BREANA'S POV
Nandito ako sa labas ng building nina tito-papa para hintayin sina chase na lumabas. Ayokong magpakita sa kanila dahil sobrang pangit ng itsura ko tapos baka magulat sila sa ulo ko!
Nagtatrabaho si angel kina papa kaya ininvite si chase para sa photoshoot na iniendorse. Kahit buntis nagmomodel pa rin at patok din yung magazines niya!
Nasa tapat ko ang kotse ni chase kaya kapag aalis na sila makakasama na ako. Hindi naman ako nakikilala agad dahil sa suot kong hoody jacket tapos pants pa--palagi ko namang outfit yan. Wala ng iba.
*sigh* tumayo agad ako nang marinig ang mabigat na pagbuntong hininga ni chase. Napamewang pa si angel kaya kagat labi akong yumuko ng konti.
Inalalayan muna ni chase ang asawa na maupo sa passenger's seat at haharap sana sa akin pero tumakbo ako sa back seat para doon pumwesto.
"Saan tayo?" tahimik lang naman sila at pinaandar na ni chase ang sasakyan. Sa tingin ko, nakapagdesisyon silang hindi ako pansinin! Habang buhay ba? Parang wala ako dito eh!
Naiiyak akong tumingin sa labas dahil silang dalawa lang naguusap ng bagay na magasawa lang nakakaintindi. Wala na akong ibang mararamdaman kundi sakit na lang talaga!
Sumandal na lang ako at nilaro ang mga daliri sa kamay. Papunta kami sa mall kung saan malapit lang din. Wala ng iba pa. DATE. They will be having time for each other!!
"Baby where do you want to go?"
"Ahhh punta muna tayo sa cosmetics hehe" ngingiti sana ako pero naalala kong si asawa pala ang tinutukoy na baby. I-I want to a-a-ask him that too. Why? When? Nananadya ba siya dahil n-nandito ako? Para saktan ako? Para makaganti?
Lumabas na sila kaya sumunod agad ako at niyakap lang ang sarili habang nayuyuko ng konti kapag may ibang tao na dumadaan malapit sa akin.
H-hindi ba niya ako tatanungin? Gusto ko NA KUMAIN. Chase~ sa kainan tayo please~ kaya ko namang magtiis kaso naiinggit talaga ako kay angel!!! NASA KANYA NA LAHAT!! SIYA PALA PERFECT AT HINDI AKO YUN!!
Lumayo ako ng konti sa kanila pero pilit ko pa ring sinasabayan ang bilis ng mga lakad nila. Maybe--I don't want to ruin their moment?? Mas malapit MAS hindi ko kaya!!
"Sigurado ka? Kumain na lang kaya muna tayo? Dyan oh. May jollibee"
"Jollibee?? Again?? So cheap, kuripot mo talaga--but I'm pretty sure babe--"
"Penny?" napatigil ako tsaka mabilis na hinila ang lace sa hood para sumikip pa yun. Kinabahan ako bigla dahil ayokong may makakita sa pangit kong itsura.
Sumilip ako sa kanila mula dito sa likod nina chase at agad ko namang nakita si bubwit kaya niyakap ko siya. Nakatingin lang siya sa ibang direksyon
"Bubwit~" gusto ko matuwa pero gusto ko ding maiyak dahil ngayon ko lang ulit siya nakita o napansin simula noong dumating ako.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para tumingin siya sa akin. Medyo lampas na ang height niya sa akin! She grown so fast!!! She is so beautiful b-but her face look so serious!!! Hindi pa ako tinitignan sa mga mata.
"K-kuya" tinignan ko si chase na galit habang nakaharap kina penny at rox. M-magkahawak kamay pa yan kanina eh? Are they d-dating? Halatang ayaw ni chase dahil nagsalubong ang mga kilay.
"What are you doing?! You are supposed to be in school--not here dating!"
"K-kuya we aren't--"
"Sumasagot ka pa ngayon?!" inakbayan ko na lang si bubwit dahil lumapit din si angel at kumapit pa sa braso ni chase.
"Penny ang bata mo pa, nakikipagdate ka na"
"K-kuya chase--ano kase nililigawan ko si penny" nakayukong sabi ni rox tsaka palihim pang sumenyas kina william at kelvin na nasa likod lang. N-nakakatakot nga naman si chase. MAS pa ngayon.
