BREANA'S POV
Komportable lang kaming nakaupo ni chase dito sa sofa habang nakasandal siya sa likod kaya ako naman sa may dibdib niya. Alas otso pa ng umaga pero gising na gising na ang diwa namin.
Manunuod lang sana kami ng palabas kaya lang mas trip namin maghalikan buong magdamag. Hindi pa naman sumasakit ang mga panga namin kaya bakit kami titigil haha. Ito at hanggang dito lang ang trip namin tutal tapos na naming isatisfy ang isa't isa kagabi.
*criing* tumigil agad ako at lumingon sa phone niya pero patuloy pa rin siya kaya sa may leeg ko siya nagtuloy. Kung h-hindi ako nagkakamali si a-angel ang nasa likod ng 'baby' caller name na yan.
*criiing*
"I can answer that later please go back"
"I-I think you should answer that. It's your wife chase" napatingin na siya sa akin at tinitigan ako. Ngumiti naman ako para ipakitang okay lang--kahit dinudurog na ang puso ko dahil wala nga akong karapatan.
"Give me a m-minute" mabilis siyang tumayo at kinuha ang cellphone tsaka pumasok sa kwarto. Napatulala ako saglit habang napapangiti ng mapait. I still can act okay like before.
Huminga muna ako ng malalim tsaka tumayo na at inayos ang sarili. Mabuti siguro pumasok na sa trabaho si chase baka magwala pa ang asawa niya kapag nalamang ganun nangyari--dahil sa akin.
"Mahal anong gusto--"
*cring* sakto namang paglabas ni chase sa kwarto ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at unknown number pero alam ko na kung kanino dahil tanda ko pa ang number niya. Hindi ko na sinave kasi makikita't makikita yan ni chase.
"Is that your husband??" kunot noong tanong niya kaya umiling ako. Lumapit siya tsaka lumuhod para halik halikan ang tiyan ko. Nakangiti pa siya "It's not that fvcking one, right?"
"Hmm" umiling ulit ako pero nasa tiyan ko na ang buong atensyon niya. Bakit pa kaya tumawag to??! Diba usapan namin wala ng kontakan sa isa't isa basta alam ko pa rin lugar ko?!
*criiing*
"Sagutin mo na mahal, baka magising si baby hehehe" sabi ni chase sabay halik ulit sa tiyan ko kaya lumunok muna ako tsaka sinagot na yun. Pinilit kong ikalma ang sarili para hindi siya magtaka.
"G*GO KA TALAGA!!! Balita ko buntis ka din kaya makakaganti din ako sayo p*ta kang kabit ka!!" nagkatinginan kami ni chase kaya ngumiti ako at hinimas ang likod ng ulo niya. Hindi naman niya rinig kaya okay lang pero ano kaya nangyari sa tawag nilang dalawa? "Ilang araw na daw hindi umuuwi ang asawa ko dyan sa condo namin!! Saan mo dinala ang asawa ko?!!! Kabit ka!!!--gel you have to calm down--no dad! Gaganti ako!--I'll finish that woman the moment I'll see her--yes dad! Do it!"
"Y-yeah I'm fine" i-ipapadampot ako?!! Bigla ko na naman naalala yung mga mapait na nangyari 9 years ago. Muntik ko na makalimutan yung dahilan kung bakit tuluyang nasira ang buhay ko at ang anak namin ni mark "Nasa mall kayo ngayon ni h-hanna?"
"WHAT ARE YOU SAYING?!! Kaya kong maging kriminal snow kapag tuluyang maagaw mo na naman ang asawa ko!! ASAWA KO!! Asawa ko na yan! Lubayan mo na yan!"
"Sige. P-pupunta kami" tumayo si chase tsaka ngumiti at hinalikan ako sa labi na alam ko namang rinig sa kabila. He still don't have any idea. Natatakot ako pero baka masira ko nga ang p-pamilyang to.
"SO HE'S THERE?!! Hintayin niyo kapag nakauwi na ako--"
"Gusto mo ba pumasyal? May lakad ako pero sige susunod agad ako sa inyo. Mas mabuti hindi tayo nakikita ng mga tao na magkasama sa labas, baka uminit lang ulo"
"HAHAHAHA kabit ka nga pala!! Kabit! Kabit! Kabit! Ibalik mo ang asawa ko kung ayaw mong tapusin ko buhay ng anak mo!! Gusto mo matulad dati?!! Tignan natin kung mabuntis ka pa ulit! Why can't you just stay with your husband!?!! Kating kati sa asawa ko eh!"
