Chapter 71

26 0 0
                                    

BREANA'S POV

"He's fine. The baby is fine. Again and again breana don't stress yourself, so thankful that the baby is really holding you" nakangiting sabi ni tita luna kaya nagkatinginan kami ni chase na nasa kusina pa habang nilalapag ang mga pagkain. Kumindat pa siya. I'm glad!! I'm happy! Ikakamatay ko kung may mangyari sa anak niya!

"Thank you tita. Huwag ka po magalala inaalagaan ako ni chase ng maayos"

"Great! Matutuwa sina kuya sa balitang yan! Keep up the good work. Hay nako! Iwasan niyo na ang away, nakakapangit yan, sige ka~" nahihiya akong ngumiti kay tita tsaka tumayo na para samahan siya papunta sa kusina. Sinalubong pa ako ni chase at inakbayan ako "Tandaan niyo na lang yung parati kong inaadvice. Huwag kang magalala snow nagseminar to noong nakaraan hehe naexcite sobra eh. Si chase na bahala sayo. Nandyan din naman sa kabila yung iba kaya you have nothing to worry about"

"Ako na bahala sa magina ko tita. Wala ka ng maririnig na ganitong balita dahil LAHAT ng sasabihin niya susundin ko para lang hindi magtampo tong mahal ko~"

"C-chase" banta ko dahil sa harap pa talaga ni tita na parang kinilig din. He calls me mahal even though everyone, not just our family but the whole world, knew that he has a family before me. Ang awkward pa rin no.

"Sabayan mo na si snow tita sa pagkain. Matakaw to kaya dinamihan ko na para sa inyong dalawa"

"Naku hijo! Ayokong makithird wheel sa inyo hahaha! Mauuna na ako. Pakainin mo na tong magina mo" niyakap kami ni tita at umalis agad kaya humarap na ako kay chase tsaka siya hinalikan na tinugunan naman niya. If I am the wife, I will do this from time to time--but not.

"Woah is that really you snow?!" mabilis akong napalingon dahil sa sobrang pamilyar na boses. Gulat na gulat ako at hindi nakagalaw nang yakapin nila ako. For nine years!! Ito na!!

"S-sandy?? H-hanna??"

"Oo kami nga! Kami nga! Nabigla talaga kami nung makita sina ana sa tapat ng bahay!" sabay kaming tatlo na napaiyak kaya lumapit din sina ana at mel para makiyakap sa amin. Natutuwa ako dahil kahit paano nakita ko na rin sila bago pa ako mawala!

"Woaaaaah!" magtatalon na sana kami sa tuwa nang pumagitna na si chase at hinila ako palapit sa kanya "Ohh ikaw? Hindi mo ba kami namiss?"

"Nah" inikutan na lang siya ni sandy ng mga mata at ngumiti ulit sa akin habang nakahawak sa mga kamay ko. Ganun pa rin si hanna, tahimik na tao pero kitang kita ko naman na sobrang tuwa niya.

"Huwag ka na umiyak ng sobra hahaha juntis ka pa naman! Grabe talaga ang saya namin ni hanna nung nalamang kasama ka na nila!"

"Yeah we are just the same. Chase got a fight so we had to go home early. Buti talaga sumama kayo dito"

"Naku! Tong asawa mo wala man lang pinagbago! Basagulero pa rin ata! Tsk tsk turn off yan kay snow hahaha"

"Hehe ito naman maingay pa rin" singit ni hanna kaya natawa kami. Hindi ko maalis ang ngiti dahil abot hanggang langit ang tuwa ko. Lumingon ako saglit kay chase at niyakap siya sa bewang.

"Pwede bang dito muna sila hanggang hapunan?"

"Of course mahal. Why not?" hinalikan niya pa ako sa labi kaya ngumisi yung mga baliw at dumiretso agad sa sala habang yung iba ay pumasok sa kusina.

"Maganda dito maginuman habang nagkukwentuhan!"

"Let's celebrate!!!"

"Nako buhay magasawa talaga! Wala ng paalam paalam hahaha! Magkakaanak na nga! Ang dami ko ding kwento!"

***

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now