Chapter 69

26 0 0
                                    

BREANA'S POV

Tahimik lang akong nakaupo dito sa sala habang nakikipagchat kay bubwit tungkol sa pagaaral niya. Baka kasi hindi ko na kayang magtutor kaya sabi ko papadalhan siya nina kuya. Pumayag naman siya at nagsorry pa sa akin.

*sigh*

"What was that for?" mabilis na tanong ni chase na nagkakabit ng litrato namin sa pader matapos akong bumuntong hininga. He wants to fill every spaces in this wall with our picture. Nothing more but just US.

Pumunta naman ako sa likod niya tsaka niyakap siya mula doon kaya narinig ko ang konting paghagikhik niya. Pumikit lang ako nang kunin niya ang cellphone at chineck ang pinagkakaabalahan ko kanina.

Tumawa ulit siya habang piniplay ang video na pinost niya kaninang madaling araw. Nakahiga lang ako sa braso niya habang natutulog at siya naman abala sa paghalik sa pisngi ko tsaka nilalapit pa ng husto ang camera sa mukha ko.

"Hehe what's wrong with this?? I just gave the people a quick look of how pretty my wife is even in sleep--at ang dami pang heart react. They're agreeing with me"

"Makikita yan ng asawa m--"

"Anong gusto mong kainin mahal? Ako o totoong ulam na?? Hehe" pagputol niya at pinisil pa ang mga braso ko sa harap niya. Dinilaan ko naman ang likod niya sabay kagat kaya tinaas niya ang litrato naming dalawa "Mahal ilalagay ko kaya to sa kwarto natin?"

"What makes you feel doubt?"

"Maliit kasi. Gusto ko yung malaki para nakakaagaw pansin kung gaano mo ako halikan dito hehe. What do you think??? I want to see this the moment I open my eyes in the morning. Kung dito edi mas nakikita ng mga tao kaya gustong gusto ko--"

"Anywhere you want"

"Hmm here but I'll make a copy of this for our room" hinayaan niya lang ako at bumalik ulit sa ginagawa kanina. That is why. I can't make him stop from doing what he wants. Meron man o wala, okay na sa akin ang ganito.

*dingdong* tinapik ko lang siya at agad na nagtungo sa pinto. Binuksan ko yun ng kaunti kaya kumunot ang noo ko sa dala niyang box.

"Mrs.dutchwell po?? Wala po kasing tao sa kabila kaya may nagturo sa akin dito. Pakisign na lang po" humarap lang ako kay chase kaya mabilis siyang lumapit at inakbayan ako. Kukunin na sana niya ang tablet para pumirma pero inalis yun ng tagadeliver.

"Siya nga yun. Bakit? May problema ka sa pirma ko?"

"Sir kailangan ko po ang pirma ng misis niyo dahil personal ito na gamit galing sa tatay niya"

"Then we won't receive it. Itapon mo na yan"

"Snow??" napatingin din kami sa unit nina twins nang lumabas si first at may hawak pang bulaklak. Ngumiti siya sa akin kaya humarang ng konti si chase.

"What are you doing here?"

"May sasabihin lang ako sa kanya"

"I told you to get lost, right? Umaaligid ka talaga sa asawa ko eh" napansin ko ang pagkuyom ni chase ng kamao kaya lilipat sana ulit ako sa harap niya nang pumagitna yung lalake kanina "Baka nakalimutan mong pumapatay ako ng taong lumalandi sa asawa ko?"

"Don't--"

"Ahh sir may away pa ata kayo. Kukunin ko na ang pirma ng asawa ninyo"

"Isa ka pa! Umalis ka na!"

"Pero sir kailangan ko pang ipasa itong pirma kay mr.del mundo. Importanteng gamit po ang nandito"

"She's not here" tumikom ang bibig niya at medyo lumaki pa ang mga mata dahil sa sinabi ko. Getting the idea on what is my status here? Hindi naman siguro siya tanga para hindi malamang kabit tong kasama ni chase.

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now