"Sige s-sands. Sasama na lang ako kina a-ana"
"ISASAMA KITA SA LANGIT!! Alam mo ba anong gusto mangyari ng asawa ko sa amin?!!! Alam ko nagtutuwa ka ngayon at kung sino man yang kasama mo para itabi kami ng asawa ko!!! He's trying to annul our marriage! Hindi ka ba naaawa sa isang taon naming anak tapos may ikalawa pa!!! Wala ka talagang puso!!"
"Sige dyan na lang tayo m-magkita"
"Baka gusto mong lumuhod pa ako sayo para layuan mo asawa ko?! Kung mangyari man ang gusto niyo kasuhan ko kayong dalawa lalo ka na! Ikaw ang ididiin ko!! Pera sa pera? Hindi mo ako madadaan sa ganyan!!" nakatitig lang si chase sa akin kaya ngumiti ako sabay hawak sa pisngi niya. Wala na akong masabi pa. Tama siya lahat lahat. Ano ipaglalaban ko? May karapatan ba ang mga kabit? Diba wala? "MALAPIT NA AKONG UMUWI!! MALAPIT NA!! Legal laban sa kabit. Let see who will win. Mas mabuti pang ituloy mo sa kulungan yang pagiging makati mo. Doon kahit sino pwede mong yayain makipagtalik!"
"Okay bye sands" binaba ko na kaya agad na tinapon ni chase sa sofa ang cellphone tsaka pinaghahalikan ako sa leeg. Hindi ko pa rin pinapahalatang takot ako at humagikhik. Yes, I can act. Pero totoo yung magkikita kami nina sandy, kagabi pa kami nagtetext para sa lakad namin ngayon.
"May lakad ako pero mamaya na ako aalis kapag nasundo ka na nung mga baliw na yun dito hehe syempre ayaw ko iwanan asawa ko dito~"
"By the way, what happened to your call?"
"Ahh n-nothing--so let's eat? Magtampo pa anak natin haha"
"O-okay"
***
Umayos ako ng upo habang nalantakan ang french fries sa harap ko. Nandito pa rin kami ngayon sa malaking resto kahit maggagabi na. Ang hahaba ng kwento at hindi man lang tinuyuan ng laway!
Gumraduate sila kasama nina twins pero pagkatapos nun nawala na lang daw bigla. Hindi na nagparamdam at nahihiya na ding lumapit nung nalaman nasa showbiz na ang mga to. Hindi na din daw nila ako nakikita kaya hindi na sila nagabala pa magparamdam.
Tapos nung una sinubukan daw nilang puntahan sina ana dun sa dating bahay pero wala na sila at nabalitaan na lang nilang sikat na. Ang dami pa nilang kinuwento kaya medyo napatagal din ako sa pagkain.
"Hindi talaga ako makapaniwala sandy! Paano si Gene???! Hinanap ka pa naman niya!!"
"Huh?!" sabay naman silang napatingin sa isa't isa kaya napatakip ako sa bibig habang naiilang na tinignan ang iba na nagulat din sa revelation ni mel. Walang preno ang bibig!!
"Bakit ko naman siya hahanapin?!"
"Hahaha ikaw talaga!!"
"Umasa ka naman??" biglang awkward ang paligid kaya tumayo ako at hindi na nagabala pa magpaalam na umalis. May dapat pa silang dapat pagusapan, wala na ako dyan may problema pa ako eh.
Tahimik naman akong nakalabas doon kaya napatingin ako sa paligid. Nagdate kami dito noon ni c-chase. Babalikan ko ang mga l-lugar kung saan wala pa kami ibang inisip.
Can I walk a-alone in these c-crowded place? What if someone will kidnap me again? Hindi naman siguro. B-bago pa lang ako pinagbantaan ni angel eh kaya nagpaplano pa lang yun ngayon o hindi kaya naghahanap pa yun ng tauhan na t-tutumba sa akin.
Sinuot ko muna ang hood ng jacket at nakayukong naglakad. Pipilitin ko ang sarili na maglibang. Wala pa si chase, ewan kung may balak pa na pumunta dito. Kakatawag lang ng asawa eh.
