BREANA'S POV
Nanlaki ang mga mata ko nang umitim ang pinainitan kong pagkain na inorder ko lang din sa labas. Naligo lang ako saglit tapos ito na! Gutom na ako eh~
"Stupid!"
*toktoktok* mabilis kong pinatay ang stove at halos patakbo ng pumunta sa pinto. Maaga pa naman ah?? Hindi na nga ako nakatulog dahil sa kakaiyak kagabi.
"Bakit--" sinundan ko lang ng tingin si chase nang tapunan ako sa mukha ng tuwalya at dumiretso papasok. Ayos na ayos siya kaya ang g-gwapo. Bagay sa kanya ang nakatucked in na white polo tapos nakasunglass pa. I didn't noticed his kind of style months ago.
"Inaabala mo ako parati!!! Sa susunod wag ka na papagising! Ano ka sa tingin mo baby pa para magpagising?!"
"Bakit?"
"BAKIT?! Hindi mo ba alam na ngayon yung event sa skwelahan?! Maligo ka na nga!!"
"T-tapos na" lumingon siya sa akin tsaka tinignan ang suot ko na parang nandiri dahil wala namang pinagkaiba. Ganun pa rin--jacket, leggings at bonnet. Dapat pa ba akong m-magayos?
"Seriously? You wanna make me laugh at you?"
"Wala naman akong ibang damit eh kundi ito lang"
"Gusto mo ako mamomroblema nyan?!"
"H-hindi"
"Then change your clothes NOW!! Hindi pwedeng hindi ako pupunta sa event at ayokong nalelate! May sinabi ka ba sa kanila ha? Gusto mo pa talagang sabay tayo?!! Kung yan ang paraan mo para makalapit sa akin--HINDI. Paano mo sila napapayag sa mga kabaliwan mo?!"
"I can't"
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" lumapit siya at pwersahang binaba ang zipper ng jacket ko. Yumuko lang ako habang tinitignan ang mga malalaking pasa at tahi sa katawan. May tube pa naman ako eh "DID YOU DO THIS BECAUSE OF MY CHILD?!!"
"H-hindi~" umiling pa ako nang ituro niya ang malaking tahi sa gilid ng tiyan kung saan 10 months na ang nakalipas matapos kong sadyaing hiwain ang sarili ng kutsilyo.
"Kumain ka na nga lang!!"
"Nasunog yung k-kakainin ko" naiiyak ko na lang inayos ang jacket habang sinusundan siya ng tingin na palabas dito. Narinig ko pa ang pagsinghal niya at paghampas sa kung saan.
"Ikaw na bahala dyan!!! Kabisado mo naman siguro ang daan doon!!"
***
"Snowy k-kailangan ba talagang dalhin ang bodyguards mo?? Nandito naman kami oh. Kami magpoprotekta sayo hihi lalo na si chase" tinignan ko sina ana at mel na nakakapit sa braso ko. Kaya pala galit na galit si chase kasi halos lahat sobrang formal ng suot tapos may iba pa na cocktail ang sinuot.
"Leave us. We can handle her"
"But sir clyde--"
"No buts" papunta na kami sa gym kaya padami na ang mga tao at may iba pang kumakaway sa amin. Madami talagang nagbago pero naalala ko na naman ang hindi paggraduate ni chase dito.
"Kanina pa to nagsimula!" umupo agad kami sa malaking round table kung saan nandun na si chase. Para lang ata to sa amin dahil sakto lang sa bilang ang mga upuan at dito pa kami sa pinakalikod.
"Kyaaa swerte ng batch natin!!"
"Yaa sabi pupunta yan sila!"
"Sino yang kasama nila? Si snow ba?"
"Hala oo, sino yan?!!"
"Teka waaaa gumanda at gumwapo sila lalo!" kinakabahan akong yumuko nang marinig ang pangalan ko. Bukod pa dun nasa harap ko si c-chase kaya natatakot na naman ako sa sasabihin niya dahil sa suot ko.
"HAHAHA t*ng*na sino daw yan?"
"Snow don't mind them" sabi ni tamura tsaka hinagod pa ang likod ko since siya ang katabi ko at si mel naman ang nasa kabilang side. Naiintindihan ko sila kaya hindi ako m-magmamaldita.
