Chapter 31

34 1 0
                                    

BREANA'S POV

Tinitignan ko lang sina tita na inaayos ang mga lulutuin namin. Hindi ko alam anong gagawin dito dahil ayaw naman nila akong tumulong sa paghahanda.

"Promise me anak, you'll cook for chase after mastering this recipe hehe he will LOVE IT FOR SURE"

"Hmm" nahihiya akong yumuko habang hinihimas ang braso. Kumindat pa kasi si tita gelly sa iba kaya tumawa sila ng konti tsaka humarap sa akin.

Nandito kami sa unit ko at maggagabi na pero hindi pa rin sila sinusundo nina tito. Natagalan din sila kanina sa kabila para kumbinsihin si chase na tumulong sa amin. He just d-don't like me, okay?? They don't get it.

"Ohmyghad! Ngayon lang ako naexcite sa apo hehehe"

"Gellybebs chill~ I'm pretty sure blare is more happy now hehe" nagangat ako ng tingin dahil sa biglang pagbulong ni tita lili. Ngumisi sila at lumapit na sa akin kaya kumunot ang noo ko. B-bakit? Ano bang binulong nila?

"You know what??? Both of you are SO affected after being separated. You guys just won't admit"

"Yeah, pam is right. He used to cry a lot before anak. He abandoned himself way back before his marriage life"

"If you just look carefully, may sakit din yan anak. Sa sobrang pabaya ayun may sakit na sa atay pero hindi naman daw masyadong lala--sa ngayon" napalunok ako dahil sa sinabi ni tita quincy. I even w-w-want to hug him NOW! I suddenly feel the longing of his embrace, k-kisses and sweet words.

"While he's still convincing yo--"

"C-c-convincing me tita?"

"Ahmm hehe parang ganun na anak--ay basta! What I want to say is that you two should help each other. W-wala namang kaso sa amin kung ano ang resulta. Mas susuporta pa nga kami"

"Here. Get these" agad kong tinanggap ang dalawang corn dog na inabot ni tita kristine. Tinulak naman ako ng mahina ni tita gelly papunta sa pinto "Eat those snacks with him while waiting for a real food heheh we'll just write down all the procedures"

"Ahh" sumilip muna ako sa loob ng unit ni chase kung saan kanina pa bukas ang pinto. Pabalik balik kasi sina tita dito at napagod na ata sa kakapindot ng code.

Tinignan ko ang dalawang hawak kong stick na may malalaking corn dog. They bought this and I think they knew he like this snack. I still want to cry because of what I've heard but I'm so nervous too.

"What?! Umalis ka nga!" sinara ko agad ang pinto tsaka humarap sa kanya na komportableng nakaupo sa sofa habang n-nanunuod ng show ni a-angel. Tinago ko na lang sa likod ang mga pagkain at pinagmasdan siya.

"Well, in terms of parenting, I and my husband are still on that process since we are new to this chapter haha but I'm pretty sure we will be able to overcome changes"

"Wow good to hear that mrs.dutchwell. We would like to ask this question too, are you going to stop modelling after giving birth?? Did you talked about it with your husband?" sobrang sakit lalo na nung ngumiti siya matapos sumagot ni angel. Nagugustuhan niyang tawagin siyang h-husband. Masikip na naman sa dibdib. Masakit--syempre dahil hindi ko naman magagawa ang mga ginagawa ng a-asawa niya.

Lumingon siya sa akin saglit kaya agad akong naglakad papunta sa kusina para kumuha ng lalagyan sa pagkain. Masaya na ako para sa kanya p-pero hindi para sa a-akin. I will die with nothing on me but willingness to forget.

"Matagal pa ba kayo?!"

"H-hmm?" pumunta ako sa pwesto niya habang nakayukong nilalagay ang plato sa maliit na mesa. Umayos siya ng upo at pinatay muna ang tv.

"I'm not asking for food! I am asking if they will stay here more!?"

"S-siguro"

"Gusto mo atang makatikim ng suntok! Anong siguro ha?! Matagal pa ba kayo?! Pwedeng tapusin niyo na para makaalis na sila?!"