"You think I will allow you?" tumakbo sa tabi ko si penny kaya inakbayan ko din siya tsaka takot na humarap kay chase. Lumayo naman agad si bubwit sa akin.
L-lahat naman ata kami dito ay takot kay chase maliban lang kay angel. He changed a lot and I can't blame them. M-my chase is SO different now.
"Penny wasn't d-doing--"
"Huwag ka makisali dito. Hayaan mo na si chase"
"Bakit ka nakikisali? Anong alam mo sa pagdidisiplina?? Sa sarili mo nga hindi mo magawa"
"Nasa tamang edad naman sina penny. Wala ng masama dun. Alam na nila ang dapat at hindi nila d-dapat gawin"
"NOW WHO'S TALKING" tinulak ako ni chase tsaka hinila si penny palayo. Wala akong nagawa kundi tapikin si bubwit sa balikat para makasunod agad "Let's go home!"
"Kuya naman kase!" nakalabas na kami kaya sinundan ko agad si penny sa back seat. Kakarating lang namin eh! Parang sinundo lang si penny dito!!
"Kanino ka natuto nyan??! Doon ba sa angela na yun?! Alam ba ni mom to?!"
"Ano?! Grabe ka naman kuya! Hindi ba ako pwedeng makipagdate??! Ikaw nga kahit ayaw naming lahat na magpakasal ka dyan sa angel na yan--ginawa mo!"
"What??!!--"
"Kaya hindi mo ako mapipigilan! Tsaka alam ni mommy!!!" napatigil naman si chase sa pagseatbelt at humarap dito sa amin, si angel natahimik din.
"Huwag mo akong sagot sagutin ng ganyan! Kuya mo pa rin ako!!"
"Nagtatanong ka diba?!" dumikit lang ako dito sa gilid dahil sumisiksik din si penny sa akin habang nakayakap na umiiyak.
"I-it's okay penn--"
"Tumahimik ka!!! Walang kwenta yang sinasabi mo!!!"
"Huwag mo nga pagsabihan ng ganyan si ate snow!! Mas gusto pa naming siya ang napangasawa mo kesa dyan! That's what everyone is thinking" lumingon na din si angel sa amin habang sumasama ang tingin sa akin. Siya ang asawa kaya siguradong sumama yung pakiramdam niya.
"Anong sinabi mo penny?"
"Huwag ka ng makinig sa kanya. Wala na silang magagawa" nagtama pa ang tingin namin ni chase pero umiwas agad siya at pinaandar na ang sasakyan. Mas natakot pa ako.
"Ang hirap nito chase eh!! Lalo na kapag ayaw lahat ng mga malalapit sayo! Ano ba ginagawa ng babaeng yan?!!"
"Wag mo ng intindihin. Walang kwenta ang babaeng yan sa buhay natin. Wala tayong pakialam sa iba. Ang mahalaga magkasama tayo. Desperada lang yan kaya ginagamit sina mama para sirain tayo" niyakap ko ng mahigpit si penny at tinago ng konti ang mukha para hindi makitang umiiyak ako. M-masakit.
Napatingin ulit sa akin si angel tsaka pinaghahampas ang tuhod ko. Medyo nakaharang si penny kaya minsan siya ang natatamaan. H-hindi naman siya p-pinipigilan ni chase.
"Ikaw!!! Gusto mo talagang pumasok sa buhay namin ng asawa ko!" hinayaan ko na lang siya kase ako naman talaga may kasalanan. Yumuko ako at pinigilan ang sarili na hindi humikbi.
"Huwag mo nga saktan si ate snow!! Naiinggit ka kase siya tanggap nina mommy!!"
"Ako pa talaga naiinggit?!!--ikaw babae ka!!! Sinisira mo talaga lahat!!! Maninira ka!!! Wala kang ibang ginagawa kundi ang sirain ako!!!"
"Calm down, baka mapano ang anak natin" sabi ni chase pero tinabig lang ni angel ang kamay niya at humarap na sa kalsada. Gusto kong umiyak ng malakas pero magagalit lang lalo si chase.
"Umuwi na tayo!"
"Isusumbong talaga kita kay mommy!! Alam mong galing lang sa gamutan si ate snow tapos sinasak--"
"PENNY!! Tumahimik ka na!!"