Chapter 24

36 0 0
                                    

BREANA'S POV

Tulala lang ako sa labas ng malaking bintana--dito sa opisina ni chase. Busy ata siya dahil may mga empleyado ang bumabalik dito para humingi ng pirma. A busy man for the future of his f-family. No doubt.

Akala naman kasi ng doctor kanina sa clinic dahil lang sa stress ang bleeding. If that was lolo, he will immediately call other expert to check me or otherwise he'll ask me again about abortion--l-like how chase really wanted. That bleeding was a bad sign. Twins agreed not to tell anybody since they really want chase to a-accept the child.

*sip* kinagat ko lang ang labi para hindi ako maiyak. Lumingon ako sa direksyon nila pero yung isang empleyado naman ang bumungad sa akin. Madami kasi sila para ipasa ang report kay chase.

"Yah yah kabit talaga"

"Kawawa ang magasawa!"

"Naaawa ako kay mrs.dutchwell"

"Mas kawawa si boss kase biruin niyo, tapat si boss sa misis niya tapos dikit pa rin nang dikit to"

"Ang landi talaga ah kumakapit talaga"

"Woaah mahirap ba siya? Pero hindi naman halata sa kutis niya"

"Tress aga natin?" tanong sa akin nung babae kaya yumuko ako habang inaayos ang hood ng jacket. Nasasaktan pa ako kanina tapos ito naman sila!

Hindi naman kumibo si chase eh kaya kampante akong hindi niya alam anong meaning o w-wala lang talaga siyang pakialam? Tapos busy din siya. Kabit ba talaga ako tignan? Hindi naman ako pilit nanghihimasok sa magasawa ah?

"Give me an IMMEDIATE report if this case was done"

"Yes sir"

"Okay we are done. Tawagin niyo agad yung secretary ko sa baba"

"Sige po sir" isa isa na silang lumabas kaya pinakiramdaman ko ang paligid since paa lang nakikita ko. Secretary?? For w-what? HE REALLY CHANGED! Why he's calling her?

"Tress, nagpalit pa talaga ng pangalan para hindi makilala?" nilaro ko lang ang mga kuko sa daliri habang nanginginig na ang baba ko. Did he even care after he had s-s*x with me? Or that bleeding incident at least? "Huwag na huwag mo akong maiyak iyak sa harap ng bisita ko mamay--"

"O-okay" tumango pa ako para matigil sa pagsigaw. Hindi naman ako umiiyak ah? S-sipon ko lang yun kanina. Masakit talaga sa puso, isip--lahat lahat! Paano na lang ang anak niya kung ganito siya palagi sa akin?? Paano ako mamamatay ng payapa kung may galit ang tatay sa nagluwal??

*toktoktok*

"What?"

"Ahh sir delebro has arrived" pumasok na yung secretary niya at yung isa pang matandang lalake na nakasuit. Mabilis namang sinalubong ni chase habang ang secretary sinasadya atang harangan ako.

"Haha how's my daughter with you? So where is she??" kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang paa nung lalake na tatay ATA ni anghel. Parang gusto ko na humagulhol!! Nasulyap ko pa kanina ang biglang pagngiti ni chase.

"Doing good dad"

"Okay, I know you're a good husband to your wife hahah I just really want to ask you that since I was from other building edi dadaan na lang ako dito"

"May gusto po ba kayong kainin?"

"Wala hijo. Sa katunaya--"

"Chase--" nagangat ako saglit ng tingin tsaka nagulat nang makita si ate jane na may dala pang mga pagkain. Natigil din sina chase at yung tatay ni angel "Hala sorry may kausap pala"

"Ay hindi ayos lang. Break niyo ba hijo? Haha sige kumain na kayo. Aalis na din ako. Ikamusta mo na din ako sa mga magulang niyo"

"Sige dad" hinatid pa ni chase sa may pinto kaya bumagsak na ang balikat ko dahil sa s-selos. If possible I don't want to be so sensitive it comes to a f-family BUT I really can feel the PERFECT family he chose! "Wrong timing mong bumisita tss"

"Hindi mo naman sinabi may bisita ka pala! But anyways--you can leave first" umalis na yung secretary kaya tinignan ko lang si ate jane habang pinipigilan na naman ang iyak. Pinatayo pa niya ako at inangat ang dalang pagkain "KAKAIN TAYOOO!~"

"Huwag dito! Sa labas lang kayo. Ano ba talaga sadya mo?"

