Chapter 32

35 0 0
                                    

BREANA'S POV

Umayos ako ng upo dito sa sofa habang kunot noong tinignan si chase sa tapat ng lababo. Parang bumuntong hininga siya tsaka tumalikod na sa akin.

*toktoktok* kanina pa may kumakatok kahit nung paggising ko. Hindi naman niya pinapansin yun kaya tumayo ako at pupunta sana doon nang magdabog si chase.

"Don't ever think opening the door"

"S-sino ba ya--"

"Makinig ka na lang!" humakbang ako kaya bigla siyang tumakbo doon para harangan ang pinto. Matalim niya akong tinignan at nakaturo pa sa akin "MOVE"

"Sino--"

*toktoktok* nagkatinginan lang kami habang papalapit ako doon. Hindi ko naman basta na lang bubuksan dahil takot din ako, kaso lang kanina pa niya hindi pinapansin kaya nagtataka ako kung sino yung nasa labas.

"Lumabas ka na dyan! Alam ko nandyan ka!!"

"J-JUST--MOVE" mahina pero madiing sabi ni chase sa akin habang tinatabig ako sa balikat. Sisilip sana ako sa may peephole kaso hinawakan na niya ang leeg ko "MOVE"

"Is he looking for y-you?"

"Wala ka ng pakialam doon. Umalis ka na dito kung ayaw mong malintikan sa akin"

*toktoktok*

"P*tang*na nakita ko yung kumakalat na picture niyo ng girlfriend ko, galing kayo sa motel!!!" napatitig lang ako sa pinto nang marinig yun. Maybe it's just a r-random guy who wants to confront the man who messed with his woman. Ilang b-babae ba c-chase?

"ALIS"

"Sisilip lang a-ako kung sino--"

"Hindi ka ba nakikinig???" hindi pa rin niya binibitawan ang leeg ko kaya nasa kanya na naman ang tingin ko. Yuyuko pa nga sana ako pero hinigpitan niya ng konti.

I feel the spark between us but I cannot see it. H-how? Nagtitigan muna kami ng ilang minuto habang tinatabig niya ang mga kamay kong sinusubukang alisin ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Tutal nagmamagaling ka. Gusto mo magpakitang gilas diba? Sige! Hindi kita pipigilan basta siguraduhin mong tatahimik ang mga yan. Tatabi lang ako dito at hindi makikialam--para naman matuwa ako sayo kahit konti"

"I-I want to protect you at least as long as I l-live"

"Nagpapatawa ka pero hindi pa rin ako natutuwa. Sige, harapin mo na ang mga yan. Tignan natin saan ang kalalagyan mo haha"

"Hhmm" lumayo na siya ng konti para masigurong hindi siya makikita sa likod ng pinto. Napakagat naman ako sa labi dahil medyo nanginginig ang baba ko. I just want to h-help him~ bakit nagagalit siya?

Mahigpit kong hinawakan ang pinto at binuksan ng konti para kalahati lang ng mukha ko ang nakikita. I d-don't know him but the girl behind is familiar. She's the secretary! The man look so rich but his girlfriend is working with c-chase?? Was this p-p-planned?

"And WHO the hell are you?!! Hinahanap ko si chase!! Alam kong nandyan yan sa loob kaya ilabas mo na!!" hinampas pa niya ang pinto kaya pilit siyang inaawat nung secretary na umiiyak. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ano ba~ umalis na tayo. Last year pa yun--"

"Last year?! T*ng*na!! Ibig sabihin noon mo pa ako niloloko! Kung hindi dahil sa picture hindi ko malalaman na kinuha ka pala ng lalakeng yun!"

"Oo, hindi ko sinabi pero noon pa yun!! Umalis na tayo! Wala na ata siya dyan"

"Amo mo yun diba?!! Saan siya ngayon?! Baka ikaw din nagtatago sa kanya!!"

