dumiretso kami doon. Makikinig na lang kami sa pagtitipon nila!

"Liam sorry sa huling nangyari sa kanila pero makikiusap pa rin ako. Kahit isang linggo?"

"Ma, hindi"

"Blake~ bibisita kami palagi tsaka doon lang sina tim. My son can offer a new room for her to avoid them from seeing each other too often and you brought her security. She can have them there. Kung mag-away edi may aawat agad tsaka para hindi na hassle kay snow"

"Sigurado ka ba dyan sa offer niya ma? Wala na akong tiwala sa lalakeng yan lalo na tong si blake"

"Ma~ aawayin talaga niyan si breana tsaka bakit hindi siya ang humarap sa amin?! Takot ata si g*go!!" napatingin ako saglit kay chase na diretso lang ang tingin sa sahig. Wala nga ata sa mood makisali!!

"Anak kami na nagpumilit huwag muna siya gumawa ng kahit ano dito dahil alam naming galit pa kayo. Huwag tayo magaway dito"

"Hindi naman kami maghahamon ma eh depende na yun kung uunahin niya"

"Hay naku!"

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now