"Ang sama ng ugali! Kakain lang naman kami ni snow!!"

"Ayoko nga! Ano ba sadya mo?"

"Itong invitation nga! Nagemail na ako sayo ah!"

"Para saan?"

"Alumni homecoming ng batch ninyo so BOTH of you better attend that. Timing nga eh nandito si snowy haha pumunta ka sumabay ka na lang kina ana" sabi ni ate jane sa akin pero tinignan ko lang si chase na hinahanda ang dalawang baso ng alak sa mesa na parang niyayaya pa si ate.

"We were not even graduates there so what's the point? Tsaka baka papahiya lang yan dun--"

"CHASE!" pagputol ni ate pero tumawa lang ng mahina si chase. WE WERE NOT GRADUATES? Including him? Nagaalala ako bigla! Tumigil ba siya? Lumipat? Isa din ba yan sa dahilan bakit galit na galit siya? A-ako ba dahilan?? "Since snow is already here why not attend too?? You don't have to say something mean to her!"

"Pake ko ba sa kanya--ayoko umattend. Sayang lang sa oras"

"Sayang ha!!? Yan na lang palagi mong excuse! Snow is going to attend so you better watch her because she's preggy and--yaaay by the way!" pinaharap ako ni ate sa kanya at nagtatalon pa sa saya habang tumitili. Hindi ko alam ano ang gagawin kaya napahawak na lang ako sa tiyan.

"Sh*t! Maghinay hinay ka!" tumigil kami nang sumingit si chase sa gitna at nilayo si ate. Naiintindihan ko, muntik na ako masugod sa hospital kanina kaya siguro natakot na "Gusto mo bang tamaan ang anak ko?!"

"Nagagalit ka? Natuwa lang eh"

"Hindi mo kasi alam--"

"Bakit?? Ano na naman ba ginawa mo sa kanya? Ano?! Muntik mo malaglag?! Tell me snow"

"I-I'm fine ate" yumuko ako at hinayaan si ate jane na tumakbo palabas. Iniwan pa niya ang pagkain sa maliit na mesa kaya umupo na lang ako sa tapat nun.

"HINDI AKO KUMBINSIDO! Isusumbong kita chase!!"

*blag*

"Pwede ba?!?? Huwag mo masyadong ipagmalaki tong anak ko sayo! Hindi ko talaga alam eh mas natutuwa pa sila sa anak ko sa labas!?"

"I think y-your child doesn't deserve to be c-called like that"

"DAPAT LANG YAN!!! Apilyedo mo ang kukunin niya dahil nakakahiya kapag sa akin!! Sustento ba kailangan mo o ako talaga??! Haha"

"W-wala"

"Dapat yung asawa ko ang nilalapitan nila, hindi ikaw!"

"H-huh?"

"HUH?! P*tang*na mauna ka na nga lang umuwi TRESS! Bagay sayo! Ang pangit mong pumili ng pangalan!"

"O-okay" lumabas agad ako habang nakatakip ang bibig. May empleyado pang papalabas sa elevator kaya ang lagkit na naman ng tingin sa akin. Saan si ate jane??! Nawala agad!! Minuto pa lang ata yun o segundo!!

"Tress. Bagay nga sa kanya hahaha kaya ba nagwalk out si ate jane?"

"Yaaa lapit nang lapit kay boss haays desperada! Hindi naman empleyado dito at ngayon lang din natin nakita"

"Agree ako dyan haha" kinagat ko lang ang labi at diretso ang lakad. A-anak sa labas? Kahit hindi ako yung anak pero nasasaktan ako. Nakakahiya na din dito dahil sa h-hinala ng mga emopleyado.

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now