"Hindi nga! Baka umalis na yun. Tignan mo, iba na nakatira dyan!!" sabay silang lumingon sa akin kaya kitang kita ko ang kaba sa mga mata nung babae. H-hindi naman kasi last year LANG--kung meron nga talagang issue sa m-motel.

"Sino ba to?!--may number ka ba nung asawa niya?!! Alam kong nandyan yan kaya huwag mo akong lokohin! Gaganti ako mga p*tang*na niyo!!"

"He's not here"

"Sino ka ba?! Kung katulong ka, sabihin mo sa amo niyong ugok na aabangan ko ang mukha niya dito sa labas!!"

"Wala s-siya dito" lumunok ako habang takot na nakatingin sa lalake na dinuro bigla ang noo ko. Tumawa pa siya tsaka tinulak yung babae para hindi maawat.

"Halika na!~ umalis na tayo!~"

"Laruan din ata ang g*gong to katulad mo haha! Kung saan man siya ngayon, sabihin mong ipapakalat ko pa lalo ang mga litrato hanggang umabot sa asawa niya!!!"

"Don't make it worse"

"T-tama siya. Umalis na tayo--"

"Tignan mo nga naman. Sanib pwersa ang dalawa hahaha! Magsasaya siguro kayong tatlo pagkatapos nito?! Saan ba ha?! Tatapatan ko bayad niya!" yumuko ako ng konti tsaka pasimpleng tumingin saglit kay chase na seryoso ang mukha. Gusto kong umiyak dahil hindi ko alam anong gagawin!!

"The issue was opened up with his wife. Wala ka na ding m-mahahabol pa. If you expect a fight, there's no way that will happen--"

"Bakit ang tagal niyo??" may dumating pang apat na malalaking lalake habang nakalabas pa ng konti ang baril sa may pantalon. Mas natakot ako hindi para sa akin--kundi kay chase.

Sa lahat ng mga nagawa ni chase, a-ako lang ata ang pinakamalaking problema. Yung sa kanila?? Papatawarin agad siya ni angel pero p-paano kung itong a-apat ang haharap kay chase?? Paniguradong hindi makakaligtas!!

"May isa kasi dito akala mo kung sino para itago ang lalakeng yun!!"

"Haha ito ba?" kinasa nung isa ang baril kaya lumingon na ako kay chase. Parang nagulat naman siya tsaka tinulak ako sa gilid para mas mabuksan pa ang pinto.

"Let's stop this. I don't want to see any blood in this unit--"

*bogsh* nasuntok ng malakas si chase pero hindi siya gumanti at tinulak lang yung lalake para hindi makapasok dito. Humarang naman agad yung babae sa apat nilang kasama kaya hindi lumala ang sitwasyon.

"Nasaan ang asawa mo?!?! Gumaganti ka ba dito sa bayaran kong babae dahil aksidente kong napagkamalang laruan din yang asawa mo?! HAHAHAHAH pero hindi mo kayang ilapat yang kamao mo sa akin?! HAHAHAH yan na ba yung ganti sayo?!"

"Quits na tayo hahaha umalis na kayo. Go! Settle it with them! Ayoko lang may dugong kakalat dito. Wala din ako sa mood para pumatol sa inyo" tinulak ako ni chase palabas ng unit niya kaya agad akong hinawakan nung lalake sa batok para hilahin palapit sa kanya. Sumunod na lang agad kami nung babae kanina.

"Gaganti ako dyan sa asawa mo pero ngayon dito muna!!"

"There's no way!! After settling it with her we are all done! Kunin mo na din yang babae mo! Wala akong pake!!"

"C-chase~" paalis na kami kaya mas lalo akong nanlumo sa sarili. H-h-hindi man lang ako tinitignan ni chase! Dapat ayos na k-kami pagkatapos kong harapin sila. I-I-I'll try to make them shut. May natira pa naman akong tauhan sa baba nitong condominium.

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now