"E-eh nasa kabilang unit naman kam--"

"Nangangatwiran ka pa?!!--I want to see MORE of that baby!! Pumili ka! Aayawan ko yan o tapusin niyo ng mas maaga ang ginagawa niyo?!" umayos ako ng tayo at pinagmasdan lang siyang kinuha pa ang pagkain na parang nandidiri. Meron din pala siyang problemang dinadala noon. B-bakit hindi niya agad sinabi sa akin?? Kamusta kaya siya?? Hanggang ngayon dumidistansya siya sa iba "Galing sayo? Paniguradong hindi to masarap! Baka nga may lason pa to!!"

*blag* nagulat ako nang itapon niya ang pagkain sa sahig at pasimpleng tumayo habang nakapamulsa. Humarap naman siya sa akin sabay ngisi.

"I-I won't clean that m-mess"

"CLEAN IT!--tsaka kumuha ka na rin ng beer sa ref!!" pinulot ko na lang yun at bumalik sa kusina. Bagsak balikat kong tinapon sa basurahan tsaka nakayukong pumunta sa sulok "MAY BASAG PA NA PINGGAN DITO!"

*sip* dahan dahan akong umupo sa sahig tsaka hinayaan lang na umikot ang buong paningin ko. Hindi pa nga ako h-humagulhol, sumasakit na a--

***

Dumilat ako ng konti para ilibot ang tingin. Kumunot naman agad ang noo ko dahil sa mga wedding pictures na nagkalat sa buong k-kwarto--n-nina chase???

"Snow?--anak!" tinignan ko sina tita na nakapalibot sa akin. Tinulungan naman agad nila ako para makaupo ng maayos. I-isa sa pinakaayaw ko ay ang manatili ng sobrang tagal d-dito sa kwarto nina c-chase at ng asawa niya "Hinimatay ka ba o nakatulog lang?? Jusko muntik na kami tumawag ng tulong!"

"A-ayos na po ako" tinignan ko saglit si chase na s-seryoso lang sa tabi habang nakapamewang pa na umiinom ng alak. G-g-gusto ko na lang matulog ulit pero hindi na dito!

"Ano ba anak?? Yung pagkahiga mo ba pabagsak o nakontrol mo pa konti?"

"A-ayos lang tita"

"Anak sobrang putla mo kung ganyan ka pa rin next week s-sasabihin na namin kina liam ah?? H-huwag muna ngayon anak sorry baka kasi talagang ilayo ka na. Promise dalas dalasin na nina ana dito--"

"She said she's fine. Umaarte lang yan para magpaawa sa inyo. Gabi na mom, nasa labas na din sina dad. Pwede na kayo umuwi"

"Chase anak! Pakiusap lang! Huwag mo na takutin ang iba para naman matingin tingin nila si snow!"

"Tss ano ba ginawa ko?"

"Anak naman~" tumayo na din ako kaya aangal pa sana sina tita pero tumango lang ako at hinila na si tita gelly palabas sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit pati sina tita pinapaalis niya.

"Basta anak. PROMISE na talaga. Kapag sa susunod mangyari ulit tatawagan na namin ang mga kuya mo"

"O-okay tita"

"Dito ka muna. Yung mga tauhan mo sa baba papaakyatin namin. Huwag mong ubusin kasi baka anong gawin niya sayo eh~ nakarating na din sa amin yung cell number mo" hinalikan muna nila ako sa pisngi at lumabas na kaya tumango ako. Hindi naman h-halimaw si chase para magalala sila ng ganyan. Kung talagang gusto akong patayin edi dapat matagal na n-nangyari.

Dahan dahan kong sinara ang pinto at agad na napasandal sa gilid habang hinihimas ang tiyan. I AM NOT FEELING WELL! Tiniis ko lang dahil ayaw kong magalala sila.

"Wala na sila, bakit umaarte ka pa rin?? Paawa ka sa akin??" lumingon ako kay chase kaya napatingin siya saglit sa tiyan ko tsaka bumalik ulit sa kwarto.

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now