SANDY'S POV
"Umasa ka naman?" a-akala ko talaga hinanap niya ako, hindi nga nagbago! Ngumiti ako sa kanya at nakisabay sa tawa ng iba.
Hindi naman totoong may pamilya na ako kay seven! Kakasimula pa lang ni pito na manligaw. Alam naman niya ang mga kagag*han na sinabi ko dito.
Sinabi ko lang yun kase ayaw kong gugulo na naman isip ko dahil may balak akong sagutin si seven! Tsaka ayokong umasa! Sikat siya, mayaman, madaming nagkakagusto. Ako?! Wala akong ipagmamalaki tsaka hindi pa siya nagbago!
"Hindi ah, natawa lang talaga ako"
"Ano pinagtatawanan mo ko?!" tumayo na ang iba at umalis tsaka tinapik pa si gene dahil tumaas konti ang boses. May dapat ba kaming pagusapan?? Parang wala naman akong atraso sa kanya at wala namang KAMI bago ako lumayo sa kanila!!!
"May pamilya na ako gene" natatawang sabi ko tsaka bahagyang humarap sa ibang direksyon. Syempre nagulat ako sa sinabi ni mel pero ayokong maniwala dahil ang buhay nito puno ng panloloko hahaha.
"Oh tapos? Tinatanong ko ba? Sikat na ako kaya ang dami ko pang makikita dyan"
"Oh tinatanong ko din ba?!"
"Hindi pero halatang kahapon ka pa umaasa ha? HAHAHA alam mo naman palabiro mga yun"
"Duuuh as if naniniwala ako tsaka wala akong pake gene kahit ilang babae pa mahanap mo. Goodluck na lang hahah"
"Si gene yan diba?! Yung sikat?! Yung anak ni lucas?!! Wah papicture tayo!!" bago pa magkagulo ang paligid ay agad na akong lumayo at naiiling na tinignan ang mga babaeng nababaliw sa idolo nila. Kung alam lang nila.
"Papicture!!! Kyaaaa!!!"
"Asan na yung mga kasama mo?!!"
"Anong ginagawa mo dito??!!" umatras na lang ako at nagsimula ng maglakad palabas. Sakto namang bumuhos ng malakas ang ulan kaya tinapon ko ang panyo na sana ipupunas ko sa mukha. Useless!
Tahimik lang akong naglakad sa gitna ng ulan papunta sa terminal ng mga jeep. Okay lang naman siguro sumakay kahit basa. Babayaran ko na lang ng malaki si manong kung labag sa kanya.
"Can you explain why are you crying?" bumagal ang lakad ko ng marinig ang boses niya. Nandito kami sa likod ng mall kaya siguro natakasan niya yung fans niya.
"Ano? Hindi ako umiiyak" sabi ko at binilisan ulit ang paglalakad. Paano niya ako nahanap? Baka ipagyabang nitong may nahanap na siya sa mga nagpapicture sa kanya? HAHAHA ang bilis! Ganyan talaga!
"Dito tayo sa gilid baka magkasakit ka niyan!" tinabig ko lang ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. Ano kami nasa movie?!! Anong movie toh?! Tsaka bago pa yung 9 years malinaw naman sa amin na wala na dib--
Flashback
Bumaba na kami sa stage ng matapos kaming picturan ng mga magulang nila. Kahit hindi kami kompleto dapat pa rin namin ipagdiwang to.
"Congratulations!!" nahihiya kami ni hanna na ngumiti sa mga magulang nila dahil pati kami punong puno din ng pagbati.
"Sandy" humarap ako kay gene nang tawagin niya ako. Hindi naman kami ginugulo ng iba kaya kahit paano ay nawawala yung awkwardness namin sa isa't isa "Congratulations. Ano? Dinner tayo mamaya?"