"Kain ka na lang muna dyan"
"Kami na bahala sa gustong lalapit o kakausap sayo"
"KYAAAAAH!!!" napatigil kaming lahat at lumingon sa mga taong naghiyawan sa buong gym. Nagkagulo na ang iba lalo na yung nga nasa stage area.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay chase sa harap na nanatili lang sa inuupuan habang matalim na nakatitig sa akin. Hindi man lang nagalaw kahit sobrang gulo sa likod niya! Hindi naman siya napapansin nina twins dahil abala pa rin sa nangyayari sa harap.
"HAHAHAHA THE BEST COUPLE IN OUR BATCH!! HANAPIN NIYO NA!! ANG ALAM KO NANDITO NA SILA!!!" umayos ako ng upo at pilit na tinuon ang pansin sa mga taong tinuturo ang direksyon namin. I-it is not u-us, right? Their eyes are all fixed to the both of us!!
"Nandito!! Kompirmado siya nga!!"
"Really??!!"
"KYAAAAHAHAHAH!!" tumayo din sina twins habang natatawa sa amin. Hindi pa rin gumalaw si chase nang ituro siya nung babae tsaka sa akin naman yung lalaki na kasama niya.
"NAUNA KAMI!!!"
"HAHAHAHA BASTA LANDIAN ANG DAMI NIYONG ALAM!!" nagtawanan ang lahat sa sinabi nung emcee pero maliban sa amin ni chase na talagang hindi natuwa sa ginagawa nila. Ituro ba naman ang kumakabit sa pamilyadong tao.
"Snow HAHAHA look!!" tinignan ko agad ang tinuturo nina gene kaya nagulat ako sa pinapakita sa malaking screen. Hindi ko i-inaakala to!! Lagot ako kay chase!!! GUSTO KO MAGWALA SA HIYA!! AHHHH!
Tinignan ko ulit siya saglit at ganun pa rin kaya napatitig ako sa screen. Medyo naiiyak pa ako pero pinipigilan ko lang, hindi dahil matalim ang tingin ni chase, kundi nasa maraming tao ako! Alam na ba niya i-ito?
"HAHAHAH buti na lang talaga malakas source ng section niyo noon" PICTURES! N-nandun yung nakisit in si m-mark at umupo ako sa lap ni chase, kinikiliti niya ako dyan kaya malaki ang ngiti naming dalawa habang nakadikit ang pisngi ko sa bibig niya.
Doon naman sa outreach kung saan naghahalikan kami ni chase sa h-higaan ko. Hindi ko na masyadong natatandaan pero parang nakakapuslit siya noon nung nagbati kami.
Pinakita din kung saan magkahawak kamay kami sa daan at halatang patago lang ang pagkuha ng litrato. SAAN AT KANINO GALING ANG MGA YAN?!! THIS IS SOMETHING THAT THEY SHOULD HAVE DELETED YEARS AGO!! IN RESPECT TO HIS WIFE!!
"Hihingi kami ng copy nyan ha!"
"Sure why not"
"Ay talaga sige! HAHAHAHA"
"Anyways!! To the winners please come here after this intro. I HOPE EVERYONE WILL ENJOY SO LET'S WELCOME THE LIVE BAND--THEY WILL HANDLE THE REST OF THIS NIGHT!!" lumakas pa ang tugtog sa buong lugar kaya lumayo na din sina twins para makisali sa mga nagsasayawan sa harap. Disco time but my mood isn't in this level.
Sabay kaming nagiwas ni chase ng tingin kaya yumuko ako ng konti tsaka pasimpleng pinunasan ang luha na biglang tumulo sa pisngi. Tahimik lang kaming dalawa dito at hindi man lang gumagalaw sa inuupuan.
The history should be forgotten and I think they should include snow. That person was wrong all the time. Maybe, they were right, I was just a brat who wanted to imagine that everything was perfect. Now is the reality. Now, they can judge me and I won't argue with you.
Mabilis kong hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isa sa tauhan ko. Mas hindi na ako komportable dito kaya iiwas ako sa maraming tao.
*Phchssphshss* kumunot ang noo ko sa maraming usok na lumalabas lalo na sa harap. Hindi ko alam saan titingin dahil isa lang ang pumapasok sa isip ko.
Nagkatinginan ulit kami ni chase pero umiwas agad ako at halos patakbo ng lumabas sa lugar na yun. NO MORE--AS IN NOT IN A SINGLE CHANCE TO KIDNAP ME!!